Chapter 9

1128 Words
Katatapos lang linisan ni Emy ang comatose na among babae ng pumasok sa loob ng kwarto ang kanyang among lalaki. “Mabango na ba ang mahal kong asawa?” nakangising tanong ni Mang Raul na mukhang namumula ang mukha. Halatang nakainom ng alak. “Opo, Mang Raul. Pinakapunasan ko po si Ma'am Grasya para luminis at bumango,” ang sagot ni Emy na todo ngiti. Tinapunan ng tingin ni Mang Raul ang asawa at saka siya napangisi. “Good, ayaw na ayaw ni Ma'am Grasya mo na marumi at mabaho siya kaya dapat lang na lagi mo siyang panatalihing malinis at mabango,” ani pa ni Mang Raul na kagagaling lang sa kung saan sa labas ng bahay. Lalabas na sana si Emy at iiwan na ang mag-asawa ng maalala na magtanong kung kumain na ba ng hapunan ang among lalaki. “Mang Raul, kumain na ho ba kayo? Gusto niyo po na ipaghain ko kayo ng hapunan?” mga tanong ni babaeng caregiver. Napatingin naman si Mang Raul kay Emy na para bang nagtataka ito. “Hindi pa ako kumakain ng hapunan,” ang sagot ng amo. “Sige po at ipaghahain ko na po kayo. Saan ho na kayo kakain? Dito ho ba o sa dining area?” mga tanong ulit ni Emy sa amo. “Sa dining area,” tipid na sagot pa ni Mang Raul na hinubad na ang suot na mamahaling relo at niluwagan ang kurbata sa leeg na pansin ni Emy na laging hindi tama ang pagkakaayos. Nauna na si Emy sa kusina para nga ipainit muna ang kanin sa rice cooker at ulam naman sa kalan. Pagdating ni Emy sa dining room ay tahimik na ngang nakaupo si Mang Raul sa pinakapuno ng mahabang lamesa at naghihintay sa pagkain para sa hapunan. “Heto na po ang hapuna niyo, Mang Raul,” sabay lapag na nga ng babae sa pagkain. Kinakabahan pa nga si Emy dahil walang kibo ang among lalaki at pinagnamasdan ang kanyang paghahain ng kanin at ulam sa ibabaw ng lamesa maging ang pagaayos ng plato at mga kubyertos nito. “Kumain na ho kayo, Mang Raul,” paghikayat pa nga ng babaeng caregiver para kumilos na ang among lalaki. Pero dahil hindi kumikilos si Mang Raul ay si Emy na ang naglagay ng kanin sa plato nito at maging ang ulam na niluto niya. “Pagpasensyahan niyo na po ang niluto kong ulam, Mang Raul. Namili lang po kasi ako ng pwedeng iluto sa loob po ng refrigerator niyo,” ani pa ni Emy na pinaghalo-halong gulay na carrots, sayote at carrots na may halong karne ang nilutong ulam dahil iyon lang ang nasa loob ng refrigerator. Tahimik at walang kibo na tinusok ng tinidor na hawak ni Mang Raul ang ulam na inihain ni Emy at saka tinikman. Halos hindi humihinga ang babaeng caregiver dahil nag-aalala na baka mamamaya ay iluwa ni Mang Raul ang niluto niya ngunit sumandok pa ang among lalaki at magana na ngang ngumuya. Waring nabunutan ng tinik sa lalamunan si Emy na tila nagustuhan naman ni Mang Raul ang kanyang luto. Sinalinan na rin niya ng malamig na tubig ang babasaging baso malapit sa tabi ng among lalaki. “Mabuti na lang at nagustuhan ni Mang Raul ang luto ko,” bulong pa ng babae sa kanyang isip dahil naalala niya na mayaman ang among lalaki pero ang lakas ng loob niyang hainan ito ng gulay na ulam na pinagsama-sama lang naman niya at saka nilagyan ng konting karne para may lasa. Wala naman pa lang selan sa pagkain si Mang Raul na siyang nagustuhan agad ni Emy. Hindi napansin ng babaeng caregiver na tapos na sa pagkain ang kanyang amo. “Tapos na ho kayong kumain? At naubos niyo ho talaga ang kanin at ulam?” hindi mapigila! na tanong ni Emy dahil namamangha sa among lalaki. “Paborito ko ang gulay kaya huwag ka ng magtaka kung naubos ko lahat,” saad ni Mang Raul na uminom pa ng maraming tubig. “Salamat naman ho at nagustuhan niyo, Mang Raul. Kinakabahan nga po ako kanina habang ngumunguya kayo at baka bigla niyo na lang itapon sa mukha ko ang niluto ko,” pagsasabi ng totoo ni Emy sa among lalaki. “Masamang nagsasayang ng pagkain dahil marami ang nagugutom na tao sa buong mundo. Kaya dapat lang na kahit anong pagkain masarap man o hindi sa panlasa ay dapat lang na kainin at huwag sayangin,” ang sagot ni Mang Raul na kinamangha na naman ni Emy. Sa loob-loob ng babae na maganda yata na nakainom ng alak ang among lalaki dahil maganda ang mga lumalabas sa bibig nito. Nang tumayo na sa hapagkainan si Mang Raul ay iniligpit na ni Emy ang lahat ng mga pinaggamitan nito at saka na hinugasan sa kusina. “Dapat pala lagi na lang nakainom ng alak itong si Mang Raul dahil tahimik at mas makabuluhan ang lumalabas sa kanyang bibig. At kahit na mayaman at maraming pera ay pinahahalagahan ang hindi pagsasayang ng pagkain,” bulong pa ni Emy sa isip at nakangiting naghuhugas ng plato. “Sabagay, ang mayayaman talaga ay mapagpahalaga sa anong mayroon sila kaya nga sila yumayaman pa,” dagdag pang sabi ni Emy. Nang matapos maghugas ng mga plato at magpunas ng lamesa sa dining table ay nagtimpa ng kape si Emy para sa kanya at para na rin sa kanyang among lalaki. Kumatok muna ang babaeng caregiver sa silid ng mga amo bago tuluyan na pumasok sa loob nito. Wala si Mang Raul sa paligid ngunit narinig ni Emy ang lagaslas ng tubig na nangagaling sa loob ng banyo. “Naliligo na pala si Mang Raul, Ma'am Grasya. At nalaman ko ngayon na mapagpahalaga pala si Mang Raul sa pagkain,” kwento ni Emy sa among babae na inayos niya pa ang kumot nito. Malamig sa silid kaya lagi rin nakasuot ng medyas ang babaeng comatose. “May kailangan ka pa ba, Emy?” Napalingon si Emy sa kanyang likuran at nakitang nakatapis ng puting tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan ng among lalaki na nagpupunas ng basa pang buhok gamit pa rin ang isang tuwalya. “Mang Raul, wala naman ho. Pinagdalhan ko lang ng mainit na kape at baka gusto niyo lang po,” muntik pang manginig ang boses ni Emy dahil sa totoo lang ay napakagwapo ni Mang Raul at idagdag pa ang maganda nitong katawan na impis na impis ang tiyan. “Sige at iwan mo na lang diyan,” sagot ni Mang Raul na pinagpatuloy ang pagpupunas ng basang buhok. “Alis na ho ako, Mang Raul. Good night po sa inyo ni Ma'am Grasya,” pagpaalam na lang ni Emy at saka na nagmamadaling lumabas ng silid ng mga amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD