II

1282 Words
Nang maidilat niya ang kanyang mga mata ay kaagad na dinampot ni Warui ang kanyang damit na nakakalat sa lapag. Marahan niyang inalis ang kamay na nakapulupot sa kanyang beywang at mabilis ngunit maingat na lumabas ng silid, habang isinusuot ang kanyang damit. Sa isang kamay ay hawak niya ang kanyang sapatos. Nag-iwan pa siya ng isang maliit na kahon na naglalaman ng contraceptive pill sa may bedside table at tip para sa maglilinis. Pagkatapos, mabilis nang tumalilis si Warui mula sa lugar. Tinanguhan niya lang ang bouncer na tila nagbibitbit ng mga lasing na kustomer papalabas ng naturang lugar. Kilala na siya ng mga ito kaya naman hindi niya na kailangan pang makaladkad pa. Kaagad niyang tinungo ang kanyang sasakyan. Pinaharurot niya iyon palabas ng Paradiso upang magtungo sa Krasny Towers, kung saan naroroon ang kanyang tinitirahang condominium unit. Bago niya pa man marating ang naturang condominium ay naramdaman niya na ang pagkalam ng kanyang sikmura kaya naman ikinaliwa niya ang sasakyan upang maghanap ng makakainan. Ipinarada niya iyon sa gilid ng kalsada at bumaba sa harapan ng isang maliit na Japanese convenience store. Pagkapasok niya sa loob ay humanap siya ng instant ramen at kaagad na binayaran. Nilagyan naman iyon ng clerk ng mainit na tubig. Hinayaan muna ni Warui na maluto ang noodles. Naghanap siya ng mapupuwestuhan. Sakto namang nakahanap siya ng upuan na nasa tapat ng bintana, kung saan kita niya ang kanyang mamahaling sasakyan. Bahagya siyang napangisi nang makita na may nag-iwan na naman ng mensahe sa kanya. Thirty unread messages at sixty-five missed calls ang naka-display sa screen ng kanyang smartphone ngunit kaagad niya lang pinindot ang block option upang hindi na siya makulit pa ng babaeng iyon. Alam niya na iyon ang nakasama niya kagabi at alam niya ang pangalan nito. Binigay nito kasama ng isang calling card na iniwan niya sa basurahan ng VIP room. Sadyang… hindi lang talaga siya mahilig na makipagkonekta pa sa mga nakaka-one night stand niya. One night stand nga, ‘di ba? Bakit naman ako makikipag-date pa sa ‘yo? sa isip-isip ni Warui. Nang maluto ang instant ramen niya ay napasulyap si Warui sa babaeng nasa kabilang bahagi ng kalsada. Nakatitig ito sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata nang mag-iwas ito ng tingin nang maghinang ang kanilang mga mata. Pinaghiwalay niya ang kanyang chopsticks na hawak ngunit hindi niya inalis ang titig dito. Hindi nga siya nagkamali, muli siya nitong sinulyapan. At muli rin itong nag-iwas ng titig nang makita na nakatuon ang atensyon niya rito. Hindi niya na ito tinapunan pa ng pansin. Kanina pa siya nagugutom at baka maghuramentado na siya kapag hindi pa siya nakakain ng agahan. Ngunit siguro nga ay talagang misyon ng babae na inisin siya dahil natapos na siyang kumain at lahat-lahat ay naroroon pa rin ito sa puwesto nito, hindi gumagalaw. Nakatitig pa rin sa kanya at nakahawak sa sinapupunan nito. Hindi naman ito mukhang pulubi dahil sa totoo lang ay mukhang mamahalin ang suot nitong bestida kaya naman imposible na nagugutom ito at gustong mamalimos. Sa kabila niyon, may umudyok pa rin sa kanya na bumili ng instant meal sa convenience store. Sisig na may kanin na sinamahan niya na rin ng tubig. Ibinulsa ni Warui ang kanyang wallet bago kinapa ang maliit na punyal na laging nakakatago sa ilalim ng kanyang damit. Mahirap na. Ilang beses na bang napagtangkaan ang buhay niya, na ang ginagamit na pain ay babae? Tumawid siya ng kalsada at nilapitan ang babae. Bahagya namang nanlaki ang mga mata nito sa kanyang ginawa ngunit hindi naman nagpatinag si Warui. Kailangan niyang makabalik kaagad sa condo niya dahil pagod siya at kailangan niya ng pahinga. Iniabot niya ang hawak na supot sa babae na tiningnan naman nito nang mataman.He let out a deep sigh and took the woman’s hand. Iniipit niya ang hawakan ng plastic sa pagitan ng mga daliri nito. “Look, lady, hindi ka naman mukhang pulubi pero kanina mo pa ako tinitingnan kaya naman binilhan kita ng pagkain. Eat well.” Nang talikuran niya ito at akmang maglalakad papalayo ay nahablot ng babae ang manggas ng kanyang suot. Napalingon siya ngunit bago pa man siya makahuma ay naunahan na siya ng estranghera. “Ikaw si Warui Sakamoto, ‘di ba? Rui, hindi mo ba ako natatandaan?” Nangunot ang noo ni Warui. “Dapat ba kitang matandaan? Look, lady. I need to go home—” Napuno ng determinasyon ang mga mata nito. May inilabas itong maliit na pregnancy test strip mula sa bulsa at idinukdok sa mukha niya. “Naka-one night stand mo ako sa La Traviata. Pagkatapos no’ng gabing ‘yon, dalawang buwan akong na-delay. Buntis ako at ikaw lang naman ang nakasiping ko, Rui!” Tila hindi naman nasorpresa ang dalagang kaharap nang tawanan niya lang ito. “April Fools’ ba ngayon? Joke time ka—” Napangiwi siya nang suntukin nito ang kanyang balikat. May puwersa iyon. “T*ngina ka ba? Mambubuntis-buntis ka tapos sasabihin mo nang-jo-joke lang ako? Tarantado!” Nahagod ni Warui ang kanyang buhok at tumitig sa dalaga. Itinaas niya ang baba nito upang magkatitigan sila. Tila naman natigilan ang babae dahil hindi ito nagprotesta man lang. “Look, lady… Malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo? Hindi ko alam ang pangalan mo at hindi rin kita mahagilap sa memorya ko. Though yes, I must admit, sa dami ng naikakama ko, hindi ko na kayo natatandaan pero… paano ako makakasiguro na hindi mo ako pinipikot? ‘Di ikaw ang unang beses na lumapit sa ‘kin at nagsasabi na anak ko pinagbubuntis nila, miss. At sa lahat ng mga babaeng ‘yon, lahat sila nagsinungaling sa ‘kin.” Namula ang mukha nito. Tila ba nainsulto. Inihampas nito sa kanya ang ibinigay niyang plastic bag na may pagkain. “Anong tingin mo sa ‘kin, pakarat? Kung gusto mo, ipa-DNA test mo pa ‘to kapag lumabas, e!” Warui scoffed. Imposibleng makabuntis siya dahil maliban sa may suot siyang c*ndom sa tuwing nakikipagsiping, nag-iiwan din siya ng contraceptive pill. Nagpakawala na lamang siya ng buntong-hininga at tinalikuran ang dalaga. Hindi naman ito nagpadaig dahil nahawakan na naman nito ang manggas ng kanyang suot. Bahagyang umiinit na ang ulo niya ngunit hindi niya iyon ipinakita. Kahit naman g*go siya ay hindi niya naman magagawang manakit ng babae. Maliban na lang kung ipinapaligpit iyon ng kliyente niya. “Look, what the heck do you want? Bumalik ka kapag nanganak ka na. Kung anak ko ‘yan, e ‘di magbibigay ako ng sustento—” Parang nalatid na ang pisi ng pasensya ng dalaga. Pinaharap siya nito at dumapo sa kanyang pisngi ang kamay nito. “Putragis, ano, ako magpapakahirap na magbuntis tapos hindi mo ako tutulungan? Panagutan mo ‘to, Warui! Magkasama natin ‘tong ginawa tapos ngayon iiwan mo ako mag-isa?” Ngunit para yatang nabingi si Warui nang marinig ang salita na panagutan. Allergic siya roon at wala rin iyon sa diksyonaryo niya. Itinuloy niya na lang ang kanyang paglalakad papalayo ngunit naging makulit ang babae. Halatang determinado ito na mapa-oo siya na panagutan ang bata. Ngunit ilang beses na bang napunta sa ganoong sitwasyon si Warui? Hindi niya na yata mabilang. Hindi siya madaling magoyo at hinding-hindi siya magpapagoyo sa babaeng kaharap. Bago siya tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan ay nilingon niya ito. “Look, Miss, maganda ka, okay? Pero kahit na kulitin mo pa ako, akitin, gayumahin, ipakulam, barang, o kahit na silaban mo pa ang picture ko at ilublob sa holy water, hindi mo ako mapipikot kaya umuwi ka na. Sinasayang mo lang ang oras nating dalawa. Hindi ako santo, miss. At mas lalong hindi ako tanga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD