Warui wiped his small blade before tucking it inside the hidden compartment of his shoes. Tapos na ang trabaho niya sa loob ng opisinang iyon. Saglit niya munang inalis ang lukot ng kanyang suot na dilaw na utility jumpsuit at hinubad ang suot niyang utility gloves. Isinuksok niya iyon sa loob ng kanyang bitbit na toolbox at bahagyang ibinaba ang dilaw na hardhat niyang suot. Sumakay si Warui sa elevator. Prente niyang pinindot ang button para sa unang palapag. Nang marating niyon ang kanyang destinasyon ay mabilis siyang lumabas ng gusali. Bahagya niya pang tinanguhan ang guwardiya na nagpapasok sa kanya. Aantok-antok na ito at tiyak na hindi na nito makakabisado pa ang kanyang mukha. Alas-diyes na ng gabi noong mga sandaling iyon.
Nilakad niya ang papalabas ng malaking parking lot ng kompanyang iyon at nagtungo sa ikalawang kanto mula sa gusali. Kumaliwa siya mula roon at tinungo ang isang 24-hour convenience store kung saan naka-park ang kanyang 2019 Acura RLX. Nang makapasok sa loob niyon ay kaagad niyang hinubad ang suot niyan jumpsuit na bahagya pang natalsikan ng dugo. Kaagad siyang nagpalit ng pulang tuxedo at nagmaneho patungo sa pinakapaborito niyang tambayan, ang Paradiso.
Sakamoto Warui. He liked being called Rui, especially if it was a woman screaming his name in the middle of lovemaking. Hindi naman sa pagmamalaki, pero ilang beses na niyang naranasan iyon. Trabaho? Well, minsan electrician siya. O karpintero. Tubero. Sales agent. Professor. Kahit na anong kailangan niyang gampanan para lang mapalapit sa kanyan target at magawa ang kahit na ano mang iutos sa kanya ng kanyang kliyente. After all, he was a hired mercenary. A top-paid mercenary, to be exact.
Iba siya magtrabaho. Hindi minadali. Kunsabagay, gustong-gusto niya na umaarte. Kung hindi siya maagang namulat sa pagkatay ng tao, baka sinubukan niyang mag-artista. Natutuwa ang kanyang puso kapag nagtitiwala sa kanya ang kanyang target habang wala itog kaalam-alam sa kung anong kahihinatnan nito sa kanyang mga kamay. At kapag hulog na hulog na ito, tsaka siya aatake. And it seems like it was a natural talent of his, living a life of crime. After all, his father was the head of Sakamoto-gumi, a prominent crime group in Japan. Inanakan nito ang kanyang ina na Filipinang nagtatrabaho noon bilang entertainer sa bansa. Wala sana itong balak na panindigan ang kanyang mama ngunit nang malaman ng kanyang otto-sama na lalaki ang magiging anak nito ay mabilis na nagbago ang isipan ng matanda. Kaagad silang kinupkop nito at simula noong ipanganak si Warui hanggang sa tumuntong siya sa edad na labingwalo ay nakatira siya sa malaking mansiyon ng kanyang ama sa may Osaka. Napalayas lang sila nang bumalik ang tunay nitong asawa at…
Napangiwi na lang si Warui nang makita na mahaba ang pila ng mga sasakyang papasok sa loob ng Paradiso. The chairman threw another street party and everyone was worked up with gambling, booze, and partying. Iba naman ang pakay niya maliban sa alak. Hook-up.
Nang makababa siya sa kanyang sinasakyan ay sandali siyang lumapit sa chairman ng Paradiso na si Jianyu Lee at nakipagkumustahan at nanigarilyo sandali. Nang matapos ay inabot nito sa kanya ang isang makapal na sobreng naglalaman ng malaking halaga ng pera; ito ang may ipinatrabaho sa kanya na sa pagkakaalam niya ay may kasalanan sa asawa nito. Sa totoo lang ay wala namang pakialam si Warui sa mga personal na alitan ng kanyang mga kliyente. Hangga’t may lapad na bumabagsak sa palad niya, magtatrabaho siya ng naaayon sa gusto ng kanyang employer.
Nang mabilang ang salapi ay nagtungo si Warui sa isa sa mga sikat na nightclub sa red-light district na iyon, ang La Traviata. Isang tingin lang ng bouncer sa ipinakita niyang VIP card ay kaagad na siyang pinapasok ng mga ito. Halos lahat yata ng pulgada sa kanyang mukha ay nakabisado na ng mga ito dahil sa dalas niya roon. Um-order muna siya ng isang baso ng gin on the rocks bago iginala ang kanyang paningin sa buong nightclub. Parang agila na naghahanap ng masisila.
Hindi naman nagtagal ang paghahanap ni Warui dahil nang magawi siya sa may kanan ay na-is-spot-an niya kaagad ang isang babaeng nakasuot ng pulang satin dress na halos wala nang takpan sa katawan nito. Nilagok niya lahat ng laman ng kanyang baso. Sandali niyang pinunasan ang gilid ng kanyang labi, nag-spray ng peppermint sa kanyang bibig at pabango sa kanyang katawan bago lumapit sa babae. Napangisi ito nang makita siya. Hindi ito nagdalawang-isip at kaagad na kumawit sa kanyang leeg.
“Angel ba pangalan mo?” bulong niya sa tainga nito bago pinadaan ang kanyang mainit na palad sa likod ng dalaga. Natawa naman ito sa kanyang sinabi at tinaasan siya ng kilay.
“My name’s not Angel, handsome…”
Rumepeke siya ng isang malungkot na ngiti. “What a shame… because you look like an angel to me, darling…”
Hindi nga nagtagal ay sinunggaban na siya nito ng halik. Gumiling ang katawan ng babae habang nakadikit sa katawan niya, na siyang lumikha ng init sa bawat pagkiskis ng balat ng dalaga. Wala nang pakialam si Warui kung ano ang pangalan nito, o kung may boyfriend man ito o asawa. He surely did not give a damn about who she was. Ang tanging alam niya lang ay magaling itong gumiling. Period.
Ang mainit na sandali ay kanilang itinuloy sa VIP area ng naturang lugar. Nang makapasok sa loob ay kagad na lumaglag sa lapag ang suot nitong damit. Sinundan iyon ng mamahaling tela na kanina lamang ay nakatakip sa katawan ni Warui. He smirked before taking out a packet of c*ndom out of his pocket and removed his leather belt. Ngumisi naman ang kaharap at lumuhod sa kanyang harapan bago ibinaba ang zipper ng kanyang slacks. Dinala nito sa bibig ang pakete ng extra large c*ndom at binuksan gamit ang ngipin nito.
Halos makalimutan ng dalaga ang pangalan nito nang mag-umpisa na si Warui na paligayahin ang estrangherang kakakilala niya pa lang. Kungsabagay, bukas ng umaga, hindi na siya nito makikita pa. Hindi siya ang tipo na nagseseryoso lalo na sa usaping pag-ibig. S*x lang naman ang habol niya at ayaw na ayaw niya ng responsibilidad. Palagi siyang nag-iiwan ng Plan B pill bago siya umalis kinaumagahan dahil ayaw niya na may humabol-habol sa kanya tungkol sa sustento, lalong-lalo na sa usapin na kailangan niyang pakasalan ito para sa dinadala nitong bata.
Aware naman siya sa itim ng budhi niya. Ngunit wala na lang iyon kay Warui. He loved his lifestyle and no one, not even Cupid and his goddamn arrow, could make him live the way he was right now.
Live fast, die young.