CHAPTER NINE

1130 Words
Simula noong nangyari sa reception, bigla na lang siyang naging possessive at protective sa akin. Sinumang lalaking lumalapit sa akin ay pinagseselosan niya. “Ano ba?!” Bigla niya na lang akong kinaladkad palabas ng university nang ipakilala sa akin ni Glydel ang bunsong kapatid ng nobyo niya. Nag-eskandalo pa siya sa canteen. “I am your husband, you are not allowed to be with someone else,” aniya, na ikinagalit ko. Ang kapal ng mukha niya. “Fvcking bullshit! Don’t you dare talk to me like that. Sa papel lang tayo mag-asawa, not in reality! Magising ka sa katotohanan na kailanman ay hindi ako magiging iyo!” galit kong wika habang nagpupumiglas. Hanggang sa binitawan niya ang braso ko. “You’re mine, Sea! I don’t care at all, basta para sa akin asawa kita!” mariin niyang sagot. Napahawak siya sa kaniyang mukha nang sampalin ko siya nang malakas. Halos mamula ang mukha niya. “Dream on, Haz!” Malakas ko siyang tinuhod kaya’t napayuko at namilipit sa sakit. I left him alone, dumiretso ako sa kotse ko at pinaharurot ito. Kahit kailan talaga, palagi na lang niyang sinisira ang araw ko. Pagdating ko sa mansyon, nadatnan ko si Daddy habang nagbabasa ng magazine at nakadekwatro sa sala. “Why are you here?” bungad niyang tanong nang makita niya akong pumasok, habang ang mga mata ay nasa dyaryo. I just rolled my eyes. “He ruined my day again,” sagot ko. Saglit siyang napahinto sa pagbabasa, ibinaba ang hawak na magazine, at inilapag sa ibabaw ng mini-table sa harap niya. “What?” “I said he ruined my day again. Kahit sino na lang ang pinagseselosan niya. He really thought that I am his wife. Sa papel lang kami mag-asawa, hindi sa reality. At ginawa ko lang iyon para sa mga anak ko.” Umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Obvious naman kasi na papanig na naman siya sa lalaking iyon. “Sea! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” tawag ni Daddy, ngunit hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa paglalakad paakyat ng hagdan. Matamlay akong umupo sa sopa, sabay kuha ng phone mula sa bulsa at tinawagan si Glydel. I just wanted to say sorry sa ginawang pagpapahiya ni Hazler sa bunsong kapatid ng nobyo niya. Bagong transferee pa naman ito sa unibersidad. Agad niya itong sinagot. “Sea? What did he do to you? Sinaktan ka ba niya?” bungad ni Glydel sa kabilang linya. “No! Hindi niya ako sinaktan pero naging ilusyonado ang gago. Pinakasalan ko lang siya sa papel pero I will never be his wife! At ang kapal ng mukha niyang ipahiya si Rico kanina sa canteen. Wala siyang karapatan na gawin iyon at magselos dahil wala kami at never magiging kami!” nanggigil kong sagot. “Talaga ba, Sea? Bakit parang ikaw ata ang unang nagselos kanina noong kausapin siya ni Laila—ex-girlfriend niya?” prangka niyang sabi. Natawa ako. “It was just a show.” “Parang di mo naman ako kilala, Gly. It was just a fvcking show,” natatawa kong sagot. Alam ko ang naging reaksyon niya sa kabilang linya. Mahirap paniwalaan ang sinabi ko, pero totoo. At saka ako magseselos sa lalaking iyon? Never! “Kahit kailan talaga, Sea, you have not changed. You are still the spoiled brat that I’ve known before.” “Of course, I’ve always been Sea. I will never change who I really am. I just want to make him pay for making me like this at sa pagsira niya sa buhay na kinagisnan ko,” taas-noo kong wika. Narinig ko ang kanyang tawa. “The campus queen is always a campus queen—ang nag-iisang Seraphim Emerald Apostle, the spoiled brat one!” aniya pa. Natawa ako sa sinabi ng bespren ko. “Always a queen!” dagdag ko pang sabi. At may pumasok na kalokohan sa isip ko. “Can I get his number? I just want to say sorry for what Hazler did to him kanina sa canteen.” Mabilis pa sa alas kwatro, tinext na niya ang number ni Rico. I just want to make Hazler pay. “Thanks, beshy. O siya, see ya later, maliligo lang muna ako. Ang lagkit ko na kasi.” Hindi nagtagal, pinutol ko na ang tawag. Fifteen minutes later, nakapagligo at nakapagbihis na rin ako. Tinext ko ang cellphone number ni Rico habang nakadapa sa kama. “Can we hang out?” “Yes, sure. Saan ba gusto mo?” Sumilay ang ngiti sa labi ko. “Anywhere you like, Sea. I just want to know you more kahit may asawa ka na. It’s just a friend date lang,” sagot niya. “Are you with your husband?” dagdag niya. I just smirked. “Nope. I don’t know where he is right now. At saka di niya ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin.” “Do you love him?” bigla niyang tanong. “Of course not!” “Good to hear that, Sea. So do I have a chance? Kung sakaling manligaw ako sa’yo?” Napalunok ako ng laway sa tanong niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. May plano pala siyang iba sa akin. “I don’t think so. At tsaka sa sitwasyon kong ito, am I able to do that?” “Of course you can.” At iyon nga, ilang minuto lang ay may bumusina sa labas ng mansyon namin. Nang sumilip ako sa bintana—it was Rico. Lumabas siya ng kaniyang kotse at nag-doorbell. Pinagbuksan naman siya ng isa sa mga kasambahay namin. Dali-dali akong nagbihis. Simple lang na dress ang sinuot ko. Fast forward Pagkababa ko ng hagdan, nakita kong nakaupo si Rico sa sopa at may bitbit siyang bouquet ng lavender na bulaklak. Tumayo siya nang makita ako. Ang lapad ng ngiti niya, ganoon din ako. Inabot niya sa akin ang bulaklak. “Salamat sa bulaklak, Rico!” pasasalamat ko at inamoy ito. Pareho kaming napalingon nang bumukas ang pinto. Si Hazler. Nagtama ang paningin naming dalawa. Lumukot ang mukha niya nang makita si Rico. Alam kong hindi siya nasisiyahan. “Ano’ng ginagawa ng lalaking iyan dito?!” “Paki mo?” nakataas-kilay kong sagot, sabay pumulupot ako sa braso ni Rico. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Hazler. Galit. “You are not going with him, Sea!” “Bakit hindi? At saka, like what I’ve said earlier—you are just my fvcking stupid husband sa papel. Wala kang karapatan na pagbawalan ako o kwestiyunin ang desisyon kong ito. Tara na, Rico!” sabay kong aya kay Rico. “Sea!” galit na tawag ni Hazler sa akin. Ngunit hindi ko siya nilingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD