“Mukhang galit ang asawa mo sa akin, Sea.”
Muli akong lumingon, nakita kong nakakuyom ang kamao ni Hazler. I don't fvcking care!
“Hayaan mo siya, Ric. ” Tanging sagot ko.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. “Thank you!”
He smiled at me. Ang gwapo pala niya sa malapitan. “Always welcome, Sea. At kapag naging tayo. I will treat you a queen. One of a kind na hindi kayang gawin ng asawa mo sa'yo.”
“Let see!”
At nang makalabas kami ng mansyon. Kitang-kita sa mga mata ni Haz ang galit at panggigil. Ngumisi lamang ako.
“May love quarrel pala kayong dalawa?” biglaang tanong ni Rico sa akin. I hate hearing those words—love. Kasi sa tanang buhay ko tanging si mommy lamang ang nagmamahal sa akin. Since she died everything's changed.
Tulad ng pakikitungo sa akin ni daddy. Pakiramdam ko tuloy ay para akong ibang tao sa kaniya. Puro kasi siya trabaho at nag-oout of town. Tanging mga kasambahay lamang ang kasama ko sa mansyon na mas lalo akong naging WILD. At hindi ko inexpect na mabibiktima ako sa sarili kong bitag—ang maisuko sa lalaking biktima ko ang aking pagkabirhen.
He was the last victim i've planned for pero binuntis niya ako. Until now i can't imagine na kasal na ako kay Hazler sa taong hindi ko mahal. Ganito ba talaga ang tadhana ko?
Hayss!
“Are you...okay, Sea?”
O-of course, Ric. I just wondering mylife with him. Lalo na't we're already married. I can't imagine na nakatali na ako sa kaniya.”Sagot ko habang inikot-ikot ang spaghetti.
“Bakit ka nagpakasal kung hindi mo pala siya mahal?” saglit akong napaangat ng tingin sa kaniya. Malalim akong napabuntong-hininga bago sumagot.
“Long story, Ric. Sa akin lang iyong rason na iyon kung bakit ko siya pinakasalan.”Sagot ko.
Sabay na isinubo ang spaghetti. “Okay, hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang dahilan kung ka nagpakasal sa lalaking iyon.”Aniya niya
Maya-maya pa biglang tumunog ang phone ko kaya't dali-dali kong dinukot ito sa loob ng bulsa ko—It's Hazler. Ano na namang kailangan ng lalaking to? Hindi ba talaga siya nakakaintindi?
Nireject ko ang tawag niya pero muli siyang tumawag. Padabog ko itong sinagot.
“Ano na naman ba kailangan mo ha?!” bungad ko sa kabilang linya.
“Helloo.. ito ba ang misis ni Sir Hazler?” napataas ang isa kong kilay nang ibang boses ang sumagot sa akin. Pakana na naman niya ito. Nanggamit pa siya ng ibang tao sa kalokohan niya.
“Magkano ba ang ibinayad niya sayo? tritriplehin ko!”
Maya-maya nakarinig ako ng putok ng baril sa kabilang linya. “Putok ba..iyon ng b-baril?” nauutal kong tanong.
“T-teka lang, Misis. Bumulagta ang mister niyo! Binaril ng kaalitan niya!” anya nito at sabay akong binabaan ng tawag. Napatayo ako sa aking kinauupuan sa aking mga narinig.
Langya! Kahit kailan talaga!
Kinabahan ako sa mga sandaling ito. Dali-dali kong kinuha ang bag ko. “Anong nangyari, Sea? Sino iyong kausap mo?” mausisang tanong ni Rico, hindi ko na siya sinagot pa.
Kumaripas na ako ng takbo palabas ng restuarant at pumara ng taxi. Muli kong tinawagan ang numero ni Hazler ngunit cannot be reached na ito. Sunod-sunod ang pagmura ko sa aking isipan. Dumiretso ako sa bar na palagi niyang pinupuntahan sa tuwing gusto niyang uminom, ngunit pagdating ko ro'n. Naabutan ko ang ambulansya, pinagtutulungang irevive ng mga nurse ang pasyenteng nakahiga sa strectcher.
Dali-dali akong lumabas ng taxi at inabot sa driver ang aking bayad. Nanginginig akong naglalakad papalapit sa nakapark na ambulansya. Maraming tao ang nakiusyoso.
May sumalubong na bouncer sa akin. “Ikaw ba iyong Misis ni Mr. hazler?” bungad nitong wika sa akin. Matipid kong tumango rito.
“ako nga..”
Hindi pa ako nakarating sa kinaroroonan ng ambulansya ay kilalang-kilala ko na ang lalaking nakahiga ro'n. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. “Ano'ng nangyari?” nanginginig kong tanong sa isang babaeng nurse.
Lumingon ito sa akin. “Tinamaan siya sa bandang dibdib maam, malapit sa puso niya.” WALANG MALAY SI Hazler habang nakahiga at duguan. Lalapitan ko na sana si Hazler nang nagmamadaling pumasok ang tatlong nurse. Urge of emergency.
”T-teka lang sasama ko!” sigaw ko pero di na ako hinintay pa ng ambulansya. Nang makaalis ang ambulansya,naiwan ako at napaupo sa sahig hawak-hawak ang aking dibdib.
Walangya talaga ang ambulansya na iyon di manlang ko hinintay. Tumayo at pinagpag ang aking sarili at pumara ulit ng taxi. Pinasundan ko ang ambulansya kung saang hospital nila dadalhin si Hazler. Kinse minutos ay nakarating na kami ng hospital ay nakita kong pinagtulungan ng mga nurse si Hazler na ipasok sa loob ng hospital kaagad naman akong bumaba ng taxi. Idinretso nila si Hazler sa operating room dahil may bal
Di ko alam kung bakit ko nandito, wala naman akong pakialam sa kaniya. Nagpabalik-balik akong naglalakad sa waiting area habang kinakagat ang isa kong daliri. May parte sa puso ko na nag-alala sa kalagayan niya.
Dalawang oras ang nakalipas ay lumbas ang doctor mula sa operating room. Agad akong lumapit sa kaniya. “Doc kumusta na ho ang asawa ko?”
“He's operation was successful. Nakuha na ang balang bumaon malapit sa dibdib niya ngunit kailangan niya ng masalinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya.”
Napakamot nalang ako sa batok ko. “Ano'ng dugo ba kailangan niya dok?”
“Type 0+ ang dugo niya, Miss.”
“Gawin niyo lahat dok mailigtas lang ang asawa ko.” Nagsusumamo kong pakiusap sa surgeon doctor.
“Ngunit wala kaming 0+ na dugo.”
Agad kong naalala si Glydel. Dahil minsan na siyang nagdonate ng dugo at kaparehas sila ng dugo ni Hazler. “Excuse me, may aasikasuhin pa ako. Sabihan mo nalang ako kapag may blood donor kannag nahanap, okay?”
Tumango ako sa surgeon doctor. “O sige po, doc. Salamat.
Nang makaalis ang doctor ay dali-dali kong tinawagan si Glydel. Si Glydel lang makakatulong kay Hazler upang madugtungan ang buhay niya. Pinapunta ko siya sa hospital kung saan ako naroon.
Kinse minutos ay dumating naman si Glydel kasama niya si Rico. “What brought you here?” tanong ko kay Rico na nakasunod kay Glydel. Bumeso ito sa akin.
“Pinag-alala mo ako ng sobra, Sea. Bigla ka nalang kasing umalis kanina sa restaurant. Mabuti na lamang ay tinawagan ako ni Glydel upang magpasama sa akin rito sa hospital.
“Please, Gly. Iligtas mo si Hazler. Hindi pa siya pwedeng mamatay!” halos maluha-luha kong pakiusap sa bestdfriend ko.
“What happened to him?” sabat naman ni Rico.
Malalim akong napabuntong-hininga. “Nabaril siya sa may dibdib at kailangan niyang masalinan agad ng dugo na may blood type 0+ at ikaw lang ay may dugo na ganon, Gly!”
Ayon nga, napapayag ko siya na magdonate ng dugo para kay Hazler. Agad kong pinaalam ang doctor na nag-opera kay Hazler.