CHAPTER FIFTEEN

954 Words
Dumating si Glydel, puno ng pag-aalala. Agad siyang umupo sa gilid ng kama ko. “Ano ‘yong nabalitaan kong nahuli mo raw ang asawa at daddy mo sa iisang kama kahapon?” usisa niya. Nang bumalik sa alaala ko ang nakita ko kahapon, tumulo ang luha sa aking mga mata. “They betrayed me. Matagal na silang may relasyon, at si Daddy ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Mommy hanggang sa ikinamatay niya.” Niyakap niya ako nang mahigpit. “Sorry, beshy, for what happened. Anong plano mo?” bulong niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Magpakalayo-layo ako kasama ang quadruplets ko. Ayokong makita ang mga taong nanakit sa akin.” Muling bumagsak ang luha sa aking mga mata. Ang sakit-sakit. Bago pa man ako nabuntis ni Hazler, may relasyon na pala sila ni Daddy. Nawalan ako ng ina dahil sa kasakiman ng ama ko, dahil sa pagiging bakla niya na hindi matanggap ni Mommy. Hinagod ni Glydel ang likod ko. “Yung munting pamilya na nabuo mo, nawala sa isang iglap.” “Pssh, we are here for you, Sea. Hindi ka namin pababayaan ni Rico. No matter what happens, we’ll stay beside you. Mas mabuti na ngang magpakalayo-layo ka muna. Kapapanganak mo lang. Why don’t you magbakasyon muna sa probinsya ni Mommy? Sasamahan kita,” sambit ng kaibigan ko. “Paano ang pag-aaral mo?” tanong ko. “I am willing to stop naman. Next sem na lang ulit ako mag-aaral.” Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. “Hindi pwede iyan, Gly. At saka hindi papayag ang parents mo sa gusto mong mangyari,” sagot ko. “Edi lilipat na lang ako sa probinsya. Gusto kong makasama ka, lalo na quadruplets ang mga anak mo. Kailangan mo ng karamay, at ako iyon,” tugon niya. Mas lalo akong naging emosyonal dahil sa kabila ng kamalditahan ko sa kaniya, ni minsan ay hindi niya ako pinabayaan, lalo na sa sitwasyon ko ngayon. “Willing rin akong samahan ka sa probinsya, Sea. Same province naman kami ni Glydel. Iyon nga lang, medyo malayo sa amin kaysa sa kanila. Sakto rin na tumawag si Lola Esmeralda kahapon, pinauwi niya ako dahil wala siyang ibang kasama sa mansyon,” singit ni Rico sa usapan namin. “Talaga? Isasama mo ako sa probinsya niyo?” maluha-luha kong tanong kay Rico. Ngumiti siya at tumango. “Oo naman, Sea. Don’t worry, hindi ako hihingi ng anumang kapalit. I just want to help you and your quadruplets. Willing akong magpaka-ama sa kanila.” Ayoko siyang umasa. Ayokong lumabas ng bansa. Hindi ko kaya na mag-isang tataguyod sa quadruplets ko. “Let me help you, Sea. Kapag nakarecover ka na sa sakit na idinulot ng walangya mong asawa at tatay, you are free to go back here in Manila,” dagdag pa ni Rico, na sinang-ayunan ni Glydel. “Oo nga, Sea. Sasama rin ako sa probinsya,” wika pa ni Glydel. Isa-isa ko silang niyakap nang mahigpit. “Salamat dahil nandiyan kayo para sa amin ng mga anak ko,” pasasalamat ko sa kanilang dalawa. Tinulungan nila akong mag-impake ng mga gamit. Kaunting damit lang ang dinala ko, pati na ang mga damit ng quadruplets. Dalawang maleta lang lahat. Bibili na lang ako ng mga damit pagdating sa probinsya. I am so lucky to have them. “What about their yaya?” tanong ko. “Pwede rin natin silang isama sa probinsya o maghanap na lang ng bago roon. Mahirap din kasi na ilayo sila sa mga pamilya nila,” sagot ni Rico. “Pwede rin. Ako na ang bahala sa sahod nila kahit hindi sila umabot ng isang buwan,” giit ni Glydel. Kinausap ko nang masinsinan ang mga yaya ng mga anak ko at ipinaliwanag ang sitwasyon. Bakas sa kanilang mga mata ang lungkot dahil mawawalan sila ng trabaho. Kung isasama ko sila sa probinsya, paano na ang pamilya nila na maiiwan dito sa Maynila? Lalo na ang mga anak nila. Nakakaawa naman. “Don’t worry, ipapasok namin kayo sa mga kakilala namin na naghahanap ng yaya. At kahit wala kayong isang buwan sa pagiging yaya ng mga anak ko, may matatanggap pa rin kayong sahod mula sa akin. Sasahuran ko kayo para sa isang taon, para may panggastos kayo sa araw-araw,” wika ko. “Abuso na po iyan, Ma’am,” turan ng yaya ni Hazmin, na sinang-ayunan ng tatlo pang yaya. “Hindi iyan para sa akin.” Kinuha ko ang aking tseke at isa-isa ko silang binigyan ng tig-iisang daang libo. “Ang laki nito, Ma’am. Sobra na ho ito,” balik ng yaya ni Hazi. Umiling ako. “No… no… Sa inyo ‘yan. Deserve niyo iyan dahil hindi niyo pinabayaan ang mga anak ko.” Isa-isa nila akong niyakap nang mahigpit. “Maraming salamat, Ma’am Sea. Ang bait niyo po sa aming apat.” Napaluha ako sa sinabi nila. Kaniya-kaniya na silang nag-impake ng gamit. Hinatid naman kami ng kapatid ni Rico, na kasintahan ni Glydel, sa airport. Nasa stroller ang mga anak ko. Dalawang stroller lahat — ako ang nagtutulak ng isa, si Glydel naman ang isa. Tig-dalawang bata ang nasa bawat stroller. Sakto pagdating namin sa airport, kinse minutos na lang ay aalis na ang eroplano patungong Masbate. “Sumunod ka, mahal ha? Hihintayin kita do’n!” paalam ni Glydel sa nobyo niya. Nagpasalamat rin ako sa paghatid sa amin sa airport. “Oo naman, mahal. Isang buwan na lang ang kontrata ko, susunod ako sa inyo pauwi ng probinsya. Huwag niyong pababayaan si Sea ha? Kayo na lang ang tanging mayroon siya.” Napangiti ako. “Opo, kuya. Kami na ang bahala sa kaniya,” sagot ni Rico sa kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD