“Wag na wag kayong magpapakita sa akin kahit kailan!” galit kong sigaw, nanginginig ang boses ko sa tindi ng sakit.
Hinubad ko ang wedding ring na suot ko at ibinalibag ito kay Hazler.
“Magsama kayong dalawa sa impiyerno! Mga walangya kayo!”
Napatigil silang dalawa, tila natulala sa bigat ng mga salitang binitawan ko.
“Alam ba ni Mommy na bakla ka, Dad?” halos mabasag ang boses ko sa galit at luha. “O baka ikaw ang dahilan kung bakit inatake siya sa puso! Ikaw ang pumatay sa kanya!”
Nanlaki ang mga mata ni Daddy, nanginginig ang labi.
“Anak… wag mong sabihin ‘yan. Hindi mo alam ang buong kwento.”
“Buong kwento?!” sigaw ko. “Ano pa bang kwento ang kailangan ko? Nakita ko na ang lahat! Niloko niyo ako, sinaktan niyo si Mommy, at ngayon ako naman ang ginagago niyo!”
Lumapit si Hazler, pilit na inaabot ang kamay ko.
“Sea, please… hindi mo naiintindihan. Mahal kita.”
“Mahal?!” halos matawa ako sa gitna ng luha.
“Kung mahal mo ako, hindi mo ako ipagpapalit sa tatay ko! Hindi mo ako sisirain ng ganito!”
“At pinuputol ko na ang ugnayan ko sa inyong dalawa!” sigaw ko, nanginginig ang boses sa galit at sakit.
“Sea…” mahinang tawag ni Hazler, pilit na inaabot ang kamay ko.
“Wala na, Hazler. Wala na tayong dalawa. Wala na tayong pamilya. Sinira mo ang lahat.”
Napatingin ako kay Daddy, puno ng luha ang mga mata.
“Wala na rin tayong ugnayan, Dad. Hindi ko na kayang tawagin kang ama. Ang ginawa niyo ay hindi lang pagtataksil kundi pagpatay sa tiwala at pagmamahal na binuo ng pamilya natin.”
Tahimik ang buong silid. Ang tanging naririnig ko ay ang mabilis na t***k ng puso ko at ang mahina nilang paghinga.
Hinawakan ko ang dibdib ko, pilit pinapakalma ang sarili.
“Simula ngayon, wala na kayong lugar sa buhay ko. Ako na lang at ang mga anak ko. Kami na lang.”
“Wag mong gawin sa’kin ‘to, anak…” huling sigaw ni Daddy bago ko tuluyang isinara ang pinto ng silid.
Nilisan ko ang hotel na parang binabagsakan ng mundo ang balikat ko. Ang bawat hakbang ay mabigat, ang bawat paghinga ay parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko.
Pagpasok ko sa taxi, agad kong isinara ang pinto.
“Ma’am, okay ka lang?” tanong ng driver, may halong pag-aalala sa boses niya.
Hindi ko na napigilan napahagulhol ako ng iyak. Ang lahat ng sakit na kanina ko pa pinipigilan ay biglang sumabog.
“Hindi… hindi ako okay…” bulong ko, halos hindi marinig ng driver.
Napapikit ako, hinayaan ang luha na dumaloy. Dumiretso ako sa bar, desperadong magpakalunod sa alak. Agad akong umorder ng wine at nilagok ito na para bang iyon lang ang makakapawi ng sakit.
“Sea? Ikaw ba yan?” Napalingon ako sa pamilyar na boses si Rico, may hawak ding baso ng wine.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko, bakas ang pag-aalala sa mukha.
“Ano’ng nangyari sa’yo?” tanong niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit, humahagulhol, parang bata na nawalan ng tahanan. Hinagod niya ang likod ko, pilit akong pinapakalma.
“Anong problema? Sabihin mo sa akin, handa akong makinig,” bulong niya.
Kumawala ako sa pagkakayakap, nanginginig ang boses ko.
“Si Hazler… at si Daddy… may relasyon silang dalawa. Nahuli ko sila sa hotel na pagmamay-ari ni Tito Miguel. Huling-huli ko silang dalawa sa kama!”
Nanlaki ang mga mata ni Rico, hindi makapaniwala sa narinig.
“Sea… Diyos ko… paano nila nagawa ‘yon sa’yo?”
Napayuko ako, muling napahagulhol.
“Hindi ko alam, Rico. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat. Ang sakit… parang pinatay nila ako nang paulit-ulit.”
Hinawakan ni Rico ang kamay ko, mahigpit, matatag.
“Sea, makinig ka. Hindi ka nag-iisa. Nandito ako. Kung kailangan mong sumigaw, umiyak, magpakalasing gawin mo. Pero huwag mong hayaang sirain ka ng kasalanan nila. Hindi ka dapat bumagsak dahil sa kanila.”
“Gusto mo bang ipaghiganti kita sa asawa mo, Sea?” seryosong wika ni Rico, nakatitig sa akin. “Una pa lang ay nagdududa na ako sa daddy mo nang unang beses na nakita ko siya. I saw them together, lumabas mula sa hotel. Ngunit hindi ko sinabi sa’yo dahil gusto kong ikaw mismo ang makadiskubre.”
Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Tama nga ang kutob ko… matagal na palang may relasyon silang dalawa ni daddy.
Nagpakalunod ako sa alak, muling nilagok ang baso ng wine.
“Kung kailan nahulog na ang loob ko kay Hazler…” bulong ko, halos hindi marinig. “Kung kailan naniwala akong siya ang magiging sandalan ko… doon ko pa nalaman na niloloko niya ako. At si Daddy… Diyos ko, Rico, bakit siya pa?”
Hinawakan ni Rico ang kamay ko.
“Sea, hindi mo kasalanan. Hindi mo dapat akuin ang sakit na sila ang may gawa. Kung gusto mo ng hustisya, tutulungan kita. Kung gusto mo ng ganti, kasama mo ako.”
Napatingin ako sa kaniya, luhaang mga mata, nanginginig ang labi.
“Hindi ko alam kung kaya ko, Rico. Ang alam ko lang… hindi ko na kayang magtiwala ulit.”
Sumandal ako sa balikat ni Rico, at unti-unti akong nakatulog luha pa rin ang dumadaloy sa aking mga mata.
PAGGISING ko, nasa loob na ako ng aking kwarto. Bumangon ako, napahawak sa aking ulo. Sobrang sakit, parang binibiyak ang bungo ko sa bigat ng iniinom kagabi at sa bigat ng mga alaala.
Maya-maya, bumukas ang pinto ng kwarto. Si Rico, may dala-dalang tray ng pagkain. Agad siyang lumapit at maingat na inilapag ang tray sa tabi ng kama.
“Paano ako nakauwi?” mahina kong tanong, boses na halos pabulong.
“I brought you home, Sea,” sagot niya, diretso ang tingin, puno ng malasakit. “Hindi ko kayang iwan kang mag-isa sa bar kagabi. Nakita kong sobrang bigat ng pinagdadaanan mo.”
Napatingin ako sa tray may mainit na sopas, tinapay, at isang baso ng tubig.
“Rico…” bulong ko, nangingilid ang luha. “Salamat. Kung wala ka, baka tuluyan na akong bumagsak.”
Umupo siya sa tabi ng kama, marahang hinawakan ang kamay ko.
“Sea, hindi mo kailangang harapin lahat mag-isa. Nandito ako. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan.”