CHAPTER THIRTEEN

2137 Words
Hazler's POV Nagulat ako nang makita ko si Rico kasama si Glydel na bumisita sa asawa at mga anak ko. “How are you, Sea?” tanong niya sa asawa ko sabay bumeso. Naikuyom ko ang aking kamao. “I'm good… what brought you here, Ric?” sagot ng asawa ko sabay lingon sa akin. “Glydel texted me na nanganak ka na raw kaya sumama ako sa kanya para bumisita sa’yo. Where are your quadruplets?” Bago pa makasagot si Sea, lumapit na ako at mahigpit na pumulupot sa braso ng asawa ko. “You’re not invited here, lalaki. Kaya umalis ka na!” taboy ko, ngunit siniko ako ni Sea. “At saka, what are you doing here? Kunwari pang bibisita sa mga anak namin eh alam ko naman kung sino talaga ang pinunta mo rito!” dagdag ko pa. Nginisian lang ako ni Rico. “You’re just her f*cking husband. She’s not even in love with you. She doesn’t love you at all.” “How dare you say that to me! She loves me! At saka, are you courting my wife?” Bago pa kami magsuntukan, pumagitna si Glydel. “Enough! Bagong panganak lang ang bestfriend ko tapos mag-aaway kayo? Are you both out of your mind? Gusto niyo bang mabinat siya?! Do’n kayo mag-away sa labas ng mansyon, huwag sa harap ng kaibigan ko!” galit na sigaw ni Glydel. “I'm really sorry, Sea. Ito kasing asawa mo kuno eh,” hingi ng tawad ni Rico sa asawa ko sabay lingon sa akin. Sarap basagin ng mukha niya. “Please, kung mag-aaway lang kayo sa harap ko, mas mabuti lumabas na lang kayong dalawa. Magigising pa mga anak ko dahil sa inyo!” turan ng asawa ko. Sinenyasan niya akong lumabas ng mansyon ngunit nagmatigas ako. “Puntahan ko lang ang mga anak natin, asawa ko,” paalam ko. Bago ako umakyat sa second floor, tinignan ko nang masama si Rico. “Mas mabuti pa, Haz. Do’n ka muna sa mga anak natin,” ani Sea. I kissed her lips, at bakas sa mukha ni Rico ang pagkagulat. Akala niya siguro. These past few months, alam kong my wife didn’t love me. Pero ngayon, I can feel it. She loves me, at dama ko iyon sa bawat titig niya kahit minsan ay ginagalit ko siya. Nakangiti akong umakyat sa second floor, samantalang naikuyom ni Rico ang kamao niya sa inis. Loser! --- Sea's POV Walangya, muntik pa silang mag-away sa harapan ko. Mabuti na lang at pinagalitan sila ni Glydel, kundi magsusuntukan talaga sila sa harap ko. Ni hindi man lang ako nirespeto. At itong si Glydel, bakit pa niya isinama si Rico rito? “Talaga bang mahal mo na siya?” tanong ni Rico nang makaupo kaming tatlo sa sofa. Malalim akong napabuntong-hininga. Am I already in love with him? Naghihintay siya sa sagot ko. “So, wala na pala akong chance sa’yo?” malungkot niyang dagdag. “Akala ko ba, Sea, ay hindi kailanman mapapasakanya ang puso mo? Pero sa nakita ko kanina, the way he kissed you, parang in love ka na sa kanya. Do you love him?” singit na tanong ni Glydel. Napalunok ako sa bigat ng kanilang mga tanong. Kahit ako, hindi ko alam kung mahal ko na ba si Hazler. “Just forget what you saw, Ric.” “Okay… but give me assurance that I have a chance with you, para naman hindi ako masaktan,” sagot ni Rico, bagsak ang balikat. “Sorry, but for now, hindi kita masasagot sa tanong na iyan. Magfo-focus muna ako sa mga anak ko… sila muna bago ang sarili ko.” Bigla akong hinalikan ni Rico sa labi. Mabilis na dumapo ang palad ko sa mukha niya. “Why did you kiss me?!” sigaw ko. Napahawak siya sa pisngi niya. “Akin ka lang, Sea. Wala akong pakialam kung kasal na kayong dalawa ni Mendez. I am willing to fight for my feelings for you!” mariin niyang wika. “Sorry, but I’m choosing myself!” --- Tumayo siya at nagpaalam na uuwi. “I can’t assure you na mapapasaiyo ang puso ko. Sana maintindihan mo ako, Rico!” habol ko pa bago siya tuluyang lumabas ng pinto. He nodded, pero bakas sa mga mata niya ang lungkot. “I felt it, you are in love with Hazler. Why don’t you make Rico stop? Para hindi mo siya masaktan,” wika ni Glydel. “Ni minsan hindi ko siya pinaasa. Siya ang kusang umasa na magkakaroon ng kami. Pero he doesn’t have a chance. Not even a single bit,” sagot ko. Napabuntong-hininga si Glydel. Totoo naman. Hayaan daw niya akong mahalin, pero never ko siyang pinangakuan. Ngayon lang ako nagkakaganito. Sanay akong pinaglalaruan ang feelings ng iba hanggang sa magsawa ako. Pero ngayon, naninibago ako sa dalawa—kay Hazler at kay Rico. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Kung si Hazler ba, ama ng quadruplets ko at lalaking pinakasalan ko, o si Rico, na palaging nandiyan para ipadama sa akin na special ako. “Alam kong nagkakamabutihan na kayo ni Hazler, pero sana kinausap mo si Rico nang masinsinan para hindi siya umasa. Naging honest ka sana. Alam ko naman na maiintindihan ka niya,” ani Glydel. “I did. Sa tuwing inaaya niya akong lumabas, sinasabi ko na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Pero nagmamatigas siya. Kaya hinayaan ko na lang siya,” sagot ko. Napasabunot ng buhok si Glydel. “But if you choose Hazler kaysa kay Rico, wala na akong magagawa. Puso mo naman iyan. Hays, ito talagang beshy ko noon pa man ay nagpapaiyak ng mga lalaki,” aniya, sabay ngiti ko. “Sa ganda kong ito!” sagot ko pa. “O siya, gusto ko nang makita ang quadruplets mo. Titignan ko lang kung kanino nagmana—sayo ba o kay Hazler.” Napairap ako. “Syempre sa akin nagmana ang mga anak ko. Ako ang nanay eh!” Umakyat na kaming dalawa ni Glydel sa second floor kung saan ang kwarto ng mga anak ko kasama ang kani-kanilang yaya. “Ano iyong nabalitaan ko, tig-dalawang babae at lalaki ang quadruplets mo?” tanong niya. Ngumiti ako bilang tugon. “Oh my God!” Pagpihit ko ng seradura ng pinto ng kwarto ng mga anak ko, nadatnan ko si Hazler habang pinaglalaruan ang maliliit na daliri ng mga anak kong lalaki. “My Hazti at Hazi!” “Wag mong panggigilan ang mga anak ko!” singhal ko kay Hazler nang makapasok ako. Napalingon siya sa akin. “Mga anak natin!” pagtatama niya. “Anak ko lang, Mr. Mendez!” “Ako ang nagpunla diyan sa matres mo!” “Ako naman ang nagdala ng siyam na buwan!” “Sa itlog ko sila galing!” Aba, ayaw niya talagang magpatalo. “Pero ako ang nagluwal—kaya akin lang sila!” Napapailing na lang si Glydel habang nagtatalo kami ni Hazler. Umupo siya sa tabi ng mga bata. “Beshy, tigilan niyo na nga! Naririnig kayo ng mga anak niyo!” awat niya, pero hindi pa rin kami tumigil. Para siyang bata, itong abnormal na lalaki. “O sige na nga, sayo na… pero akin ka lang!” bulong niya sabay nakaw ng halik sa labi ko. “Umooo! Grabe ha, kanina pa kayo diyan!” reklamo ni Glydel. Nasuntok ko tuloy sa mukha ang buang. Himas-himas niya ang pisngi habang nakangisi. “Nanggigil ka talaga sa mukha ko, asawa ko. Wag kang mag-alala, sayong-sayo lang ako!” kumindat pa siya. Walangya talaga! Mabibinat ako ng wala sa oras sa lalaking ito. Nakatungo na lang ang apat na yaya, pinipigilan ang kilig. “Sayong-sayo ka diyan. Maligo ka nga, amoy putok ka na!” singhal ko. “Sayo naman ito puputok!” Ang korne niya talaga. Biglang pumasok si Daddy kaya’t pareho kaming natigilan. “What’s happening here?” seryosong tanong niya. “N-nothing, Dad. We’re just talking!” pagsisinungaling ko. Tumayo si Glydel at bumeso kay Daddy. “Nandito ka pala, Gly. Mabuti at binisita mo ang anak at mga apo ko.” Bahagyang lumayo si Hazler pero mahigpit pa ring nakahawak sa kamay ko. Napatingin si Daddy sa aming dalawa, sunod-sunod ang paglunok ng laway. “Dad, okay ka lang?” sabay kong inalis ang kamay ko mula sa hawak ni Hazler. Ilang sandali bago siya nakasagot. “Of course, anak. I was just… shocked na nagkamabutihan na pala kayo ng asawa mo.” Pero ramdam ko ang sakit sa boses niya. Ano ba talaga ang tinatago mo, Dad? May ugnayan ba kayo ni Hazler? “Natural lang siguro iyon, hindi ba? Lalo na’t married na kami at may mga anak na.” sagot ko, habang nakikita ko ang kirot sa mga mata niya. “O-oo naman, anak. I’m happy for both of you.” pilit niyang ngiti. Nagkatinginan kami ni Glydel, pareho naming napansin ang pagbabago ni Daddy. “O siya, anak. Tatlong buwan akong mawawala. May business matters abroad. Ikaw na ang bahala sa mansyon.” “Tatlong buwan, Dad?” “Oo, anak. Marami akong aasikasuhin na papeles at bagong kliyente.” “Okay, Dad. Gusto niyo ba ipahatid na kita ni Hazler sa airport para hindi ka na mag-drive?” “Kung pwede sana, anak.” Pinahatid ko si Daddy kay Hazler, pero susundan ko silang dalawa. “Beshy, favor naman. Pwede dito ka muna? Susundan ko lang sila.” pakiusap ko kay Glydel. “Ha? Susundan mo sila? Bakit?” gulat niya. “Mamaya ko na ipapaliwanag. Ikaw na muna bahala sa mga anak ko.” Agad kong kinuha ang bag at lumabas. Habang pababa ng hagdan, nakita kong magkadikit ang mukha ni Daddy at Hazler. Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi nila alam na nakita ko sila. Mga walangya! Sumakay na sila, kaya dali-dali akong pumara ng taxi. Pinapasundan ko ang kotse. Nanginginig ako sa kaba. Pero nag-iba sila ng direksyon. Huminto sa tapat ng luxury hotel na pagmamay-ari ni Tito Miguel. Magkahawak-kamay silang pumasok. Uminit ang tenga ko. Kusang tumulo ang luha nang makumpirma kong may relasyon si Hazler at si Daddy. “Itabi mo diyan, Manong!” Agad akong bumaba. “Hintayin mo ako, Manong. Kukumprontahin ko lang sila!” Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Lupaypay akong pumasok sa hotel. “Good afternoon, Ma’am. What can I do for you?” bati ng staff. “I just want to know kung anong floor nakacheck-in ang tatay ko at asawa ko. Kakapasok lang nila.” “Sorry, Ma’am, confidential po iyon.” “Putangina! Asawa at tatay ko ang nag-check in dito! Kung ayaw niyo ibigay, magsasampa ako ng kaso sa hotel na ito!” “Ngunit Ma’am, hindi po talaga pwede…” Ginagalit niya talaga ako. “O sige, tatawagan ko ang may-ari ng hotel na ito. Tinutolerate niyo ang mali!” sabay dukot ko ng phone. Pero hindi makontak si Tito Miguel. “Ibibigay mo ba sa akin ang room number nila, o sa korte tayo magkita?” Namutla ang staff, napilitan siyang ibigay ang room number. “Ibibigay mo rin pala, pinahirapan mo pa ako!” Hinahabol ng kaba ang bawat hakbang ko habang papalapit sa elevator. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko, pero mas malakas ang apoy ng galit at sakit sa dibdib. Pagdating sa floor na sinabi ng staff, huminto ako saglit. Pinakiramdaman ko ang paligid—tahimik, maliban sa mahinang tunog ng aircon. Humigpit ang hawak ko sa bag, saka dahan-dahan kong nilakad ang pasilyo. Room 807. Nakatayo ako sa harap ng pintuan, nanginginig ang kamay ko habang kumakatok. “Hazler! Dad!” sigaw ko, halos mabasag ang boses ko. Walang sumagot. Pero naririnig ko ang mahinang tawanan mula sa loob. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko na napigilan—binuksan ko ang pinto gamit ang master key na ibinigay ng staff. Bumungad sa akin ang eksenang ayaw kong makita: magkatabi sa kama si Hazler at si Daddy, nakangiti, tila walang pakialam sa mundo. “Mga walangya kayo!” sigaw ko, halos mabasag ang salamin sa lakas ng boses ko. Nagulat sila, agad na bumangon si Hazler. “Sea, let me explain—” “Explain?!” putol ko. “Anong ie-explain mo? Na niloloko mo ako? Na may relasyon kayo ng tatay ko?!” Napatayo rin si Daddy, halatang hindi alam ang sasabihin. “Anak, please… hindi mo naiintindihan.” “Hindi ko naiintindihan?!” halos maiyak ako. “Ako ang asawa mo, Hazler! Ako ang anak mo, Dad! At ito ang ginagawa niyo sa akin?!” Ramdam ko ang bigat ng luha na bumabagsak sa pisngi ko. Ang sakit, parang tinaga ang puso ko ng paulit-ulit. “Sea…” lumapit si Hazler, pero umatras ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD