Sea's POV
Sa mismong kaarawan ni Hazler ay isinugod nila ako sa hospital at naipanganak ko via normal delivery ang quadruplets ko. Gusto sana ng parents ni Hazler na i-via Caesarian ako pero hindi ako pumayag.
Masakit man pero nailabas ko naman isa-isa ang quaruplets ko iyon nga lang, sobra akong nanghina pagkatapos kong maipanganak ang mga ito. At nakatulog ako sa sobrang pagod.
Paggising ko ay inilipat na ako sa private room bumumgad sa akin ang parents ni Hazler. Hindi ko mahagilap si Hazler. Di ko alam kung nasaan siya..“Mabuti't gising kana, Sea!” wika ng mommy ni Hazler at inalalayan ako nitong bumangon.
Agad na hinanap ng mga mata ko ang aking quadruplets. “Ang mga anak ko, nasaan? Bakit wala rito ang mga anak ko?” maluha-luha kong tanong.
“Kumalma ka, Sea. Nasa nursery room ang quadruplets mo at naro'n si Hazler sinilip niya ang mga anak niyong dalawa,” kalmadong sagot ng mommy ni Hazler sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ito.“Alam mo bang dalawang babae at dalawang lalaki ang mga anak mo?” nakangiti nitong dagdag na ikinagulat ko.
“Pwede pala yon?”
“Oo naman, Sea. Pwedeng-pwede. Ayaw mo non, may dalawang prinsesa at prinsipe kayong dalawa ng anak ko.” Anya nito.
“Akala ko po kasi...puro lalaki..” sagot ko pa.
“alam mo bang napahugolhol ng iyak ang unico-hijo namin nang masilayan niya ang anak niyo” sabat ng daddy ni Hazler. Marunong pala yon umiyak, di ako makapaniwala sa mga narinig ko. “Binigyan na nga niya ng pangalan e,”dagdag pa nito.
Ay lintek, inunahan ba naman ako sa pagbigay ng pangalan sa quadruplets ko. Malilintikan talaga siya sa akin kapag hindi ko nagustuhan ang ibinigay niyang pangalan.
“walangya talaga iyon. Inunahan ako. Ano namang pangalan binigay niya? Baka sinaunang mga pangalan yan e. Bibitayin ko talaga siya patiwarik,” sambit ko pa. Natawa ang mommy't daddy ni Hazler.
“Emerald Hazmin, ang panganay. Emerald Hazri ang pangalawa. Sa lalaki naman ay sina Hazti at si Hazi,” nahirapan pa ang mommy niya na i-pronounce ang pangalan ng mga apo niya. Puro may Haz? Aba! Ako ang nanay dapat nakasunod lahat sa second name ko.
Napataas ang isa kong kilay at napakunot ang aking noo. “Bakit hija, hindi mo ba nagustuhan ang pangalang ibinigay ng anak ko sa mga anka niyo?”
“Hindi naman sa ganon, pinangunahan niya kasi ako.” sagot ko. Natahimik bigla ang mga magulang ni Hazler. Maya-maya ay bumukas ang pinto, pumasok si Hazler.
“Hoy lalaki, bakit puro may Haz sa mga anak ko? Ikaw ba ang nanay?”agad kong sambit, ngumisi lamang ito sa akin. Langya! Kakapanganak ko lang inistress na niya ako.
“Hindi ba't maganda?” tanging sagot niya. Sarap niya suntukin. Kainis. “Maganda naman ang pangalang binigay ko sa kanila a?”
Ang kapal talaga ng mukha niya. “Gusto mo sapak?” nanggigil kong turan, kaya't napakamot ito sa kaniyang batok at tumingin sa mga magulang niya.
“Sorry na.. asawa ko! Hiningan kasi ako ng pangalan no'ng nurse e at tulog kapa kaya't ako nalang ang nagbigay...” nauutal na wika nito. Napasabunot nalang ako sa aking buhok.
Nakakastress talaga siya. “If you don't like it, pwede mong baguhin ang pangalan nila. Sorry talaga, asawa ko!” nakatungo siya. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
Tahimik lang sa gilid ang mga magulang niya. “hindi na, iyon nalang. Sa susunod wag mokong pangunahan ha? Baka masapak kita,” anya ko pa.
Laking gulat ko nang bigla itong nagtatalon sa tuwa.“Yeheey! Salamat asawa ko!” anya nito at sunod-sunod akong hinalikan sa noo. Niatulak ko naman siya, di manlang nahiya sa mga magulang niya nakatingin ang mga ito sa amin. Baga ra kaayo siyag nawong ( makapal talaga mukha niya)
“Ang cute ng mga anak natin, asawa ko! Nagmana sa tatay nila,” dagdag nito. Ay gagi, sa kaniya pa talaga nagmana e!
Nagpaalam narin sa amin ang mga magulang niya. Gusto raw kaming bigyan ng space para makapagmoment. “Thanks mom, dad. Akin lang muna asawa ko!” pasalamat nya sa mga ito.
Nakangiting lumabas ang mga magulang niya. Binalibag ko sa mukha niya ang unan. “Alam mo bang kanina pa kita gustong suntukin ha?!” nanggigil kong turan.
“Okay.. lang na suntukin mo'ko,asawa ko. Basta't bugbugin mo lang ako ng halik.”Sagot nito. Ayoko na, suko na ako sa sobrang ungas ng lalaking ito. Bakit pa kasi siya naging ama ng quadruplets ko. Sarap niyang iuntog sa pader. “Nyeta ka! Tumahimik ka diyan, sasapakin talaga kita!”
Awtomatikong itinikom niya ang kaniyang bibig. Umupo ito sa aking tabi. “Hows your kiffy asawa ko? Masakit ba? ”
Putcha talaga ang lalaking ito. “Pwede naba ulit bembangin?” nakangising dagdag niya. Sa sobrang inis ko ay lumipad ang kamao ko sa mukha niya.. “Araaaay ko!!! Kiss mooko asawa ko!”
Mapapatay ko talaga ang walangyang lalaki na ito. Ngumuso pa ito. “Don't you dare kiss me again, sa morgue talaga bagsak mo!” banta ko.
Napatungo ito at napasimangot. ”Inaaway ako ng asawa ko...” parang bata na turan niya. Di ko na siya pinansin. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
Mga ilang sandali ay napamulat ako ng aking mga mata nang may kumatok—isang nurse. “Maam, dadalhin ko na ho rito ang mga anak mo para makapagbreastfeed kana sa kanila.” Wika ng nurse, tumango lamang ako.
Isinara ng babaeng nurse ang pinto. “Paano?” tanong ni Hazler.
“Anong paano?” kunot-noo kong tanong pabalik sa kaniya. “Paano makapagdede sayo ang quadruplets ko kung dalawa lang dede mo?” naguguluhang wika niya.
“Just shut up your fvcking stupid mouth, Hazler Mendez. Hihilahin ko talaga dila mo! Kanina kapa!” galit kong tugon kaya't tumahimik ito, di na ito nagsalita pa bagkus ay nakatungo lamang ito at malalim ang iniisip.
Mga ilang sandali, pumasok ang isang nurse at kasama nito ang mommy't daddy ni Hazler. Nang masilayan ko ang aking mga anak ay biglang bumalik ang lakas ko. “Ang quadruplets ko!” umiiyak kong turan.
“Ang cucute nila asawa ko no? Mana sila sa akin!”
“Mana sa akin hindi sa'yo! Akin lang sila!” mariing sagot ko.
Hindi tuloy mapigilan ng nurse na pagtawanan kaming dalawa ni Hazler. “Maam/ Sir para po walang away at mana ho sa inyong dalawa ang mga anak niyo,” sabat ng nurse na sinang-ayunan ng mommy't daddy ni Hazler.
“Oo nga anak, hindi pwede na sayo lang magmana ang mga anak niyo. Syempre nagmana rin sila sa mommy nila. Wag mong solohin anak!” singit ng mommy niya.
Sumimangot pa siya. Isa-isa kong pinabreastfeed ang mga anak ko. Hindi ko naman kaya na pagsabayin silang apat e. Kasi dalawa lang ang meron ako..
Dumating si daddy, nakabusiness suit pa ito. Halatang galing pa siya sa kumpanya namin. “Dad!” tawag ko, tumango siya sa parents ni Hazler at lumapit sa akin.
“Kumusta kana anak? Ito naba ang mga apo ko?” tumamgo ako sa kaniya. Bumaling ang tingin niya sa mga anak ko.
----
Di ko alam pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata ni daddy habang nakatingin sa mga anak ko. Tila hindi siya masaya na nakita ang mga anak ko. “Dad? You're not happy?”
“Of course not! I am so happy to see my grandchildren. Pagod lang ako anak,” sagot nito.
Kinabukasan ay nakalabas na ako ng hospital. Gusto ng mga magulang ni Hazler na do'n kami uuwi ng mga anak ko sa mansyon nila pero tumanggi ako. Wala silang nagawa sa naging desisyon ko.
Kumuha ako ng apat na yaya upang mag-alaga sa mga anak ko. Hindi ko kayang mag-alaga ng apat na bata na ako lang. Nang mabalitaan ni Glydel ang panganganak ko ay bumisita siya sa amin ng mga anak ko.
Ngunit kasama niya si Rico at nagpang-abot silang dalawa ni Hazler.