SEA’S POV
“Dad?! Wake up!” natataranta kong sigaw. Umiiyak na rin ako sa mga sandaling ito. Nagsilapitan ang ilang kaibigan at business partner ni Daddy.
“Tito Anton, please help my dad! Dalhin natin siya sa hospital!” umiiyak kong pakiusap sa isa sa mga kaibigan niya. Dali-dali niyang binuhat palabas ng mansyon si Daddy at isinakay sa kaniyang kotse.
Nanginginig akong pumasok sa kotse ko at sinundan ang kotse ni Tito Anton papuntang hospital. Wala na akong pakialam sa party na iyon ang importante sa akin ngayon ay maisalba ang buhay ng Daddy ko.
Pagdating namin sa hospital ay agad na idiniretso si Daddy sa emergency room. “Please, save my dad!” pakiusap ko sa doktor na sumalubong sa amin.
Tumango lang siya. Mga kinse minutos kaming naghihintay ni Tito Anton sa labas ng emergency room, umaasang lalabas na ang doktor na nag-asikaso sa kaniya.
“Stop crying, Sea. He’ll be okay,” aniya ni Tito Anton.
Sana nga. Hindi ko kakayanin na pati siya ay mawala sa akin. “It’s because of him,” rinig kong mahinang bulong ni Tito Anton.
Sino ang tinutukoy niya? Si Hazler kaya—ang ama ng quadruplets ko? Ano naman ang ginawa ng tarantado na iyon at gano’n na lang ang naging reaksyon ni Daddy nang ipakilala ko siya? “Because of him?” ulit ko, gulong-gulo.
“A-ah, wala. Ang ibig kong sabihin ay makakaligtas ang Daddy mo,” nauutal niyang sagot. Mas lalo tuloy akong naguguluhan.
Tinawagan ko si Alexis. Ilang sandali pa ay dumating siya sa hospital. “What happened to your dad? Is he okay?” agarang tanong niya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. “I don’t know. Bigla na lang siyang nahimatay nang ipakilala ko si Hazler,” sagot ko na ikinagulat niya.
“Ha? Impossible naman ata iyan, Sea, na biglang nahimatay si Tito Louie nang makilala si Hazler,” umiiling niyang saad.
“Baka may iniindang sakit si Tito Louie na hindi mo alam kaya bigla siyang nahimatay. Sumakto lang no’ng ipakilala mo si Hazler sa kaniya,” dagdag pa niya. Napapailing na lang ako.
Hays. Hangga’t hindi ko nalalaman kung bakit gano’n ang naging reaksyon ni Daddy nang makita si Hazler, hindi ako titigil sa pag-iimbestiga. “Nope, walang sakit si Daddy,” sagot ko pa.
Ilang sandali pa ay lumabas ang doktor. “Kumusta ang Daddy ko, Dok?” tanong ko agad.
“Nothing to worry, hija. He just fainted dala ng stress at pagod.” Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman kung gano’n. Ilang sandali pa ay nagpaalam si Tito Anton.
“Salamat sa pagsugod kay Daddy dito sa hospital.”
Ngumiti lamang siya, pero ang ngiting iyon ay tila napipilitan. May tinatago kaya si Tito Anton sa akin? Iyan ang aalamin ko.
Pagsapit ng hapon ay nakalabas na ng hospital si Daddy, pero hindi siya kumikibo—tila ba may malalim siyang iniisip. Bigla kong naalala si Hazler.
May kinalaman kaya ang lalaking iyon?
“Dad? May gusto ka bang kainin?”
Malalim siyang napabuntong-hininga. “Dad? Are you okay?” Tumango lamang siya, hindi makatingin nang diretso, para bang iniiwasan ako. Galit ba siya sa akin? Sa pagiging pasaway ko? Sa pagbibigay ng stress sa kaniya?
“Sorry, Dad,” bulong ko sabay yakap sa kaniya nang mahigpit.
Kinabukasan, maaga akong nagising. May klase pa kasi ako ngunit wala na sa aking tabi si Daddy. “Dad?” tawag ko, agad na tinungo ang banyo ngunit wala siya ro’n.
Hindi gawain ni Daddy ang umalis nang hindi nagpapaalam. Bumaba ako at nakasalubong si Manang Lorreta, may dala itong laundry basket. “Manang? Have you seen Dad? Wala na kasi siya sa tabi ko.”
“Alas singko pa lang, hija, nang umalis siya.”
Ha? Alas singko ng umaga umalis si Daddy? Gano’n kaaga? “Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?” Umiling lang siya.
Napahilamos ako sa mukha. Alas siyete ng umaga ay umalis na ako ng mansyon sakay ng kotse patungo sa unibersidad. Napahinto ako saglit nang makita ko si Daddy sa hindi kalayuan. He’s with someone, pero nakatalikod ang lalaking kausap niya kaya hindi ko maaninag. Pamilyar ang tindig, kahit nakatalikod.
Tatawagin ko na sana si Dad nang biglang nag-ring ang phone ko—si Alexis. Pag-angat ko ng tingin, wala na ro’n si Daddy at ang kasama niya.
“Oh? Napatawag ka?” pagmamaldita ko sa kabilang linya.
She just chuckled. “I am here na. Nasaan ka na ba? Sobrang late ka na, Sea!”
Nang masilip ko ang screen ng phone ko, ilang minuto na lang ay mag-aalas otso imedya. Gano’n kabilis?
Napaharurot ko ang kotse, halos paliparin ko na ito. Daig ko pa ang hinabol ng PDEA sa sobrang bilis ng pagpapatakbo.
“Sh*t!” napamura ako nang muntikan nang masagi ang kotse ko sa rumaragasang van. Mabuti na lang at mabilis akong nakailag—kung hindi, sa morgue talaga ang bagsak ko.
“Muntikan na ako do’n ah?” pinagpawisan ako nang makarating sa unibersidad. Kitang-kita ng mga mata ko si Hazler, may kausap sa phone tila nag-aaway sila.
Naramdaman niya sigurong papalapit ako kaya agad niyang in-end ang tawag.
“Girlfriend mo? Alam ba niya na may binuntis kang iba?” wika ko. Napalingon siya agad sa akin.
Magwa-walkout na sana siya ngunit mabilis kong nahawakan ang braso niya. “Ano bang problema mo, ha?!” singhal niya.
“Ikaw! Ikaw ang problema ko. Gusto kong malaman kung bakit gano’n ang naging reaksyon ng tatay ko nang makita ka. May ginawa ka bang katarantaduhan sa Daddy ko? Tell me!” Kinuwelyuhan ko siya sa sobrang galit.
Saglit siyang natahimik. “Tell me!” ulit ko pa.
“L-let me go! Wala akong kinalaman sa nangyari sa Daddy mo. At tsaka puwede ba, lubayan mo na ako? Alam mo bang dahil sa’yo, nag-away kami ng girlfriend ko?!”
Wow ha. Kasalanan ko pa na binuntis niya ako.
“Hoy, lalaki. Una sa lahat, you’re not my ideal type. Secondly, you’re the one who stole my virginity. Last but not the least, ikaw ang ama ng quadruplets na dinadala ko, gago!” mariin kong wika.
“At tsaka, sa totoo lang, hindi naman talaga kita kailangan. Ngunit pinilit ako ng Daddy ko na hanapin kang hinayupak ka! Dahil ayaw niyang masira ang reputasyon namin!” dagdag ko pa.
Bago ako umalis, tinuhuran ko siya kaya't namimilipit ito sa sakit.