CHAPTER TWENTY
RIVOR ZION'S POV
NG nagkaroon kami ng alitan ni Axelle ay mas lalo akong nagalit sa inasta niya. Ang kapal talaga niyang sabihan ako ng kong ano-ano, hindi naman s'ya nagpapakain sa'kin.
Maaga akong nagising dahil uuwi kami ngayong araw sa pilipinas. Ayoko na kasing isama pa ang babaeng iyon, nabubuwesit tuloy ako.
“Bangon na, maliligo tayo.” saad ko habang niyuyogyog s'ya.
“Maliligo? Saan ba tayo pupunta?”
“Uuwi sa pilipinas. Gusto mo iwan kita dito ha? Dami mong alam, bumangon kana at tumungo sa banyo.” wika ko at aalis na sana ng mahawakan niya ang kamay ko.
Kumunot bigla ang aking noo.
“Ano?”
“Alalayan mo'ko maligo. Hindi ko kasi kabisado ang hotel na ito.” aniya habang ngumingiti.
Napangiwi ako at wala ng ginawa kundi ang ihatid s'ya sa loob ng banyo bago hinubad ang pang itaas niyang damit saka pang baba.
Well, sanay naman akong makita ang katawan niya palagi din naman ako ang nagpapaligo sa kaniya e. Kong bawal man ako sa langit it's ok basta maginoo parin ako. I'm a good boy na hindi nanghaharas sa babae kapag pinapaliguan ito.
Ng matapos kong paliguin s'ya ay pinasuot ko ng pantaloon na brown saka t-shirt na white. S'ya na rin ang nagsuot ng panty at b*a nito.
10 minutes ako naman ang naligo pagkatapos non ay nagsuot din ako ng pantaloon na kulay black, t-shirt din na white and nag jacket ng kulay black.
Tumingin ako sa salamin at nagposing muna baka kasi may mali sa mukha ko o may dumi ayoko pa naman ng nadudumihan ang aking face kasi napakagwapo nito para dapuan.
Bumaling ang tingin ko kay Yanna na ngayon ay walang repleka sa mukha niya, ni hindi man lang s'ya kumikibo. Tatahimik parin, introvert ba s'ya? Nevermind.
“So, let's go.” saad ko at niisa-isang nilabas ang mga gamit.
“Aalis na pala kayo.” sulpot bigla ng pamilyar na boses, pagkatingin ko sa likod nakita ko si Axelle na ngayon ay nakangiti.
“And anong pakialam mo?” inis na tanong ko.
“Umpisahan mo na naman ang pang-aaway Rivor. Diba nagsabi na'ko na bawasan mo din iyang ugali mo? You're not a kid.” cross arm niyang pananalita.
Hindi ko s'ya pinansin at nilagay sa loob ng taxi ang mga gamit.pati iyong iba ay nasa likod. Pinaupo ko si Yanna at papasok na sana ako ng magsalita si Axelle.
“Enjoy ka sa biyahe kasama iyang asawa mo.” pang-aasar niya.
“Puwede ba....hindi ko s'ya asawa, salita ka ng salita hindi naman kita kinakausap.”
“Yeah I know, nagsasabi lang naman ako ng paunawa sayo....magiging asawa mo rin naman iyan e.” tawa niyang pang-aasar padin.
“Tumigil ka....buwesit ka.” sigaw ko at padabog na sinarado ang pinto ng taxi.
Pinaharurot na iyon ng driver patungo sa airport ng Taiwan. Bumuntong-hininga ako at tiningnan si Yanna na tahimik parin, nagulat naman ako kasi iyong dibdib niya bakat sa suot nitong white t-shirt.
Hinubad ko ang akin at nilagay sa kaniya.
“Salamat.” aniya
Gentleman ko naman pero may oagka demonyo din ako kapag inabutan lang.
Apat na minuto ang tinagal ng aming sinasakyang taxi. Bumaba kaming dalawa ni Yanna at kinuha lahat ng gamit sa likuran ng kotse saka nagbayad sa nagmamaneho nito para makasakay na kami sa aming eroplano.
Sumakay agad kami ng eroplano at nag-upo sa mga upuan dito bago nakahinga ng maluwag. Mas mabuti na itong makauwi agad kami sa pilipinas para ibalik ko na s'ya sa sarili niyang mga magulang, nakakaabala lang kasi kapag sa'kin pa ito pinasilbi. Wala paring pagbabago ako nalang palagi ang gumagawa ng mga kailanganin na gawin ng babae.
“Zion....gutom ako.” aniya kaya napatingin ako sa mukha niyang walang reaksiyon.
“Ito oh! Utos ka nang utos.” saad ko at nag-patahimik sa kaniya.
Tumingin ako sa labas ng eroplano nakita ko ang mga ibon na sumasabay sa paglipad saka ang mga ulap na ngayon ay tabon sa bintana. Ngumiti ako at sinandal nalang ang ulo sa upuan.
“Bagong buhay na naman.” bulong ko at natulog.