CHAPTER NINETEEN
AXELLE'S POV
LALO akong napraning sa sinabi sa'kin ni rivor. Hindi ko naman s'ya pinapakialaman e, sinunod ko lang naman ang utos ng mama niya. Tsk! Ako pa talaga iyong makapal ang mukha, s'ya na nga tinutulungan daming alam.
“Hello, tita?”
“Oh, axelle. Ano na sinabi sayo ni rivor? Uuwi ba s'ya dito?”
“Hayst, nagkaalitan kaming dalawa dahil nga sa pagpapakasal mo sa kaniya. Hindi naman ako sa nangingialam pero hayaan mo si Zion sa desisyon niya tita.”
“No, malaki na s'ya at dapat din niyang tuunan ng pansin ang future niya. Don't worry ako na bahala kumausap sa kaniya kapag ka umuwi sila dito sa pilipinas.” aniya at pinatay ang tawag.
Nakahinga naman ako ng maluwag. I know na ganun ang tita ko, pala desisyon s'ya sa future ng mga anak niya. Ewan ko lang talaga kong ano iyong kinalabasan ng gagawin niya. Grabe pa naman ang ugali ni Zion kapag inaasar o tinuturuan ng leksiyon na hindi niya mismo magugustuhan.
Tumayo ako at nagtungo sa unit ni Zion at Yanna. Kakausapin ko lang ang mukong na iyon.
“Zion? Mag-usap tayo.” saad ko sa unahan ng pintuan ng unit niyang marating ko ito.
“Anong kailangan mo ha?” sulpot niya bigla.
“Puwede mo ba akong papasukin man lang para diyan sa loob mag-uusap?” tanong ko.
Hindi na s'ya pumalag pa at nauna ng umupo sa sofa bago ako. Nakita ko naman ang partner nitong babae na nakaupo sa kabilang bench.
“Iyong usapan ba tungkol sa pagpapakasal ko sa babaeng iyan? O baka may bago kana namang sasabihin.” inis niya at nag cross ng arm bago sinandal ang likod sa sofa.
“Pumunta ako rito upang sabihin sayo if uuwi ka bukas sa pilipinas para maayos ko agad ang flight ticket niyo papunta doon. Hindi pa kami makakauwi ng ka batch mate mo and iyong kaklase mo, may gagawin pa kaming activity.” litanya ko.
“And why do you care? Nakakuha na'ko ng ticket kanina. Don't worry babalik din ako dito kapag hinatid ko na s'ya.”
“Ok lang naman kong hindi kana bumalik dito. Mag-stay ka nalang sa manila and then mag took ka ng pictures, i-sesend ko sayo ang link upang magaya mo.”
Inis s'yang tumayo at tumalikod. “Paano iyong grades ko? Alam ko namang mababa ka mag-bigay kapag pinabayaan ko itong activity na ginawa mo pa talaga sa malayo.”
Tumawa nalang ako. “Ako na nga bahala sa grades mo. Saka, ayaw mo non nag enjoy ka naman dito.”
Bumaling ang tingin niya sa'kin, “Hindi ako nag enjoy dahil sa kasama kong bulag.”
Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan niya.
“Huwag mong sabihin iyan, baka magsisi ka.”
“Hindi ako magsisi hangga't buhay pako pwera nalang kapag nawala na s'ya ng tuluyan.” aniya kaya sinapak ko s'ya.
“Why did you do that huh? Tangna ka!! Hindi ikaw nagpapakain sa'kin para saktan mo'ko.” sigaw niya at napahawak sa pisngi na namumula.
“Don't you dare to say that in your partner. Do you think magugustuhan niya ang mga paratang mo sa kaniya ha? Mag-isip ka, binata kana Zion alam mo ang mali at tama.” duro ko.
Napasinghap ito at tumayo saka pinantayan ako. Mas mataas s'ya kong ikumpara sa'kin.
“Wala akong pakialam. Lahat ng mga sinasabi mo balewala na sa'kin iyan, naintindihan mo ba? If hindi, you can study hard para sa mga estudyante mo.” duro niya rin.
Aakma na sana s'yang humakbang ng may pahabol akong salita.
“Nasa huli ang pagsisi Zion kapag ganyan parin ang trato mo sa kaniya. Tandaan mo binata kana at dapag naintindihan mo ang kondisyon ng babaeng iyan.” wika ko at tuluyang umalis.
“Sir, kanina kapa po namin hinahanap. Btw, pirmahan niyo po ang nagawa naming project.” bungad ng estudyante ko paglabas ko sa unit ni Zion.
Kinuha ko ang aking ballpen at pirmahan ang apat na proyekto ng mag-aaral ko saka lumabas ng hotel.
Pupunta muna ako sa coffee shop habang hindi pa gabi. Malapit na kasing mag-alas singko kaya iginahawaan ko muna ang sarili ko.
Hindi na din ako mapakali dahil kay Zion, nag overthink din ako kong ano ba iyong nagagawa niya sa partner niya. Pinapakain kaya niya o hinahayaan nalang? Hayst! Tigas talaga ng ulo, buti nalang hindi kami nagmana sa kaniya basagulero.
“One mocha latté.” bungad ko sa babaeng kahera.
“Sure, take a seat Mr. Wait for a minute.” ngiti niya.
Pumunta naman ako sa malapit na lamesa sa bintana saka pinagmamasdan ang mga couple na naghahalikan, nagpipicture at kong ano-ano pa. Well, hindi naman ako naiinggit sa mga ganyang romantic relationship. Mas importante parin sa'kin ang career ko bilang guro sa college.
26 years old na'ko, actually may niligawan akong babae nong college ko. Binuhos ko lahat ng oras ko sa kaniya pati pagmamahal na natira sa'kin ay binigay ko, lahat ng luho niya sinunod ko kasi mahal ko s'ya. Ngunit nagbago lang iyon ng maaksidente s'ya sa kalsada, ang natandaan ko lang noon ay papunta s'ya sa kaarawan ng kaniyang ama sa kabilang bayan but sadly nawalan ng preno ang sinasakyan niyang van at doon na nga nahulog sa malapit na bangin. Sa mga oras na nabalitaan ko ang ganung pangyayari, nawalan ako sa sarili, hindi na'ko kumikibo kapag ka kinakausap ako, palagi akong umiiyak non at gusto na ngang magpakamatay pero naalala ko na iyong buhay ko ay may saysay pa.
At simula ng mangyari ang ganung trahedya, nanatili akong bulag sa relas'yon. Hindi na ako nagmahal pa dahil ang pagmamahal ko ay sa aking girlfriend, kaya hanggang ngayon iniisip ko din na kong nandito s'ya sigurado akong sasaya ang malabo kong past.
“Here Mr.” biglang sulpot ng babae kanina.
“Thank you.” wika ko at iginawad s'ya ng maikling ngiti saka humigop ng mocha.
‘What if buhay ka talaga Jovelle? Matatanggap mo pa kaya ako?’