MY BLIND WIFE

901 Words
CHAPTER EIGHTEEN RIVOR ZION'S POV BUMULWAK ang iniinom kong kape ng magsalita si Yanna sa likuran ko. Pasado ala una na ng hapon, pero hindi pa kami nakakain. “Ano?” “Gutom na'ko Zion, puwede mo ba akong bigyan ng makakain?” utos niya. Tumayo ako at nagtungo sa kusina upang pakainin ang alaga ko. Ngayong araw ay nakakabuwesit opo, palagi nalang ako ang nagluluto kahit wala akong alam. “Oh! Ito na madam iyong pagkain mo.” inis ko at nilapag sa mesa ang plato na may lamang kanin at tocino. Mga mantika kasi niluluto ko, bakit ba e. Hindi ako marunong magluto ng may sabaw kahit tinola. “Tocino ba ito?” biglang tanong niya. “Anong akala mo?” Hindi s'ya nagsalita at kumain nalang habang ako naman ay nanonood ng balita. Yes, ako din iyong architect na news lang pinapanood at wala ng iba. Ilang minuto ang tinagal ko sa panonood ng may kumatok sa pintuan kaya napatayo ako at pinagbuksan iyon. “Ikaw pala sir, anong kailangan niyo po?” galang na patanong ko kahit na pinsan ko s'ya. “Uuwi ka daw sa pilipinas turan ng mama mo. Pakasalan mo iyong partner mo kapag ka nandoon na kayo.” bungad agad niya. Napalunok ako ng laway, “What? Ayoko! Hindi....sabihin mo si mama may asawa na ako.” pagpapanggap ko. “Tsk! Come on Rivor....huwag kanang mag-maangan diyan, impake muna lahat ng damit niyong dalawa para maihatid ko na kayo sa airport. Under----” “Ayoko.....hindi ako magpapakasal sa babaeng iyan. Nakakaintindi kaba axelle?” sigaw ko kaya nabigla s'ya. Lumabas na din lahat ng mga estudyante sa kaniya-kaniyang unit upang tignan at paringgan ang alitan namin ni Axelle. “Bakit hindi mo'ko nirespeto ha?” “Oh bakit ha? Nirespeto mo din ba desisyon ko? Diba hindi? So, kong papauwiin mo'ko sa manila dahil tutol ka sa babaeng bulag na mapapangasawa ko, s'ya nalang pauwiin mo.” diin ko. “Ganyan pala ugali mo no? Immature ka mag-isip Rivor. 4th year college kana at isang buwan nalang ga-graduate ka, but puwede ba bawasan mo iyang ka-abnormal mo.” “Ah, ako pa talaga immature sa atin dalawa? Kapal naman ng mukha mo. Pareho kayo ni mama pala desisyon.” inis ko at sinarado ang pinto. Narinig ko na ding umalis s'ya at ang ibang estudyante ay nag-bulungan pa din dahil sa inasta ko doon sa sir naming bulok. Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Yanna kaya napakapit din ito sa'kin. “A....anong problema?” tanong niya. “Ikaw.....ikaw ang problema ko babae. Tignan mo nga ikaw ang maging asawa ko? Alam mo nabubuwesit na'ko sayo, bukas na bukas ihahatid kita sa pilipinas para mawala kana sa buhay ko.” sigaw ko na nagpayuko sa kaniya. “Tandaan mo..... hinding-hindi ko magugustuhan ang gaya mo.” diin ko at nagtungo sa kwarto. — Napaigtad ako ng makita s'yang nakatayo sa pintuan habang may tungkod na hawak. “Sorry Zion kong bakit ako ganito. Alam ko naman na hindi mo'ko deserve e. Kahit ganyan iyong mga tinuturan mo sa'kin mahal parin kita higit pa sa fix marriage.” seryosong sambit niya. “Saka, hindi naman kita pinipilit kong hindi mo'ko gustuhin.....Bulag na babae lang kasi ako na walang ginawa kundi magmukmuk sa gilid.” litanya niya. “Sana ano kahit papaano may puso ka para sa'kin. Sana ikaw na iyong tatanggap sa'kin ng buo kahit bulag ako, maayos din naman kasi ang mata ko kapag inoperahan.” “Wala akong pakialam sa sinasabi mo. At isa pa nagpaka gentleman lang ako sayo nahulog agad iyang loob mo? Nagpapatawa kaba?” inis ko at tumayo bago pumunta sa kinaroroonan niya. “Hindi ko kasi alam na ganun pala maramdaman ko, kasalanan ko ba kong bakit ako nahulog sayo?” “Auh so, kasalanan ko pa pala kong bakit nahulog ka? E makitid pala iyang utak mo e.” saad ko na nagpa bigla sa kaniya. “Nandiyan kaba sa unahan ko? Akala ko sa kama ka.” Pinikit ko ang dalawa kong mata saka s'ya tiningnan ng madiin. Pabaling-baling ang ulo nito sa kong saan, hindi ko alam kong nagpapatawa ba s'ya. “Obvious ba? Malamang nandito....iimpake ko lahat ng gamit mo, iuwi kita sa pilipinas. Nakakasagabal ka kasi sa'kin.” wika ko at aalis na sana ng magsalita ito. “Magpapakasal tayo? Sabi kanina ni sir mo ipapakasal daw ako ng mama mo sayo. Totoo ba iyon Zion? Magiging totoo na kitang asawa?” “No!” “Pero....kapag inuwi mo ako sa pilipinas....matutuloy parin iyon diba? Gusto ko din na maging asawa ka.” Kumunot ang noo ko sa tawa niyang pagsasabi. “Hoy babae! Hindi ako ang maging asawa mo. Makitid ba iyang utak mo ha?!” “Malawak ang utak ko no! Hindi mo lang kasi alam. Nga pala kapag kinasal na tayo, gusto ko dalawa ang magiging anak natin Zion. Babae saka lalaki, puwede iyon diba?” Kinamot ko ang aking ulo at kinagat-kagat ang bibig. Bulag na nga ito hindi pa natatakot sa'kin. “Tumigil kana kong ayaw mong sa labas kita patulugin.” saad ko at padabog na sinarado ang pinto. Pumunta ako sa terrace ng unit na ito at dinarama ang malakas na hangin habang inaalala ang sinabi ni Yanna kanina. “Kong s'ya ang mapapangasawa ko, ako parin magsisilbi tsk.” bulong ko at tumingin sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD