CHAPTER SEVENTEEN
RIVOR ZION'S POV
NANG matapos ang event na ginanap dito sa Taiwan ay madami akong nakuhang parangal kay sir axelle. Pati na din ang iba kong mga kaibigan at ka sections.
Umuwi agad kami pagsapit ng alas dose ng umaga. Sobrang antok talaga ako non dahil sa kakaenglish ng nag speech sa gitna. Hayst! Wala pa naman akong idea kong ano-ano iyong pinagsasabi non.
Nasabi ko kay Yanna na may papakasalan akong babae. Pero, hindi naman katotohanan. Natatawa lang kasi ako sa reaksiyon niyang nakakaloka. Hindi ko alam kong natatawa ba s'ya o nagpapa cute.
Natapos na'kong maligo kaya naman lumabas akong naka tipis at nadatnan si Yanna na nakaupo parin sa kama. Hindi ba nasasaktan iyong p***t niya saka likod? Sabagay wala naman s'yang trabaho.
Nag ring ang selpon ko malapit sa tv kaya kinuha ko ito at sinagot.
“Bakit ma?”
“Sympre nangangamusta lang ako. Btw, ok lang ba ang night travel diyan sa taiwan?”
Napahinga ako.“Opo, maganda naman lahat ng lugar dito kahit na hindi pa ako nakakapunta sa iba.”
“E, dapat anak magpahangin ka din isama mo si Yanna sa gusto mong pasyalan, hindi iyong nagmumukmuk kayo sa loob ng unit tsk!”
“Ayoko. Mas mabuti na nandito kami para safe.” wika oo naman.
“Basta, gusto ko kayo ang magkatuluyan niyan.”
Humina ang tawa ko sa sinabi niya.“Do you think mainlove ako sa babaeng iyan? No way! May bago na'kong papakasalan no at hindi s'ya.” kunot-noo kong sabi.
“Ah ganun? Sige, kukunin ko lahat ng mga binigay ko sayong pera saka iyong bank account na iyon palitan ko ng password.”
“Huwag! Taena naman, anak mo din naman ako ma. So, hayaan mo'ko kong anong plano ko.”
“No! Ako ang magulang, dapat ako ang susundin mo tsk.” aniya at pinatay ang tawag.
Bumaling ang tingin ko kay Yanna na naglalakad patungo sa kong saan ko nakatayo.
“Saan ka pupunta?”
“Nandiyan ka pala? Ah, mag b-banyo lang ako.”
“Kaya mo ba?” tanong ko sa kaniya.
Hindi ito nagsalita at unti-unting nagtungo sa direks'yon ng banyo saka binuksan ang pinto at pumasok.
Tinuon ko nalang ang pansin sa labas ng hotel. Pumunta ako sa veranda ng hotel saka pinitchuran ang nagagandahang tanawin ng Taiwan. Nakikita ko dito ang mga ibon na lumilipad at ang araw na bumubusilak sa baybayin, nagrereplekta ito sa akin.
Kapag nasa unit ako ng hotel sa maynila nakikita ko mga kuryente hayst. Nakakainis talaga.
Bumalik akong muli sa loob at nadatnan si Yanna na walang saplot pang itaas at pambaba. Actually, naka b*a s'ya at panty. Tinitigan ko s'ya habang lumalakad na kasangga iyong tungkod niya.
Hindi parin umaalis ang tingin ko sa kaniya ng makapunta s'ya rito sa sala.
“Zion? Puwede mo bang kunin ang damit ko sa loob ng kwarto? Nakalimutan ko kasing kunin e.”aniya.
Bumalik ako sa ulirat ng magsalita s'ya.
“Ano? I....I mean, bakit ako pa? Saka tignan mo nga iyang sarili mo naka b*a at panty ka. Hindi kaba nahiya?” gigil ko habang nakatingin sa kaniya.
“Pasensya na hindi ko kasi makita ang tuwalya.” yuko niyang sabi.
Bumuntong-hininga nalang ako at hinawakan s'ya saka pinapasok sa loob ng kwarto. Pinasuot ko s'ya ng damit at short bago sinuklayan ang buhok niya sa ulo.
Lumabas ako at nagtungo sa kusina upang kumain. Ang bilis ng umaga at gabi dito sa Taiwan pero kapag sa pilipinas ang babagal.
“Zion?”
“Oh! Sir bakit po?” tanong ko ng makita s'yang nasa sala na.
“Anong pangalan ng partner mo?”
“Auh, Yanna Valenciana Arnaiz. Bakit mo natanong? Gusto mo ba?” tawa ko.
“Abnormal, kailangan ko lang malaman. Hindi mo pa kasi pinakilala sa'kin e.” kamot-ulo niyang sabi.
“Yeah, kong kursonada mo. Why not? Ibibigay ko s'ya sayo.”
“Hm....nagpapatawa kaba? May girlfriend na'ko no! Bakit hindi nalang ikaw?”
“Ako? Ayoko sa babaeng iyon. Bulag e, sayang kapogian ko.” pagmamayabang ko.
“Tsk. Masyado kang ambisosyo.” aniya “Btw, aalis muna ako, see you!”
Umupo ako sa sofa at uminom ng kape.
‘Never akong magkakagusto sa babaeng iyon tsk.’