CHAPTER SIXTEEN
YANNA'S POV
HINAWAKAN ako ni Zion sa kamay saka hinatak sa kong saan kami pupunta. Pagkatapos non sumakay kami sa kotse at nagtungo sa covered court ng Taiwan dahil may partner events na gaganapin ngayon.
Pinasuot ako ng kulay red dress at sandals na white daw sabi ng nag make up sa'kin kanina na nasa unit palang kami. Hindi ko mawari na ano kaya ang mukha ko kapag may make up? Maganda din ba ito gaya ng ibang mga babae?
“Hoy! Bilisan mo maglakad, baka maubusan tayo ng upuan.” singit ni Zion kaya naglakad naman ako.
Hinatak niya ako patungo sa loob ng covered court. Hindi ko namalayang nandito na pala kami.
Pinaupo niya ako sa upuan at hindi ko alam kong nasaan s'ya. Hinawakan ko naman ang magkabila kong shoulder at hindi alam kong saan ibaling ang itsura, hindi ko naman kasi nakikita e.
Nabigla ako ng may nagpasuot ng jacket ba ito o toxido? Upang takpan ang unahan ko.
“Bakit ba kasi ganyan iyong binigay sayong dress, nakakainis tuloy.” sermon niya.
“Ok naman iyong disenyo diba?”
“Anong ok ha? Kita na nga cleavage mo e saka iyang dalawang bundok mo malapit na makita. Umayos ka kasi umupo, straight your whole body hindi iyong payuko-yuko ka.” inis niya parin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at nakinig sa talumpati ng hindi ko kakilalang tao.
“SO, HERE WE GO AGAIN. I'M AXELLE CARCIUS DENOVAN, A TEACHER OF 4 YEAR COLLEGE FROM DE LA SALLE UNIVERSITY, MANILA. THIS NIGHT WE HAVE A SHORT HONOR FOR EVERYONE'S HERE. LET'S START.” turan ng teacher nila.
Nagpalakpakan sila kaya ginaya ko na din para hindi ako magmukhang abnormal dito. Hindi naman kasi ako kasama e, nagpasama lang.
—
“Zion, anong oras na?” tanong ko.
Gusto ko na matulog pero iniinda ko nalang.
“11, why?” tanong niyang pabalik.
“Matutulog na'ko e.” saad ko.
Actually, kakapunta lang namin sa entablado para kunin ang certificate of award na binigay ng sir niya. Saka madami na din si Zion nacollect na trophy.
“E di matulog ka.” aniya.
Naramdaman ko bigla ang kamay nito na nakahawak sa aking ulo saka nilagay sa balikat niya, napangiti naman ako sa inasta niya sa'kin.
“Gisingin mo ako kapag tapos na ah?” saad ko pero hindi niya ito narinig.
Pinikit ko nalang ang aking mga mata at nag-iimagine na nakikita ko ang mundo.
— FAST FORWARD —
Nagising ako ng may kumalabit sa'kin kaya napaupo ako bigla.
“Bakit? Saan na tayo?”
“Nasa unit.....tapos na iyong event kagabi, ganda naman ng tulog mo habang ako walang tinulugan.” sermon niya sa'kin.
Kinuyom ko ang aking labi at pinapakinggan ang sinasabi niya sa'kin. Alam ko namang puyat s'ya dahil sa event na ginawa, hindi ko naman kasalanan iyon ah. Dapat iyong sir niya ang sisihin hindi ako tsk!
“Bakit ka natahimik diyan huh? May iniisip kaba?” tanong niya.
“Wala.” yuko kong sabi.
Walang nagsalita sa aming dalawa. Ang kwarto ay tumataas iyong temperatura dahil sa aming dalawa. Hindi ko naman kasi alam kong anong sasabihin e.
“Ka....kailan tayo.....babalik sa p....pilipinas?” utal-utal ko.
“I don't know, wala pang announcement. Don't worry hindi ka naman pababayaan dito e.” wika niya.
Wala akong kaalam-alam kong saan s'ya nakaupo at kong ano ang ginagawa niya. Tinitigan niya ba ako? O palihim niyang tinatawanan ang isang tulad ko? Ano kaya ang reaksiyon niya? Naku! Naman kasi, bakit pa ako nagka-ganito.
“G....ganun ba? S....salamat.” hiya ko parin.
Hindi ko alam ang sasabihin. Nahihiya narin ako e, baka nga talaga tinitigan niya ako.
“Nandiyan kapa ba?” tanong kong muli.
“Hmm....yeah, nakaupo sa swivel chair habang nakatingin sayo. Tsk! Are you shy? Bakit ganyan reaksiyon mo? Payuko-yuko kapang nalalaman e nakikita naman. Kasalanan mo kasi kong bakit ka naging ganyan iyan tuloy hindi mo ako makikita kong anong ginagawa ko.” litanya niya.
Napalunok naman ako sa sinabi niya. Hindi mo nga kasi ako masisi e. Kulit naman ng lalaking ‘to.
“Oo nga e....” ngiti ko nalang.
“Btw, may papakasalan akong babae.” biglang sabi niya.
“Si....sino?”
“Secret....hindi ko muna sasabihin, sa ngayon private relationship mo na kaming dalawa. She's beautiful also and you know she's my type.” aniya.
Hindi na'ko nagsalita pa at ngumiti sa kong saan man s'ya.
“At....gagamitin na niya iyong apilyedo kong montello. Hayst! May asawa na s'yang architect na gwapo.” tawang sabi niya.
“Bakit ka natahimik diyan? Hindi kaba masaya?”
“M....masaya ako no, swerte naman niya.”
“Sobrang napaka swerte.” pabulong niya.
“So, maliligo muna ako ngayon.” singhap niya saka naramdaman kong tumungo s'ya sa banyo.
‘Ang swerte naman ng babaeng iyon. Sino kaya s'ya?’ bulong ng isip ko.