CHAPTER FIFTEEN
RIVOR ZION'S POV
PAGPASOK ko ng unit padabog ko itong sinarado at umupo sa sofa. Nag cross arm naman ako at iniisip ang sinabi ni Justine, ang kapal talaga ng mukha niyang pag-sabihan ako sa harap ng mga kaibigan ko ng ganun. Wala rin s'yang respeto.
“Zion....timang ‘to iniwan mo s'ya doon e.” bukas ng pinto ni George saka pinaupo si Yanna sa kabilang sofa.
“Bakit mo pa dinala iyan dito huh? Nakakasagabal lang iyan sa buhay ko.” inis ko.
Umupo s'ya sa tabi ko at inakbayan naman ako. Lalo lang akong nainis ng tumawa s'ya.
“Anong nakakatawa sa sinabi ko?”
“E kasi naman, partner mo iyan tapos hahayaan mo lang? Tsk....hindi ka parin nagbabago, ganyan naba talaga ang ugali mo? For real naba?”
Tumayo ako at inismiran s'ya saka bumaling kay yanna na tahimik lang na nakikinig sa amin.
“What do you think? Magbabago ako para sa babaeng iyan? Hmm....hindi iyon mangyayari, ganito parin ang ugali ko.” ismid ko.
Napabuntong-hininga s'ya.“Ewan ko talaga sayo Rivor....pero what if magka-asawa ka tapos ganyan din ipapakita mo? Ano nalang ha?”
“Hindi ko ipapakita sa kaniya ang ugali ko ngayon....pero sa babaeng iyan puwede.” saad ko sabay turo sa kay yanna.
“Sus! Baka ikaw iyong ma love at first sight diyan. Hmm, huwag ako Rivor. Alam ko kong paano ka gentleman sa mga babae kahit na nandidiri ka.” tawa niya.
Hindi ko s'ya pinansin at nagtungo sa kusina. Medyo malapit s'ya kaunti sa kong saan si George at Yanna nakaupo.
“Aalis na'ko Zion....babalik ako dito mamaya.”, pag-paalam niya.
“Huwag kanang BUMALIK.” diin ko na nagpatawa sa kaniya bago lumabas. Pumunta muli ako sa kong saan si Yanna.
“Hoy! Alam mo muntik na'kong mapahamak sayong babae ka. Nakakainis ka talaga e no! Sagabal kana nga sa buhay ko ipapahamak ko naman.” wika ko sa pagmumukha niya.
“Sorry.... kasalanan ko na.” aniya sabay yuko.
“Zion?” tawag sa labas kaya dali-dali ko namang pinagbuksan.
“Sir? Bakit po?”
“Mamayang gabi may event na gaganapin sa covered court ng taiwan and then itong toxido at slacks ay sayo saka ang formal dress ay para diyan sa partner mo. Maliwanag ba?
“Pero sino mag make up sa kaniya?” tanong ko.
“Kukuha ako ng make-up artist.” saad ni sir axelle bago inabot sa'kin ang susuotin namin mamaya.
May binigay din s'yang sapatos at sandals para sa amin.
“Salamat sir.” turan ko at sinarado ang pinto.
Nagtaka naman ako dahil, bakit may event pa? Mag graduate naba kami? O baka naman may birthday? Tsk.... pakialam ko sa kanila, nag-overthink naman ako ng walang idea.
“Mamaya may event daw, kailangan sumuot ka ng formal dress. Bahala na iyong mag make-up sayo.”
“Event? Anong gagawin sa event?”
Kahit palatahimik ang babaeng ito nagawa niya paring magtanong ng hindi nilalaman. Siguro sa mga bulag madadami talagang katanungan na dapat ay maisagot.
“Ewan....pinapasuot tayo e.” sambit ko at nilakbangan s'ya. Bago pa ako makapasok sa loob ng kwarto ay tumili ito.
“Event? Baka may jsprom. Omg! Gusto ko ng ganun, pero wala akong mata....hindi ko makikita ang mga disenyo nila.” bulong niya.
Pumasok nalang ako dahil nga 7:30 ng gabi dapat nandoon na daw. Chat sa gc ni sir, bakit sa group chat pa e puwede namang isa-isahin kidding.
Actually, mayaman ang sir namin gwapo na nga mabait pa. Kaya lahat ng mga ibang estudyante nagkakagusto din sa kaniya dahil sa matipuno din niyang pangangatawan. So, madaming nagbubulungan na baka gusto daw ako ni sir dahil palagi ako ang kinakausap niya but hindi iyon totoo. Si sir axelle at ako ay mag-pinsan. Bale nauna s'yang nakapag-tapos sa'kin ng pag-aaral, 26 na s'ya e.
Wala pa iyang girlfriend, ewan ko din e. Hindi yata mahilig sa babae.
— FAST FORWARD —
Nauna akong naligo sa banyo saka ni-isang sinuot ang binigay sa'kin ni sir. Naglagay narin ako ng relo at nag perfume bago lumabas.
Nadatnan ko si Yanna na inaayusan ng aoat na nag ma-make-up sa kaniya. Hinintay ko itong matapos, 6:30 pa naman may mahaba pang minuto.
Sinundan ko ang tingin ng paglalakad ni Yanna patungo sa kwarto. Isusuot niya yata iyong dress na red, iyong iba kasi sari-sari ang mga kasuotan.
Nag-hintay ako ng kalahating minuto, so boring. Nabigla ako ng may humawak sa aking likod kaya napatayo ako at bumaling sa kong saan kanina ang may humawak.
Nakita ko si Yanna na ang ganda niya, tumingin ako sa legs niya na puti kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko napansin na nandiyan pala iyong mga umayos sa kaniya.
“So, here's your partner Mr. Montello. Enjoy the night with her.” saad ng isa at lumabas din agad-agad.
“Ang ganda ba ng suot ko?” mangha niya.
“Panget.” ngiti ko.
Maganda s'ya pero sinabi ko lang na panget kasi baka sabihin niyang kinikilig ako. Nakakainis, baka next year mahulog ako sa kaniya amputik ayoko.
Kahit bulag s'ya maganda kapag ka inayusan at pinasuot ng casual. Ano kaya magiging mukha nito? Ahh! Wtf.
“Aalis naba tayo?” aniya muli.
“Oo.” wika ko at hinawakan s'ya sa kamay at dahan-dahang lumabas.
Nakita ko na din ang ibang mga estudyante na lumalabas na sa kanilang unit. Mukhang na eexcite sila sa gaganaping event ngayon at pinaghandaan talaga.
“Sana may mata ako no? Para makita ko ang ganda ng event.” bulong niya.
“Tumahimik ka nalang.” saad ko.