CHAPTER FOURTEEN
RIVOR ZION'S POV
NAGLUTO ako ng makakain naming dalawa ni Yanna para mamayang tanghali. Kailangan ko s'yang pagsilbihan para hindi ako chismisan ng aking mga kaklase at kaibigan kong mga abnormal daig pa ako.
“Zion....nandiyan kaba?” tanong niya kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.
“Ano sa tingin mo?” tanong ko na pabalang aa kaniya bago itinuon ang pansin sa ginagawa ko.
“Akala ko kasi umalis ka.” saad niya.
Hindi na'ko nagsalita pa at pinagpatuloy ang ginagawang pagluluto. Pagkatapos ko iyong gawin ay nilagay ko sa lamesa saka nagtungo sa terrace ng hotel, nagpapahangin lang ako kasi sobrang init.
Napansin ko na din ang araw na nag re-replika sa akin. Naghubad ako ng damit pang itaas saka nilagay iyon sa upuan. Naka short lang kasi ako, ok na ito sa hotel lang naman e.
“Zion?” pasigaw ni Yanna.
Bumaling ang tingin ko sa kaniya saka s'ya hinawakan sa kamay at pinatayo sa tabi ko.
“Ang init naman dito.” inis niya.
“Malamang may araw.....mga ilang segundo na ay aalis na iyon.” saad ko.
Hindi s'ya umimik at ngumiti nalang din habang ako ay panay sulyap sa kaniya. Umupo ako sa coach saka tinitigan lang s'ya buong katawan. Naka short lang ito at oversized t-shirt na black, well, sanay naman s'ya sa ganiyang kasuotan. Napalunok ako ng bumaling s'ya sa akin.
“Diyan kaba? Gusto ko na umupo e. Alalayan mo'ko.” utos niya.
Hinawakan ko pa lalo ang kamay niya saka pinaupo sa itaas ko. Bale nakahawak na ngayon ang kamay niya sa dibdib ko, natataranta pa s'ya at mukhang hindi gusto ang nagawa ko sa kaniya.
“Bakit dito? Sa....upuan....mo'ko ilag---” hindi ko na pinatapos ang sinabi niya at hinalikan ito sa labi.
Nagpupumiglas itong makawala sa bibig ko ngunit hinawakan ko ang ulo niya at sinubsob sa labi ko. Nagpapalitan kaming dalawa ng laway. Mga ilang minuto na bumitaw ako.
“Bakit mo iyon ginawa?” tanong niya.
“Hindi ako makatiis kaya ka hinalikan.” saad ko naman.
Nakita kong namula s'ya sa sinabi ko. Ngumiti nalang ako at niyakap s'ya.
“Tanggap mo'ko?” tanong niyang muli.
“Hindi parin....ginagawa ko lang ito kasi gusto ko.” saad ko at nilagay s'ya sa upuan saka ako pumasok sa loob upang kumain.
—
Lumabas ako ng unit at pumunta sa room ng mga kaibigan ko. Actually, malapit lang sila sa unit ko.
“Oh! Zion, ikw pala. Kamusta kayo ng yaya mo?” tawang-tawa ng abnormal kong kaibigan.
“Ok naman....kamusta din iyong pagbabae mo?” balik na tanong ko.
Nadatnan ko kasing may ibang sections na babae dito sa room nila ang pumasok at mukhang magaganda naman dahil sa mga anyo nito. Ang lahat ng estudyanteng babae sa university namin ay mayayaman at matatalino kaya hindi mo maikumpara sa ibang paaralan. Kaya nga del la salle e.
“Tsk! Ayos na ayos ako....wala pang nabubuntis.” hagalpak ng niya.
Ngumisi nalang ako sa tawa niyang nakakatamad pakinggan. Paano kasi parang demonyo e.
“Hi, architect Zion....kamusta kana?” tili ng isang babae na kakapasok lang sa loob.
Bumaba ang tingin ko sa palda nito na sobrang iksi daig pa iyong nasa japan. Bumalik ako sa mukha niyang puno ng make up, hayts ganito naba talaga ang kabataan?
“I'm fine.” saad ko habang nakatingin parin sa kaniya.
Umupo ito sa tabi ko at nag cross ng paa saka ako niyakap.
“Good to hear that.....btw, where's your partner?”
Bigla akong kinurot ni George kaya nabalik ako sa ulirat.
“Anong problema mo?”
“Huwag mo ng landiin, ibigay mo nalang sa'kin.” aniya sabay kindat.
Nagulat naman ako sa inasta niya.“Gago, hindi ko ito type. Kong gusto mo sayo na isaksak mo pa sa baga mo, taenang ito hayok sa babae.” inis ko.
“Zion....kapag naging tayo gusto ko magkaroon ng anak na dalawa para babae at lalaki. Ok ba iyon sa----” naputol ang sinabi nito ng makita ko si George na dinala si Yanna dito sa unit nila.
“Oh! Ito partner ni Zion, huwag mo na s'yang landiin ok? Ako nalang para masaya.” wika niya at pinatong si Yanna sa'kin.
Humagalpak ng tawa si Jake at iba pang kaklase namin. Inis naman akong tiningnan sila.
“Zion....bulag ba iyan? Omg, girlfriend mo ba?”
“No! She's my yaya.” tanggi ko.
“Iyon naman pala e. So, sana maikasal tayo.” tili parin niya.
Hindi nagsasalita si Yanna at panay imik lang ito. Sigurado akong naririnig niya ang usapan namin kasi nandito s'ya sa kandungan ko.
“Stacey tawag ka ni sir.”
“Sige.....btw, babalikan kita huh?” aniya sabay kiss sa pisngi ko.
Hindi na'ko nakapalag pa dahil aalis din naman s'ya. Bumaling ulit ang tingin ko kay Yanna na ngayon ay natahimik lang.
“Zion, akin na lang kasi iyon.”
“Oo, sayong-sayo na....hayok ka kasi sa babae e.” asar ko.
Tumawa nalang s'ya at tumayo bago pumunta sa kusina. I think iinom na naman iyon ng beer, pero hindi s'ya nagpapahalata kay sir baka ma guidance e. Mautak din iyon ngunit ang problema sa kaniya puro babae.
“Zion? Dito kalang pala....”
“Ano naman kong nandito ako?”
“Wala....gusto ko sanang kumain na, kanina pa kasi ako nagugutom.”
“Dapat kumuha ka doon sa lamesa. Ako pa talaga magsisilbi sayo?”
“Sympre Zion....partner mo iyan e, alangan naman s'ya ang magsilbi sayo. Taenang mindset iyan, bulag s'ya diba? Dapat maging responsable ka din.” biglang sulpot ni Justine.
“So, kasalanan ko ba kong bakit s'ya bulag huh? Kapal naman ng mukha mong sabihan akong tangnang mindset? What about yours? Anong utak ka din ba mayroon ha? Yabang mo magsalita.” galit na sigaw ko.
“Kaya minsan ayaw ko sa ganyang ugali mo e. Mayaman ka, gwapo, may kaunting kaalaman saka madaming nagkakagusto sayo tapos iyan pala pinapakita mong ugali sa iba?”
Nilagay ko si Yanna sa kabilang upuan at tumayo saka nagtungo sa direks'yon niya bago hinawakan ang damit nito upang itaas.
“Zion....huwag mong gawin iyan....”
“Do you think wala akong respeto sa ibang tao? Hmm...nagkakamali ka Justine, hindi mo alam ang punto ng buhay ko kaya huwag kang magmayabang na para bang mabait kana sa lahat. I know all of your life, kaya huwag mo'kong subukan na sabihan ng ganun baka nakalimutan mong ako ang tumulong sa mama mo upang operahan s'ya.” saad ko habang nakatitig parin sa kaniya ng may galit.
“Zion....tama na iyan, pag-usapan nalang.” awat ni Jake kaya lumabas ako.
Iniwan ko si Yanna doon sa loob. Naiinis na'ko e, iyan tuloy ako pa napahamak..