MY BLIND WIFE

793 Words
CHAPTER THIRTEEN RIVOR ZION'S POV Lumipas ang apat na oras ng pagliligo bumalik kami sa tent saka nag-bihis ng mga damit. Napakalamig iyong tubig na nilanguyan ko kanina at ni Yanna. Nagiginaw tuloy ako, kakainis. Lumabas ako ng tent at nadatnan si Yanna sa labas na nag-muni-muni, basa pa ang damit nito. “Magbihis ka doon. Nanginginig ka.” wika ko sa kaniya. “Ha? E...tapos kana ba?” tanong niya. “Oo, ngayon lang.” usal ko at hinawakan s'ya sa kamay. Pinapasok ko s'ya sa tent at lumabas kaagad ako saka nag picture sa magandang tanawin. Mag-alas singko na ng hapon kaya ang lahat ng mga ibon umuuwi na sa kanilang bahay at iyong araw naman pumapalobog na. Bumalik ako sa tent at nadatnan si Yanna na nakaupo lang sa gilid habang nakahawak sa kaniyang mga paa. “Tara sa labas may ipapa---- I mean mag-hangin.” turan ko na nagpangiti sa kaniya. Nilagay ko ang dalawang kamay nito sa bakod habang ako ay nasa likod niya. Bale ang kamay ko malapit din sa kamay niya, naririnig ko na din ang mga bulong-bulungan sa paligid pero wala na'kong pakialam don. “Maganda ba? Anong kulay ng araw?” “Kulay dilaw, actually papalubog na s'ya.” saad ko sa tenga nito banda. Ngumiti nalang s'ya at binabaling ang ulo sa kong saan man. “Tanggap mo naba ako?” “No! Ngayon lang tanggap kita pero kapag umuwi tayo sa pilipinas hindi.” “Ganun ba? Ako kasi tanggap na kita.” “I don't care.” inis ko at iniwan s'ya. — “Zion, gumagabi na. Hindi mo ba kukunin ang partner mo doon as labas?” wika ng sir ko kaya napabangon agad ako. Nakita ko naman si Yanna na nakatayo lang habang iyong kamay niya ay nakakapit parin sa bakod. “Hindi mo ba alam na gabi ngayon? Bakit nandito ka sa labas?” “Gabi? Akala ko ba hapon palang....saka kanina pa kita hinihintay dito na bumalik ka.” “Nakakainis ka sobra.....” sermon ko at binaklas ang kamay niya saka pinasok sa tent. “Dapat hindi nalang kita sinama.” numbat ko. Hindi s'ya umimik at kinapa ang bag bago ito binuksan. Kakain yata ito e. Total gabi naman ngayon. Apat na minuto natapos ang kainan, natulog ako dahil sa pagod kahit na wala naman akong ginagawa rito. Picture lang iyong pinapagwa kasi. “Hoy! Ano ba....kahapon pa iyang kamay mo ha!” sigaw ko ng gapangin muli ng kamay niya ang tiyan ko. “Sorry....hinahanap ko ang kumot....” “Wala kana bang alam kundi kumot? Nabubuwesit ako sayo ha!” “Hindi ko sinasadya.....” “Kapag inulit mo lang talaga iyan, you will have a punishment at hindi mo ito magugustuhan. Naintindihan mo ba?” pananakot ko kaya napatango s'ya. Natulog nalang din ako dahil bukas pupunta kami sa hotel at doon na muna pansamantala. Madami namang pera iyong teacher ko e, so no worries. “Zion.” bumalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Yanna sa tenga ko. “Bakit ba? Natutulog iyong tao tapos gigisingin mo ha? Saan ba utak mo?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya bago umupo. “Naiihi ako e.”aniya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tsk! “Nasa akin ba ang banyo?” inis ko. Tumahimik ito bigla dahil sa sinabi ko sa kaniya. Gumapang ito at hinahanap ang pintuan ng tent, lalo kumulo ang dugo ko dahil sa kaniyang pinapakita sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya palabas at tumungo sa banyo na malapit lang din sa kinaroroonan namin. “Umihi kana.” sermon ko parin sa kaniya. Malakas kong sinarado ang pintuan at nagtungo sa malaking puno rito. Bumuntong-hininga akong pinagmamasdan ang ibong lumilipad sa kalangitan pati narin ang mga huni nitong kay tamis marinig. Bumalik ako sa reyalidad ng makita si Yanna napapalabas. Hinawakan ko ang kamay nito saka nagtungo sa aming tent. “So, for now.....sa hotel muna tayo magpalipas ng gabi dahil may bagyo daw na dadaan dito sa taiwan.” announcement ng sir namin. “Sige sir....” “Iligpit niyo na lahat ng gamit saka bumaba na....dahan lang ha? Makitid ang daanan baka madulas kayo.” aniya at nauna na. Niligpit ko lahat ng aming gamit saka bumaba, hinahawakan parin ako ni Yanna sa matitipuno kong braso. “Zion, totoo bang may bagyo?” “Oo, na announce na kanina diba?” Naglakad kami ng isang oras at narating sa wakas ang malaking hotel dito sa Taiwan. Nag check in kaming lahat saka nagtungo sa kaniya-kaniyang mga unit. “Ang bango naman dito.” Hindi na'ko nagsalita at pinagmamasdan s'ya. Aaminin ko man na maganda talaga s'ya pero iyong kulang sa kaniya ay mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD