MY BLIND WIFE

937 Words
CHAPTER TWELVE RIVOR ZION'S POV NAGULAT ako ng mahawakan ni Yanna ang gitnang parte ko kaya sinabihan ko na naman s'ya. Naiinis na'ko kanina pa e. Nakita ko naman s'yang mahimbing na natutulog kaya lumabas ako at nadatnan ang mga kaklase kong gumagawa ng apoy dahil masyado ng lumalamig. Every November to February daw kasi ang may snow dito sa Taiwan and iyong pinaka mataas na temperature ng lamig ay tuwing January naman, kaya minsan ang mga tao dito palaging nagsusuot ng jacket na mainit man o hindi. “Zion, hawakan mo ito. Picture ko lang kayo.” saad ng kaibigan ko at binigay sa'kin ang pusporo. “Ok na....” “Yes, snow na. s**t ang lamig, para tayong nasa Iceland.” wika ni mitchelle. Nanririndi ako sa sigawan ng mga kaklase ko at ibang sections kaya bumalik ako sa kong saan ang tent namin ni Yanna. “Zion? Malamig.” nginig niya. Sinarado ko ang tent saka nilagyan ng jacket si Yanna. Hinubad niya pala kanina. “May snow naba? Labas tayo.” “Huwag na....malamig sa labas saka hindi mo kakayanin.” “Pero, gusto ko makakita ng snow.” “Ang tanong may mata kaba? Diba wala? Kaya tumahimik kana kong ayaw mong ilabas kita dito at doon ka matutulog sa labas.” turan ko. “Pero Zion kailangan kong makaramdam ng snow. Kahit ngayon lang, sige na please....hahawakan ko nalang.” awa niya. “Ano bang gusto mo ha?” sigaw ko na nag-patahimik sa kaniya. Hindi na ako nag alinlangan pa at kumuha ng snow sa labas saka niroll iyon na parang bola at binigay sa kaniya. “Oh! Iyan na daming alam.” inis ko. “Salamat....parang pareho sila ng yelo no?” “Ano sa tingin mo? Para namang baliw ‘to.” “Baliw sayo.” ngiti niya. Namula naman ako sa sinabi niya. Kaya pinatatagan ko nalang ang aking loob para hindi makilig aa sinasabi niya. “Bakit ang tahimik mo?” “Kasi quiet. Auh, matulog kana para bukas aga tayong pumunta sa pinakadulo ng bundok.” saad ko. Medyo malamig pa sa labas dahil sa snow na nagbabagsakan. Humiga nalang s'ya habang ako naman ay tinitingnan s'ya. “Matutulog kaba Zion?” tanong niya. Hindi na ako nagsalita at humiga na rin sa tabi niya bago nagkumot. Sobrang lamig talaga, bakit pa kasi nandito natulog. — “Zion, gising na daw sabi ng sir mo.” pukaw ni Yanna kaya kumaripas ako ng bangon. “Natutulog iyong tao e.” sermon ko. “Nagsabi sa'kin si sir mo na gigisingin ka dahil pupunta tayo sa dulo ng bundok.” aniya. Lumabas ako ng tent at nadatnan ang mga kaklase ko at si sir na nagliligpit na. “Iligpit muna Zion ang tent aalis na tayo.” wika ni sir kaya napatango ako. Bumalik ako sa tent namin at kinuha lahat ng mga gamit saka pinalabas si Yanna. “Stay ka muna diyan. Ligpitin ko lang ito.” Apat na minuto ang nakalipas natapos na'ko sa pagliligpit at nagsimulang maglakad. Bale nauna na iyong taga ibang sections at mga kaklase ko, naiwan kami ni Yanna. “Tara na....humawak ka sa kamay ko.....baka mahulog sa ilalim ng bangin.” usal ko, mahigpit niyang hinawakan ang aking kanang kamay at nagsimulang maglakad. Mahigit isang oras at kalahati ay natagpuan namin ang r******************n kidding bundok pala. Natatanaw ko sa malayo iyong sunrise na nagliliwanag sa kong saan kami ngayon. Kumuha ang iba kong kaklase ng mga camera at nag selfie habang ako naman ay nakatayo lang pati si yanna. Nilapag ko sa gilid ang tent at iba pang gamit bago pinitchuran ang tanawin. Inalalayan ko si Yanna na makapunta sa kong saan may mga bakod na puwede hawakan. “Mag picture ba tayo?” “Oo....so, smile ka ha? Para hindi panget.” “Sige.” “Ok, 1....2....3....smile.” saad ko at nag pacute sa camera. Ewan para akong abnormal. Pagkatapos non ay nagluto kami ng makakain namin habang iyong iba naman ay umaakyat sa kong saan may mga magaganda ding tanawin. “Gusto mo ba maligo?” “Oo naman.....may paliguan ba dito?” Ngumisi naman ako at binuhat s'ya patungo sa kaloob-looban ng cave. Dito pumunta iyong iba kong kaibigan kasama si sir. I know na maliligo sila. “What the fvck! Maganda dito. Btw, ibaba kita.” saad ko ng marating namin ang sulok ng kweba. “Woah! Ang lamig.” sigaw nilang lahat. Nag picture muna kami bago ako naghubad ng damit pang-itaas saka lumangoy sa dulo ng falls. Sobrang lamig, taena talaga. Nakita ko naman si Yanna na nakatayo lang. Lumangoy muli ako at nagtungo sa kong saan s'ya. Hinawakan ko ang kamay nito papunta sa tubig. “Zion....hindi ako marunong lumangoy....” ani niya. “Ok lang, hindi ka naman malulunod e.” tawa ko at niyakap s'ya papunta sa malalim na bahagi nito. Nakakapit lang s'ya sa leeg ko at ako naman ay nasa beywang niya. “Mag-bibilang ako ng apat ha? Dapat sabay tayong pumailalim ng tubig. Maliwanag ba?” “P....pero....hindi ako mar----ahh” sigaw niya ng bumaba kami sa ilalim. “Zion....please tama na, hindi ko kaya.... ibalik mo ako sa tinayuan ko kanina.” utos niya. “Ok fine.” Bumaba ang tingin ko sa nakahulma niyang dibdib. Umiwas agad ako at pinaupo s'ya sa bato, kinuha ko naman ang aking damit na hinubad ko kanina saka tinabon sa kaniyang dibdib. “Salamat.” “Bakit ba kasi naka white ka? Naliligo tayo e. Madami tuloy nakapansin.” sermon ko saka bumalik sa pag lalangoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD