MY BLIND WIFE

896 Words
CHAPTER ELEVEN YANNA'S POV PINASAMA ako ni Zion sa lakad niya dahil alam naman niyang ako lang ang mag-isa dito. Napakabait naman pala s'ya pero minsan naiinis sa'kin, I don't know kong bakit ganun ang pakikitungo niya sa akin. Nagising ako dahil sa nagugutom na naman kaya napakablit ako kay Zion. “Ano?” “Bigyan mo'ko ng pagkain ulit. Nagugutom ako e!” saad ko. “Ms. Isa pang pancake.” ani niya. Ngumiti naman ako sa inasta niya. Kahit na palagi niya akong inaaway ay nagagawa niya parin akong pag-silbihan. “Oh ito na.” saad niya at binigay sa'kin ang pagkain. Inubos ko agad iyon at uminom ng tubig. “Anong oras na?” “Twelve p.m” Hindi nalang ako nagsalita at natulog ulit sa balikat ni Zion. Gigisingin naman niya ako e kapag malapit na kami sa airport ng Taiwan. — “Hoy, bumangon kana diyan. Dito na tayo.” bulong niya kaya napaigtad ako sa kinauupuan ko. “Maganda ba iyong nasa labas?” tanong ko. Hindi s'ya umimik at kinuha ang seatbelt ko saka ako pinatayo. Nakahawak parin ako sa kamay ni Zion alam kong nag-iinarte s'ya pero wala s'yang choice kundi ang hayaan ako. Dahan-dahan kaming bumaba sa eroplano. Sobrang lamig ng simoy ng hangin kaya mas lalo akong naginaw. Ganito ba kapag ka pumunta sa ibang bansa? Puro lamig lang at minsan nag-iinit? “SO, NANDITO NA TAYO SA TAIWAN. UNA NATING MISSION IS PUPUNTA TAYO SA MAGANDANG BUNDOK DITO, DON'T WORRY MAY NGA TOUR GUIDE NAMAN NA MAGSISILBI SA ATIN. KAYA LAHAT NG MGA GAMIT NIYO AY BITBITIN NIYO NA, AND HUWAG KALIMUTANG MAG PICTURE HA? PARA ILAGAY SA PORTFOLIO NIYO.” litanya ng sir ni Zion. “Yes sir!!!” sabi naman nila. Naglakad kami mga ilang kilometro lang. Narinig ko naman na nandito na pala kami sa aming destinasyon. Ako pa yata iyong na eexcite e hindi si Zion kasi wala s'yang imik. “Zion? Maganda ba iyong tanawin?” tanong ko. “Oo. Kailan pa naging panget ang tanawin ha?” inis niya. “Nagtatanong lang naman ako e.” Kong may mata lang ako sigurado kanina pa ako nag picture dito if maganda ang tanawin saka matiwasay, may naririnig na din akong nagsasalita. Baka mga tour guide iyon. Napansin kong naglalakad ulit kami. Medyo matipak ang dinadaanan kaya kumakapit parin ako sa kaniya. Baka madapa ako ang hirap, tatawanan lang ako. Ilang oras bago marating ang bundok ng ALISHAN NATIONAL SCENIC AREA sa bahagi ng tapei taiwan. Pinapuwesto ako ni Zion sa gilid ng bundok para ilagay ang tent na gagamitin namin. Dito kami magpapalipas ng gabi saka babalik din daw sa hotel. “Ayusin niyo ng maigi ha? Iyong iba diyan huwag tunganga para sa grades ito.” saad ng sir nila. “Sir, paano iyang kasama ni Zion? Walang ginagawa.” turan ng isang babae. “Anong pakialam mo kong wala s'yang ginagawa? Nakita mo namang bulag diba? Dami mong alam, tumahimik kana lang.” inis na sabi ni Zion. “Ok! Huwag na kayong mag-away hayaan nalang natin sila Cheska ok? Gawin niyo na ang inyo.” Hindi na sumagot ang babae dahil sa sinabi ni Zion sa kaniya. Ngumiti ako ng pinag-tanggol niya ako roon. Nabigla ako ng kunin ni Zion ang bag sa'kin.“Bakit mo kinuha?” “Papasok na tayo sa loob.” aniya at inalalayan muli ako. “May ilaw ba?” “Lantern lang. Puwede ba tumahimik kana.” ani niya, kinuyom ko naman ang bibig ko. “Mag picture muna tayo. Umusog ka sa'kin.” utos niya na agad ko namang sinunod. Napakapit ako sa dibdib niya at binaling ang tingin sa gilid. “1....2....3.... smile.” usal niya at nag picture. “Isa pa, panget naman. Dito ka kasi sa unahan tumingin huwag sa gilid, wala iyong camera diyan.” “Sorry....” “Ulit, 1....2....3.... smile.” aniya, nag smile na rin ako para hindi magmukhang abnormal sa camera niya. “Ito maganda, bukas ulit kukuha ako para makarami tayo.” saad niya.“Saka, kumain ka muna.” Kinuha ko ang bag malapit sa kaniya at binuksan ang zipper sa pinakadulo, dito niya nilagay ang mga snacks e. “Zion....busy kaba?” “Hindi, bakit?” “Ahh....anong pangalan nitong snacks?” “Clover.” Binuksan ko ito at kumain na. Naramdaman ko bigla ang kamay ni Zion sa likod ko papunta sa aking leeg. “M....may problema ba?” “No! Inaayos ko lang iyong damit mo. Nakikita kasi iyang dibdih mo.” sambit niya. “Bilisan mo, mag snow na mamaya. Bandang 6. Saka alas kwatro na ngayon ng hapon, matutulog muna ako nakakapagod e.” usad niya at humiga sa likuran ko. Kumain ako ng kumain at uminom ng tubig bago tuluyang natulog katabi niya. Kinapa ko ang kumot sa ilalim ngunit iyong ano niya nahawakan ko. “Buwesit! Anong ginagawa mo ha? Bastos mo naman.” “N....nagkakamali ka.....iyong kumot kasi gusto ko makuha e....hinahanap ko.” “Kumot lang ba o may iba pang gustong hawakan? Ayusin mo babae.” napalunok ako sa sinabi niya. “Hindi ko sinasadya....” “Ito ang kumot oh! Nasa ibabaw ng uluhan mo. Kong saan-saan kasi gumagapang iyang kamay mo” inis niya parin. Hindi nalang ako nanlaban at humiga sa tabi niya. Akala ko kasi kumot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD