CHAPTER TEN
RIVOR ZION'S POV
UMAGA na ako nagising kasi naeexcite na'ko sa gaganaping night travel. Hayst! Ganito ba talaga kapag ka college na? Madaming performance na kailangan gawin saka activities.
Nagluto na'ko ng almusal namin. Bumalik ako sa kwarto upang gisingin si Yanna.
“Hoy, bangon na tapos maligo na din. Aalis na tayo.” saad ko habang niyuyogyog s'ya.
Nagising naman ito at kinapa ang tungkod niya. Nabubuwesit naman akong tiningnan s'ya kaya inalalayan ko nalang ito upang makaligo sa banyo. Hindi na niya hinubad ang damit nito, baka may makita akong hindi ka aya-aya.
Ilang minuto na ay sinuklay ko agad ang buhok niya at nilagyan ng pabango. Bale iyong damit na sinuot niya ay isang slimfit cuffed na kulay brown at t-shirt na kulay white. Bagay naman na sa kaniya, akala niya siguro architect lang alam ko pero hindi naman.
“Ok na iyan, maganda kana.”
“Maganda ako? Talaga? Salamat.” ngiting usal niya.
Hindi ko s'ya pinansin at pinaupo sa upuan. Kakain na kami at aalis na din. Maliligo pa ako punyeta talaga. Alas diyes na dapat mga 7:30 nandoon na sa school para hindi kami maiwan.
Binilisan ko agad ang pagkain at nagpaalam muna sa kaniya na maligo ako, para fresh din sa biyahe.
Natapos ko ang aking pagliligo. Sinuot ko ang polo na kulay black at pantaloon saka nagsuot ng sapatos na black. Nilagay ko nadin ang aking relo sa kaliwang kamay at nagpabango.
Kinuha ko ang isang maleta at dali-daling lumabas. Nadatnan ko naman si Yanna na nakaupo parin sa kusina, nagtungo ako sa kaniya at niligpit lahat ng mga kinain bago s'ya inalalayang maglakad.
“Bilisan mo naman. Nakakainis.” sermon ko at pinauna s'ya sa labas.
Nilock ko lahat ng puwedeng pasukan ng magnanakaw saka nagpara ng tricyle papunta sa dela salle.
Maya-maya pa nandito na kami. Daming estudyante ang may mga maletang dala at sympre iyong mga partner din. Bumaba agad kami sa tricyle at nagbayad bago pumasok sa loob ng school.
“Good morning architect montello.” bati ng apat na babae sa gate.
Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa marating namin ang classroom ko dito sa second floor.
“Zion, may partner kaba?”
“Ahh oo ito.” saad ko sabay turo kay Yanna.
“Kaklase ba natin iyan? Bakit s'ya? Dapat ako nalang.”
“You're late. Saka ok naman ito, nagpaalam na ako kay sir.” wika ko at umupo.
Nabigla ako ng masandal ni Yanna ang dulo ng table kaya napakapit ito sa legs niya.
“Halika nga dito. Bakit ba kasi nandiyan ka dumaan ha?” inis ko at hinimas ang legs niya.
“Pasensya na.....hindi ko kasi alam na may lamesa pala.”
“Zion, iyan naba ang partner mo?” sulpot ni sir.
“Ah opo s'ya.”
“Oh ok, so ito iyong tent niyo ha?” ani ni sir at iniabot sa'kin ang tent na kulay black.
“Ok class, so for today we will have a night travel. Ready naba ang lahat na makapunta sa Taiwan?”
“Yes sir!!!”
“Good! So, isa-isa na kayong lumabas and boys ang lahat ng mga gamit kargahin niyo ha? Huwag iasa sa mga babae kasi hindi nila kaya.” saad ni sir at lumabas kaagad.
Binuhat ko ang tent at ang maleta naman ay binigay ko kay Yanna. Nagpahuli nalang kami dahil sa siksikan at medyo mabaho ang ibang kaklase ko.
“Ohh, buti naman nandito ka zion.” saad ng dalawa kong kaibigan.
Lalo akong nainis, sumama din pala ang mga ito? Hayok talaga sa babae.
Pumasok kami isa-isa sa jeep at lahat ng gamit ay nilagay sa itaas para magkasya sa loob. Bale apat na Jeep ang nairenta ni sir para sa night travel nmin. Naks! Ang yaman.
“Nalalamig ako zion.” bulong ni Yanna kaya kinuha ko sa bag ang dala kong jacket. Buti nalang nadala ko ito, malamig pa naman sa Taiwan.
“Suotin mo.” utos ko na kaagad din niyang sinunod.
“Aalis naba tayo?” aniya.
“Oo, kaya huwag kanang ma---”
“May naghahawak sa likod ko. Hinihimas iyong likod ko zion.” aniya kaya napatingin ako sa lalaking katabi niya.
Nasa ibang section ito at mukhang manyak naman. Sa katabi ko kasi lalaki din taenang iyan.
Pinaupo ko s'ya sa legs ko at nilagay ang bag sa unahan niya, malaki naman ang bubong ng jeep so walang problema.
20 minutes palang ang nabiyahe namin hanggang sa marating na ang airport. Bumaba kaming lahat at kinuha ang mga dala naming tent. Pumasok sa airport at nagkuha ng flight ticket for Taiwan.
Nauna agad akong pumasok sa eroplano kasama si Yanna. Baka maubusan kami ng upuan, anim na sections ang nakilahok sa ganitong activity ni sir.
“Zion, saan na tayo?”
“Sa eroplano.” saad ko at kinuha ang aking selpon sa bag.
Alas nuwebe na pala, tamang-tama mga umaga ang bagsak ng eroplanong ito.
Pinaandar na ng piloto ang eroplano kaya lahat kami ay nag seatbelt na. Medyo excited ako na kinakabahan sa night travel na ito, I hope walang mangyaring masama. First time ko pa naman mag- ganito sa buong buhay ko.
“Zion, gutom ako.” sitsit ni Yanna.
“Auh Ms. Puwede makahingi ng pancake diyan?”
“Ok everyone sa mga gutom diyan magsabi lang kayo ok? Para mabigyan agad kayo.” saad naman ni sir.
“Here mr.”
“Ay wait, saka ano pala tubig iyon lang thank you.”
Ilang sandali pa ay nandito na ang tubig, binuksan ko ito at uminom. Nauuhaw ako kahit na madami namang tubig iyong ininom ko kanina bago pumunta sa school.
“Ito na iyong pancake. Ayusin mo kumain huwag kang pabata-bata.”
Kinuha naman niya iyon at kinain saka pinainom ko narin ng tubig para Hindi l mabulol. Hayst! Para tuloy akong tatay nito.
Natapos ito sa pagkain, sumandal s'ya sa balikat ko at natulog nalang din dahil mahaba pa ang biyahe. Habang ako naman ay sumisilip sa bintana ng eroplano upang masilayan ang ulap at araw na nagbubusilak.