MY BLIND WIFE

787 Words
CHAPTER NINE RIVOR ZION'S POV NANINIBAGO ako sa sinabi ni Yanna. Parang hindi namang totoo na may kasintahan s'ya, sabi kasi ni mama sa'kin noon bulag talaga si Yanna nong s'ya ay pinanganak tapos ngayon nagkaroon ng kasintahan kasi naaksidente at binigay sa kaniya iyong dalawa niyang mata? Tsk! Hindi ako naniniwala. “Hindi ko maintindihan iyong sinasabi niya. Akala ko ba bulag na talaga siya since pagkabata? Tsk, baka naman nagsisinungaling s'ya.”bulong ko at napatawa nalang. Alas dos na ng hapon kaya naman bumili ako sa grocery ng mga pagkain, wala na kasing stock sa cabinet kaya mamili muna ako. Kapag si Yanna naman ay wala baka maligaw s'ya sa daanan at ako naman iyong mapapagalitan. Natapos ko ng bilhin lahat ng pangangailangan na mayroon kami at umuwi kaagad para magluto na naman. Ganito lang dapat gagawin ko pagsilbihan ang babaeng iyon. Pagkapasok ko palang nadatnan ko agad si Yanna na nakaupo sa sofa habang nag-muni-muni. Dumeritso ako patungo sa kusina at nilagay isa-isa iyon sa refrigerator at cabinet. Mga nasa 2k+ ang nagastos ko sa pagkain lang, pero ok lang iyon dahil sa amin din ito mapupunta. And buti may mga stock na para hindi na bibili pa. “Nandiyan kaba Zion? Kanina pa kita hinihintay e.” “May tanong ako sayo.” “Ano iyon?” “Totoo ba iyong sinabi mong binigay mo ang iyong mga mata sa taong mahal mo? O baka naman bulag kana talaga since bata kapa. Iyong totoo, huwag kang magsinungaling kong ayaw mong masaktan.” sambit ko. Napahinga s'ya ng hangin.“Hindi, nag joke lang naman ako para malaman ko iyong sasabihin mo. Sorry, bulag talaga ako since bata palang.” “Bulag kana nga sinungaling kapa. Ganun ba iyong babae?” Hindi s'ya nagsalita at kuyom lang ginagawa. Akala ko pa naman totoo hindi pala. Muntik na'kong maniwala, buti nalang hindi ako uto-uto. “Bukas pala may pupuntahan akong night travel, mawawala ako ng apat na araw.” “Ha? Paano ako dito? Ano bang night travel?” gulat niya. “Gabing paglalakbay, meaning night travel.” pilosopo ko. “Alam ko naman iyon e pero sabi ko anong gagawin niyo?” Naiinis kong kinamot ang aking ulo. “Partner by partner iyong night travel namin sa taiwan. Mag-iimpake ako ng damit mamaya pagkatapos kumain para bukas makaalis na agad ako.” wika ko. Nakinig lang s'ya sa sinabi ko, but I know na wala s'yang makakasama dito. “Kukuha ako ng yaya para bantayan ka at ipagluto.” “Huwag! Kaya ko naman. Basta bumalik ka agad ha?” Ngumisi naman ako.“Sure!” turan ko at bumalik nalang sa ginagawa. Nag announce si sir kagabi sa GC at kanina ko lang nabasa dahil sa sobrang busy. Nakakapagtaka lang na bakit sa Taiwan pa gaganapin e puwede naman dito sa baguio, boracay, batanes at iba pang lugar sa pilipinas. Natapos na'ko sa aking ginagawa. Kumain na kaming dalawa ni Yanna bago pumasok sa loob ng kwarto. Inimpake ko agad ang mga damit ko at tiningnan si Yanna na nakaupo lang sa gilid ng kama. Naawa ako sa sitwas'yon niya. Paano kapag s'ya lang dito? Baka apat na araw din s'yang hindi makakain. Hayst nakakainis. “Babae, gusto mo bang sumama?” tanong ko. “Ako? Baka magalit ang teacher mo e, saka may partner kana diba?” Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan niya. “Wala pa akong partner, ichat ko nalang si sir if puwede ka. Baka ano pang mangyari sayo dito kapag iniwan kita.” “Sir? Puwede iyong yaya ko nalang ang i-partner ko? Bulag kasi ito e saka walang nagbabantay sa kaniya.” chat ko sa gc. “Sure Zion, basta huwag mong pabayaan ok?” Ni heart ko nalang ang message niya bago in-off ang selpon. “Oo daw, puwede kitang isama.” “Talaga? Salamat.” ngiting usal niya. Bumalik ako sa paglalagay ng mga damit sa aking maleta pati narin sa kaniya ako na ang tumupi at nilagay din sa iisang maleta. Saka kumuha na din ako ng mga snacks namin para sa night travel na gagawin. Sana nga walang mangyaring masama e!. “Matulog kana para bukas hindi tayo malate sa pupuntahan natin.” saad ko at tumabi sa kaniya. Napatango nalang din ito at humiga saka nagkumot. I know na pagod s'ya kakaupo sa sofa. Wala namang ginawa kundi ang mag muni-muni nalang, nakakainis iyong babaeng iyon. Paano pa kaya kapag sinama ko s'ya sa night travel? Ano kayang gagawin niya? Baka mapahiya pa ako lalo pero ok lang iyon nakakaawa naman kasi kong iwan ko s'ya rito na nag-iisa saka apat na araw akong mawawala, baka kong ano pang magagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD