CHAPTER EIGHT
RIVOR ZION'S POV
NAPALUNOK ako ng maisip iyong nagawa ko kay Yanna kaninang alas tres. Mas lalo pa akong nagulat dahil sa sinabi kong.“Wala akong ginagawa....hinahawakan ko lang....may mali ba sa nagagawa ko sayo?” punyeta, saan ko nakuha iyon? Taena naman oh.
Tumingin ako sa orasan at pasado alas nuwebe na ng umaga. What the fvck? I'm late. Nataranta naman akong niligpit iyong ininom kong beer saka upos ng sigarilyo.
“Nagbibisyo na'ko? Paano nangyari iyon?” gulat na gulat kong sabi sa sarili.
Natapos ko ng niligpit iyon, nagluto ako ng pagkain for breakfast. I know na hindi luluto ang babaeng iyon, tsk!
“Zion, anak!” biglang sulpot ni mama.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko.
Umupo s'ya sa kabilang upuan at inismiran ako.“Kinamusta lang kita at si Yanna. Btw, saan ba s'ya?”
Hiniwa ko naman ang sibuyas bago sinagot ang tanong niya.“Baka natutulog pa.” walang gana kong panalita.
“Nga pala ang kontrata na ito kailan matatapos? Tamad na'ko mama na pagsilbihan iyong babaeng bulag na iyon. Masyado ka naman kasing maawain.”
Napatayo s'ya.“2 years ang kontratang iyon. Zion, magpaka gentleman ka naman sa babae, bakit ba lakas ng galit mo kay Yanna? E wala namang ginagawang masama iyon sayo. Maarte kalang talaga.”
Napatawa ako ng mahina at inihinto ang ginagawa ko.
“Ako maarte? Are you out of mind mama? Pinakasalan mo'ko sa babaeng hindi ko naman gusto. Tignan mo nga kong may kakayahan ang babaeng iyon, diba wala? Ako na nga nagpapa-alipin e.” inis ko.
“Kahit na, mabait si Yanna. Ayaw mo non s'ya maging asawa mo? Mabait na nga masipag pa.”
“Anong masipag doon? E ako nga gumagawa ng gawaing bahay kahit na ayaw ko naman.”
Pumunta si mama sa kong saan ako nakatayo at niyakap.
“Maintindihan mo din kong bakit ganun ang kapansanan ni Yanna. Hindi pa sa ngayon kasi immatured pa iyang kukuti mo.” bulong niya.
“Tita? Nandiyan po ba kayo?” bumaling ang tingin namin ni mama kay Yanna.
“Ah oo Yanna, kamusta kana? Ok naman ba ang ginagawa sayo ni Zion?” saad ni mama at niyakap naman s'ya.
Napakamot ulo nalang din ako sa inasta ni mama sa babaeng iyan, bakit naman napakabait ang ina ko sa ganyang tao?
“Ok naman po tita, minsan lang kami nag-uusap kasi may klase s'ya.” ani niya.
Napatingin sa'kin si mama ng may galit sa mukha. Ano na naman ang problema niya?
“Zion, inaalagaan mo din ba si Yanna?”
“O....oo e.”
Hindi nalang nagsalita pa si mama at tuluyan na itong namaalam kasi hinahanap s'ya ni papa.
“Hoy Yanna, pumunta ka nga dito.” saad ko.
“Bakit? Tuwang-tuwa ba si mama mo kasi nakita na niya tayo?” aniya.
Tumungo ako sa kaniya at hinawakan ang kamay nito.
“Oo, sobrang natuwa nga e. Pero ako iyong hindi natuwa sayo.” diin kong pagkasabi at bumalik sa ginagawa ko.
“Iyong nangyari kanina huwag mong isipin iyon. Nakainom lang ako kaya ko nagawa sayo, pero hindi naman ako bastos gaya ng iniisip mo.” dugtonh ko.
“Ah ok lang iyon. Naintindihan ko naman.” aniya at naglakad patungo sa sala.
Ginawa ko nalang ang aking pagluluto dahil naguguton na'ko. Nagtungo ako sa sala at nagpamusic nalang din para may silbi iyong kuryente.
Nabigla ako ng makita si Yannang kumakanta. Alam niya ang kantang ito?
“Hoy babae, bakit ka kumakanta ha?”
“Ah, iyan kasi ang theme song ng dati kong kasintahan.”
Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa pakikinig ng mga sinasabi nito.
“Ikakasal na sana kami non e, pero hindi natuloy dahil naaksidente s'ya at hindi makakita bale nalagyan ng salamin ang dalawang eyeball niya noon, iyong salamin sa unahan ng kotse. Malaki kasi ang napinsala niya sa kaniyang dalawang mata kaya kailangan operahan.” pagpapaliwanag niya.“Ngunit nakakita ito ng iyong mga mata ko ang binigay sa kaniya kaya hindi ako makakita. Ganun ko s'ya kamahal.”
“Saan na s'ya? Bakit hindi mo kasama?”
“Nong nalaman niyang wala akong mata pinakasalan niya ang pinsan ko. Pero hindi niya alam na mata ko pala iyong nasa kaniya kaya s'ya nakakita, diba masakit? Iyong taong pinagkatiwalaan ko noon hindi na ako ngayon kinikilala.” maluha niyang sabi.
“Bakit mo kasi binigay ha? Porket mahal mo ang taong iyon kaya mo ng ibigay lahat ng sarili mo sa kaniya? Nagsasayang kalang ng oras at panahon.” saad ko at pinatay ang music saka bumalik sa niluluto.
Pero masakit pala iyon ah! Tama naman iyong sinabi niya e, pero s'ya ang may mali. Bakit niya binigay? Kong alam naman niyang hindi s'ya mahal ng tarantadong iyon? Ngayon alam ko na kong bakit ka bulag.
“Gusto ko makakita. Para naman masilayan ko ang mukha mo Zion.” ngiti niyang sabi.
“Hindi mo na kailangang makita ako.”
“Bakit naman? Siguro gwapo ka!”
Napalunok nalang ako ng laway.“Gwapo naman talaga ako, saka puwede ba huwag kanang magsalita na makakita kapa. Kahit kailan hindi kana makakita.” padabog kong sabi.
“Sinasabi mo lang iyan kasi gusto mo'ko makasama.” tawa niya.
“Hoy! Nagkakamali ka sa iniisip mo. Dapat lang pala makakita ka para makaalis kana dito.”
“Hindi ako makaalis e kasi nandiyan kana. Paano pa kaya kapag naging tayo talaga? Mamahalin mo ba ako?”
Kinamot ko naman ang batok ko at nagtungo sa kinaroroonan niya.
“Hindi, hinding-hindi iyon mangyayari. At sino ka sa inaakala mo ha? Saka, may nililigawan ako.” pagsisinungaling ko.
“Weh? Sino?”
“Hindi mo na kailangan pang malaman.” wika ko bago umupo.
Nakakapagod pala magluto lalo na't may asawang bulag.