MY BLIND WIFE

897 Words
CHAPTER SIX RIVOR ZION'S POV “Sa tingin mo tama iyong ginawa mo kanina sa school?”pasigaw na tanong ko sa kaniya. Nakauwi na kasi kami at ngayon ay ala una na ng hapon. Walang klase dahil may assembly meeting ang mga teachers at admins sa school. “H....hindi.” aniya. “Buti alam mo. Napakakitid ng utak na mayroon ka, sa susunod huwag kanang pumunta sa school kong ayaw mong ako mismo magpapahiya sayo. Nakakaintindi kaba?” Tumango ito kaya iniwan ko naman s'yang nakatayo. Wala akong pakialam sa babaeng iyon kahit ano man ang gagawin niya sa buong buhay niya tsk, nakakaharang lang sa'kin. Bakit ba kasi s'ya pa pina fix marriage? Kahit alam namang walang mararating iyon. Bumuntong-hininga akong pumasok sa banyo upang mag-hugas. Madami na kasing tagaktak na pawis ang bumungad sa loob ng t-shirt ko kaya lalo pa akong naiinitan. “Zion?” boses ni Yanna habang kinakatok ang pinto. Pinatay ko ang shower at naglagay ng tuwalya sa beywang para pang takip ko sa ano alam niyo na iyon. “Bakit? Maliligo kaba?” turan ko at pinagbuksan s'ya ng pinto. “Sana....puwede mo ba akong paliguan? Dalawang araw na'kong hindi nakaligo e. Malagkit na katawan k---” “E di maligo ka, may paa at kamay ka naman. Anong silbi niyan?” “Saka bakit ako magpapaligo sayo? Babae ka diba? Lalaki ako kaya puwede ba huwag mo'kong utusan.” turan ko nalang at nilakbangan s'ya. Kumuha agad ako ng short na black at hindi na nagdamit. Dito naman kasi sa bahay e, at masyadong mainit. Walang aircon ito. Pagkatapos non nilagay ko ang tuwalya sa sabitan ng mga tuyong damit sa labas ng veranda. Pumasok ako at nadatnan si Yanna na naglalakad patungo sa closet nito. Bale magkatabi lang iyong akin at kaniya. “Ginagawa mo?” Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa marating niya ang closets nito. Bumaba ang tingin ko sa short niyang may dugo sa likod. Umiwas kaagad ako ng tingin. Nireregla s'ya? “Zion, puwede mo ba ako tulungang kunin ang damit ko sa ibabaw? Hindi ko makuha e.” aniya. Naglakad naman ako patungo sa kaniya at hinanap ang damit nito at short saka panty. “May naramdaman kaba?” “Ha? Na ano?” Tinitigan ko s'ya simula ulo hanggang paa at napalunok nalang din ng laway. “Sakit sa puson mo? May dugo kasi ang short mo e. Ano, hindi mo ba iyan lilinisan?” “Sorry, bibili pa ako ng napkin sa tindahan.” wika nito at tarantang kinuha ang tungkod at aakma na sanang aalis ng magsalita ako. “Ako nalang ang bibili. Napakabagal mo, daig mo pa ang pagong.” inis ko at lumabas ng kwarto. Dito ako nagbili sa kalapit na tindahan. Ayoko na pumunta sa grocery store para lang bumili ng pantapal niya. “Isang pack ng napkin po.” “25 pesos ito zion.” ani ni aling Rosa. Kinuha ko naman ito at binayaran kaagad bago umuwi. Nilapag ko sa kama ang nabili kong napkin pagkarating ko sa bahay. “Iyan na iyong napkin mo.” saad ko. “Saan? Iabot mo sa'kin.” May lalo akong nairita kaya kinuha ko ang isang piraso at binigay sa kaniya. “Marunong kabang mag-lagay nito sa panty?” napalunok ako sa sinabi niya. “Hindi, bakit ako inuutusan mo ha? May kamay ka naman e.” wika ko at umupo sa swivel chair. “Hindi nga ako makakita.” turan niya, “Saka alalayan mo'ko papunta sa banyo.” Napahinga nalang ako dahil sa babaeng ito. Mukha ba akong alipin para pag-utusan niya ng kong ano-anu? Sobrang nakakainis na binibigay niya sa'kin. “Ok fine, malapit naman iyong 2 years ng pag-aalipin ko sayo.” inis ko at hinawakan s'ya sa kamay bago pinasok sa loob ng banyo. Tumalikod ako dahil sa humuhubad na ito ng damit saka short niya. “Puwede naba akong lumabas?” “Sandali lang....ito kasing b*a ko i-un-hooked mo nga, hindi ko kasi maabot.” utos niya. Bumaling ang tingin ko sa kaniya at pinatalikod ito upang kunin ang b*a niya daw. Buwesit talaga na babae ito, baka sasabihin niyang hinaharass ko s'ya. Hindi na'ko nagpaligoy-ligoy pa at ako na mismo nagpaligo sa kaniya. May panty naman s'yang suot tapos binalik ko ang b*a sa dibdib niya upang may pantakip. Naabotan kami ng isang oras sa banyo, ng matapos na ito. S'ya na ang sumuot ng damit niya at panty nito na may napkin. Lalaki ako saka ayoko na may makita akong hindi maganda, may respeto ako sa babae. “Hindi ba masikip?” “Hindi, salamat.” aniya at dahan-dahang lumabas. Nakahinga din ako ng maluwag at napahiga sa kama upang matulog. Hindi ko pa pinikit ang mata ko ng may binulong ito. “Gusto mo ba magka-anak?” “Hindi. Masyado pa akong bata, kong gusto mo gumawa e di gawa kang mag-isa.” inis ko at pinulupot ang kumot sa aking katawan at pinikit ang mga mata. “Nagbibiro lang naman ako e.” aniya. Hindi ko nalang s'ya pinansin at natulog na din. May pagka manyak din pala ang babaeng ito, gusto magka-anak pero bulag naman. Honestly, gusto ko magka-anak ng isa pero hindi ko magawa kasi hindi ko naman gusto ang babaeng iyan. At kahit kailan hindi ko s'ya mamahalin bilang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD