CHAPTER TWO
RIVOR ZION'S POV
UMALINGAWNGAW ang boses ni mama sa unahan ko kaya taranta naman akong bumangon.
“Ano, maligo kana at magbihis dahil ngayon na ang araw ng kasal niyo ni yanna.” aniya at lumabas.
Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya. Ang bilis naman yata ng oras e, hindi pa ako masyadong excited sa ganitong okasyon. Gusto ko pa matulog, inaantok pa ako e.
“Zion, ano ba. Maligo kana o ako magpapaligo sayo?”
Taenang iyan!
“Liligo na nga po e.” walang gana kong sabi at tumungo sa banyo na pagewang-gewang.
“Punyeta! Bakit pa kasi ngayon?”
Sinimulan ko ng maligo kahit na nalalamigan pa ako. Iba kasi ang routine ko sa umaga, late na'ko nagigising like inaabotan ng 12 p.m kadalasan 4 p.m, dahil lang sa nagpapagawa ng mga bahay.
Natapos na'ko sa pagligo, sinuot ko ang aking slocks at toxido na kulay black. Naglagay narin ako ng relo sa kaliwang kamay ko at nag cologne para sabihin mabango ako. Kinuha ko ang aking sapatos at medyas, ni-isa isa ko iyong sinuot. Bumaling ang tingin ko sa salamin.
“Nice one, gwapo natin par.” bulong ko at ngumiti.
Paglabas ko ng bahay bumungad agad si yanna? What is she doing here?
“Ma, bakit sila nandito? Akala ko ba tayo ang susundo sa salon na sinasabi mo?”
“Iyon na nga. Tayo sana kaso natapos agad nilang ayusin si yanna e. So, tara na! Hawakan mo s'ya sa kamay ha? Para may alalayan.” aniya.
Hindi sana ako hahawak pero walang choice.
Hinawakan ko ang kamay nito at pati narin ang bridal gown niya.
Nakita ko na maganda iyong pagkaka make up sa kaniya. Mukha s'yang barbie, but I don't care. Pakialam ko sa babaeng ito? Nakakainis.
Sumakay kami ng kotse at nagtungo na sa garden area ng pag-uumpisahan ng kasal.
Nauna ng naglakad ang mga batang flower girl, nagdadala ng singsing at iba pa. Sumunod na din sina mama at papa, pati narin ang ina nito at kuya. Habang kami naman ay pang-huli.
Isang oras ang itinaggal ng kasal ng matapos na ito. Kaagad akong napalayo sa kaniya at iniwan itong nakatayo sa gitna. Hindi ko naman s'ya hinalikan sa labi, sa noo lang iyon. It's just a fix marriage, so wala ng magagawa sina mama sa inasta ko kanina.
“Zion, bakit mo naman iniwan ang asawa mo doon? Kunin mo nga iyon para kang gago.” bulong ni mama sa tenga ko.
“Hayaan mo s'ya, may paa din iy--aray, bakit ba?”
“Ano? Gusto mo bang mapalo ha?”
“Mama naman e! Oo na kukunin ko oo.” inis ko at dali-dali s'yang pinaupo sa upuan, katabi ko s'ya ngayon.
Hindi nalang ako umimik at kumain ng cake saka ibang mga pagkain. Kaunti lang iyong mga bisita ngayon halos lahat puro business. Tsk!
Napasulyap ako kay yanna na ngayon ay hirap kumain kaya inalalayan ito ng kaniyang ina.
“Dahan-dahan lang anak.” wika ng ina nito.
Bumuntong-hininga nalang ako at binaling ang tingin sa isang babae na ngayon ay sa kabilang table. Nakatingin ito sa'kin habang nakangiti, weird.
Nag lipbite ako saka tumayo.
“Where are you going?”
“Diyan lang sa labas, mag muni-muni.” ani ko at lumabas na.
Nakikita ko ngayon ang malaking lawa at mga swan na naglalangoy. Nag-iba narin ang pakiramdam ko ng may humawak sa'kin na kamay.
“Hi.”
“Ah, hello.”
“Hmm, can I asked something?” tanong niya at napatango ako.
“What?”
“Iyon ang asawa mo? Bakit naman pumatol ka sa bulag?”
“I don't know. Si mama iyong may gusto non e.”
Napahinga lang din s'ya.“Sayang naman non. Gwapo ka tapos nagkaroon ng asawang bulag? Tsk! Kawawa kalang talaga sa kinalalabasan ng buhay mo.”
Hindi na ako nagsalita at nauna ng bumalik sa kong saan ako pumwesto kanina. Tumingin muna ako sa babaeng nakausap ko kanina bago bumaling ang tingin kay yanna na ngayon ay tahimik lang.
—
Natapos ang kasalan na naganap. Binigay sa'kin ni mama ang susi ng bahay namin at pinakita ito.
“Iyan ang bahay niyo anak. Maganda diba? Dalawa lang kasi kayo kaya hindi masyadong malaki.” ngiting usal ni mama.
“Ok na ito.” saad ko nalang at pinasok lahat ng mga gamit sa loob ng bahay.
Pati narin si yanna ay inalalayan kong makapunta sa loob. Pinaupo ko s'ya sa sofa at ako nalang humakot lahat ng gamit.
Napaupo ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Hindi ko tuloy maiwasang maghubad ng damit, puno na kasi ng mga pawis.
“Magluto kana.” saad ko sa kaniya.
“Ha? E hindi ako makakita e.”
“Ano nalang gagawin mo? Uupo ka nalang at ako magsisilbi sayo? Asawa na kita kaya ipagluto mo'ko ng makakain natin.” sermon ko.
Tumayo ito at dahan-dahan lumakad patungo sa kusina, bago pa s'ya mauntog sa pader ay huminto s'ya sa paglalakad.
“Hindi iyan ang kusina. Sa kaliwa, kwarto iyan e.”
Kumaliwa s'ya sa paglalakad. Pinapanood ko lang ito, ngunit mas lalo akong nabuwesit dahil sa banyo na naman s'ya pumunta.
Tumayo ako at inalalayan s'yang maglakad patungo sa kusina.
“Ano ba ang gagawin ko?” aniya.
Napakamot upo nalang din ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi ganito ang binigay na babae sa'kin?
“Magluto ka.” diin ko.
“Pero hindi ako makaluto. Gastove iyan e baka mapaso ako” aniya muli.
Pinaupo ko nalang s'ya at ako na iyong nagluto. Lintik na buhay ito oh!