MY BLIND WIFE

967 Words
CHAPTER THREE RIVOR ZION'S POV NATAPOS na ang pagluluto ko ng pagkain. Inihapag ko agad iyon sa lamesa at binaling ang tingin kay yanna na ngayon ay naghihintay na lalagyan ko ng pagkain ang pinggan niya. Tsk! Baka halos araw-araw na ang pagsisilbi ko sa babaeng ito. “Kumuha kana ng pagkain. Ano pang hinihintay mo?” tanong na pasigaw ko. “Ha? E hindi ko alam kong nasaan ang niluto mo. Maaari mo bang lagyan iyong plato ko?” aniya. Napasinghap ako sa sinabi niya bago kumuha ng kutsara saka nilagyan ang plato nito ng kanin at ulam na isdang prito. Ito lang kasi ang alam ko na lutuin, hindi naman ako kusinero e. “Iyan tapos na. Ano pang ipapautos mo sa'kin?” tanong ko. “Wala na, salamat.” ani niya. Umupo naman ako at kumain na din kasi gutom na gutom na'ko. Bukas may pasok pa ako at may project pang iayos for semester, nakakastress talaga kapag ka college. Btw, hindi na nag-aaral itong yanna kasi wala s'yang kakayahang magsulat kahit na nakapikit mata niya. Tsk! Buti nga iyan sa kaniya e. Deserve naman niya. Natapos na'ko sa pagkain. Tumayo ako at nilagay ang lahat ng plato na walang laman sa lababo saka nilinis ang lamesa, hinintay kong matapos si Yanna para naman maalalayan ko na s'yang mag-lakad patungo sa kwarto. Baka kasi sa banyo s'ya pupunta. “So, ano next year kapa ba matatapos? Matutulog na'ko may klase pa ako bukas.” irita kong sabi. “Ito na, sandali lang.” turan niya habang kumakapa ng maiinom. Kinuha ko ang baso malapit sa pinggan niya at pinainom ito. Nabubuwesit na ako sa ganitong marriage, ako pa talaga magsisilbi sa kaniya? E dapat s'ya ang magsilbi sa'kin e lalaki ako. Punyeta. Natapos na rin s'ya, hinawakan ko ang kamay nito at dahan-dahan pinapunta sa loob ng kwarto saka pinaupo sa kama habang ako naman ay nagtungo sa study table ko bago nagdrawing ng project iyong bakery store daw sabi ng teacher ko. Sa De La Salle university madaming magaganda at mayayamang estudyante ang nag-aaral don daig pa iyong mga nasa international student. Ngunit nagpapasalamat parin ako sa panginoon kasi nakapasok ako sa pinakasikat at malaking paaralan sa manila. Hindi ko akalain na mararating ko ito kahit na Bako gaano katalino gaya ng ibang lalaki. Pero kahit ganun nagsusumikap parin ako para sa sarili ko at sa aking pamilya kahit na palagi silang tama. “Matutulog kana ba?” biglang tanong niya kaya napabaling ang tingin ko. “Hindi. Mauna kana may tatapusin lang ako.” “Pero matutulog na ako e.” “Pakialam ko kong matutulog ka? May ipag-uutos kaba?” Hindi s'ya kumibo at humiga nalang sa kama. Binaling ko na din ang mga mata ko sa aking ginagawang proyekto. Bukas na pala ito ipapasa kaya dapat ready na sa lahat. Isang oras na'ko natapos at tumingin bigla sa orasan, pasado alas diyes na. Niligpit ko naman ang lahat ng mga kalat sa study table ko at natulog na din sa gilid ni Yanna. “Hayst! Nakakatamad matulog kapag ito katabi.” padabog na inis ko. Napasinghap muli ako ng magtagilid ito sa unahan ko. Bale nakikita ko ang maamo niyang mukha na ngayon ay mahimbing na natutulog. Napalunok pa ako lalo ng laway dahil sa kahit bulag ito maganda parin ang mukha niya, matangos na ilong, mapupungay na kilay at bibig nitong kulay pink. Hindi tuloy ako makapigil at umalis nalang, dito ako matutulog sa sala baka ano pang magawa ko sa babaeng iyon. — Nagising ako dahil sa may nakakapa sa abs ko kidding pero mayroon naman talaga anim ito. Masarap kapag ka may nutella ah yummy! “Ano ba?” inis ko. “Gising na, baka malate ka sa school mo.” aniya kaya napaupo ako bigla. “Paano ka naman nakakapunta dito sa sala huh?” Ngumiti ito “Iyong baston ko, nakakapit ako sa kaniya e tapos dinala niya ako sayo.” turan niya. Tumayo ako at nagtungo nalang sa banyo upang maligo. Alas singko palang ng umaga ginising niya agad ako? Tsk, grabe naman iyong babaeng iyon. “Kailangan fresh ako sa school para makita ko muli ang aking mga tropang gago.” tawa kong sabi at nagbuhos na ng maligamgam na tubig. 5 minutes natapos din, nagsuot ako ng kulay black na t-shirt at pantaloon na brown saka sapatos. Tumayo ako at nagsuklay ng buhok para naman perfect, madami kasing nagkakagusto sa'kin. I'm not assuming or kahit na ano man diyan basta pogi ako. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si Yanna na nakaupo lang sa sofa habang nag muni-muni. Ewan ko ba sa babaeng iyan. “Aalis na ako, dapat pagdating ko dito sa bahay may pagkain na. At kong wala lang talaga mag-kakaalaman na tayo.” saad ko at sinuot ang bag saka kinuha iyong illustration board na may proyekto ko bago lumabas. Hindi na ako nag tricyle pa dahil may motorcycle naman na ako. Saka sanay ako sa ganitong sasakyan, nakagigiliwan ko din ang mag-racing sa mga patimpalak na nagaganap sa aming lugar noong araw ng fiesta ag iba pa. 10 minutes narating ko ang del la salle university. Pinark ko ang aking motor at pumasok agad sa aking room, madami agad akong nakasalubong na mga babae panay tili lang ito at nakikilig sa tuwing dumadaan ako sa unahan nila. Pagkapihit ko ng doorknob sa aking classroom dami agad nakaabang tsk. “Zion, puwede papicture?” tanong ng isa. “Ako din Zion kahit pirma mo nalang dito sa journal ko.” “Tsk, ito akin Zion ilagay mo nalang name mo dito sa aking photocard please!” Nilakbangan ko nalang sila at umupo sa kong saan ang may magandang tanawin sa labas ng bintana. Ayoko ng babaeng desperada at papansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD