Ang sabi nila impossible raw na tao lang ang naninirahan sa mundong ibabaw. Maraming nag sasabi na totoo ang engkanto, aswang, mangkukulam at iba pa.
Marami rin ang hindi naniniwala...
Ang sabi nga nila life is full of mystery. Ang mga bagay na akala natin hindi totoo ay totoo pala. Ang mga bagay na akala natin totoo ay hindi pala...
“Hindi na dapat pang inalay sa ‘yo ang puso ko...” Ngumiti ako sa mga taong nakikinig. iba’t ibang emosyon ang naka ukit sa mga mata nila.
Ito ang palaging inaabangan ko. Ang reaction nila sa bawat linya na kinakanta ko. May nasasaktan. May natutuwa. May naiiyak. Memories keep flashing their mind habang kumakanta ako.
Napawi ang ngiti ko dahil sa isang lalaking naka upo sa dulo. Hindi maaninag ang mukha nito pero ramdam ko ang titig nito na tumatagos sa kaluluwa ko. Agad akong nilamon ng kaba pero hindi ko pwedeng ipakita iyon dito. Muli akong pumikit para ipag patuloy ang pag kanta.
Agad nag palakpakan ang mga tao sa paligid pag ka tapos kong kumanta. ramdam ko pa rin ang titig sa akin pero hindi ko na ito nilingon pa.
Dukutin ko iyang mata niya!
“You can't do that...” Halos mapatalon siya sa gulat dahil sa malamig na boses ang bumulong sa kanya.
Inikot ko ang paningin ko pero alam kong mag isa lang ako sa stage. Impossible! Inaantok na ba ako?
Pero hindi may narinig akong boses!
Nag madali akong bumaba sa stage saka niligpit ang gamit. Kailangan ko na umuwi at mag pahinga.
Nag paalam na ako at agad kinuha ang kita ko para sa gabing iyon. Medyo malaki ito kumpara kahapon. Bukod pa doon ang tip sa akin. Masarap ang uulamin ko bukas!
“Ang sarap!” Naka ngiti kong sigaw habang nginunguya ang pag kain ko.
kanin at adobong manok ito na may halong baboy. pinag sabay ko na para hindi na ako mahirapan kung ano ang uulamin ko parehong adobo lang naman ang gusto ko.
5 am pa lang ay gising na ako para mamalengke. Ito ang unang naisip kong ulam adobong manok o kaya ay baboy. Minsanan ko lang natitikman ang ganitong ulam, at uulamin ko ito hanggang mamaya. 1 pm pa naman ang trabaho ko pero kailangan kong gumising ng maaga para sa bracelet na gagawin ko masyado na kasing marami ang order na hindi ko gaano na papansin dahil sa sunod-sunod na trabaho.
Mabilis lang ang oras mabuti na lang agad akong natapos. Naligo at nag bihis na rin ako para sa trabaho ko ngayong araw.
Mabilis din akong nakarating sa munisipyo. Mag lilinis kami dito.
Tuwing sabado at linggo ang pahinga ng mga nag lilinis dito, ayon ang araw na nag hahanap sila ng ibang mag lilinis.
Ito ang unang beses na nag karoon ako ng pag kakataon na makasama sa kanila. Palaging may ibang raket na naka abang. Ang sabi nila malaki raw ang bigayan dito at mas malaki kapag andito mismo ang mayor.
Pumapasok ba iyon sa sabado at linggo? baka nag papasarap na iyon sa buhay niya...
“Maribel nabalitaan mo na ba? ang kabilang baryo raw ay pupunta rito upang mag evacuate!” Mahina ngunit pasigaw na sambit ni aling susan. Agad naman natigil sa pag pupunas si aling Maribel sa narinig.
“Oo narinig ko nga... Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan sabihin mo nga sa akin, sige...”
“Ang sabi sa mga naririnig ko dahil daw may aswang sa lugar nila!” Medyo napa lakas ang boses ni aling Maribel kaya agad niyang tinakpan ang sariling bibig.
Umikot ang mata ko. Aswang sa panahon ngayon? Mas naniniwala pa akong maraming nagugutom ngayon.
“Na aswang?” Napasimangot ako sa nag salita at sinagot ito.
“Syempre tao.” Marami naman talagang nagugutom na tao ngayon. Maraming mahihirap ang nagugutom.
Hinintay kong may mag salita ulit bago ko na realize na walang tao sa tabi o sa likod ko.
Na engkanto ba ako? Natawa ako sa sarili kong naiisip. Hindi ka naniniwala sa aswang pero sa engkanto, oo? Talaga lang heart...
Napatigil ako sa pag pupunas ng may narinig akong mahinang tawa. Mahina ito halatang pinipigilan pa.
Ano iyon? May ibang tao ba dito? Muli kong inikot ang paningin ko pero wala naman akong nakita.
Hindi kaya dahil ito sa pag papalipas ko? Ayan hindi kasi ako kumakain sa tamang oras, heart!
Bahala na. Kailangan ko ng pera, mas kailangan ko ata ngayon dahil nababaliw na ako.
Kawawa naman pala ako sa mental lang ang bagsak ko. Libre kaya pag kain don? Dito kaya meron? Sana naman meron nakakagutom kaya mag linis...
“Good afternoon!” Natigil ako sa pag iisip. Naka ngiti ang isang babaeng kakarating lang may mahabang buhok at naka salamin ito.
“May dala akong pag-kain. Kumain na muna kayo sabi ni mayor.” Tumingin ito sa akin at mas lalong lumawak ang ngiti niya.
Tinaasan ko ito ng kilay pero agad ko rin ibinaba, baka mamaya hindi ako pakainin nito. Mukhang wala lang naman iyon sa kanya dahil tumalikod lang ito at umalis.
“Narito pala si mayor. Malaki siguro ang bigayan nito!” Natutuwang saad ni mang alyas.
Agad naman silang nag silapitan sa mga pag kain kaya agad na rin akong nakisiksik. Mahirap na baka maubusan ako.
Pizza at soft drinks ang andon. Marami ito kaya impossibleng mag kulang pa. Titingnan ko nga mamaya kung makakapag sharon pa ako.
Saglit lang din ang naging break time namin agad kaming bumalik sa trabaho. Hanggang 6pm lang kami pwede rito.
Tahimik kaming naka upo sa harap ng mayor. Seryoso itong naka upo sa harap namin hawak ang sobreng may laman na pera.
Tiningnan niya ito at saka tinawag ang pangalan ni aling Susan sumunod naman si aling Maribel, mang Kanor at ang iba pa.
Bakit ang tagal naman akong tawagin? Meron kaya ako? Baka mamaya hindi ako nailista kanina!
“Please wait patiently...” Nag angat ng tingin sa akin si mayor. Napa awang ang labi ko. Mind reader ang atake ni accla!
“Sa mga hindi pa natatawag diyan. Please wait patiently...” Tumikhim ito at muling tinawag ang ibang kasamahan ko.
Hanggang sa ako na lang ang natirang naka upo wala na rin itong hawak na sobre. Teka, wala na... Ibig sabihin wala akong kikitain! Hindi pwede ang sakit ng buong katawan ko tapos wala akong bayad?
“Marissa.” Malamig nitong tawag. Agad namang lumapit ang babaeng nag bigay pag-kain sa amin kanina. Marissa pala ang pangalan niya. Ang ganda niya mukhang ang bata niya pa.
May secret affair siguro sila...
Ang sexy at ang hot nito. Impossibleng hindi siya naaakit sa babae... Ganyan naman iyang mga lalaki! Kahit nga siguro pinag palda ang poste papatusin nila!
“Ay apir!” Gulat kong sigaw dahil biglang malakas na tumalsik ang upuan pag ka tayo ni mayor.
Hindi naman siya mataba pero parang nasira niya ata ang upuan. Nalilito ko itong pinag masdan bago muli siyang tiningnan. Nahuli kong nakatitig ito sa akin bago tumalikod.
“Miss. Sumunod po kayo kay mayor sa office niya naiwan po kasi sa loob ang bayad sa inyo.” Talagang ang akin pa ang na iwan? ang malas ko naman kung ganon. What a day...
“Come in.” Nanayo ang balahibo ko sa sobrang lamig. Amoy na amoy ko ang bango ng office at ang pabango ni mayor.
“Here” Pinatong nito ang sobre sa lamesa. Nag mamadali naman akong lumapit dito para kunin.
May may pera na naman ako! Mamaya ko na ito bibilangan...
“Thank you, Mr. Mayor.” Ngumiti ako sa kanya na ngayon ay nakatitig sa akin. Agad nawala ang ngiti sa labi ko.
“Aalis na po ako.” Paalam ko dahil hindi naman ito nag sasalita naka tingin lang ito sa akin na walang kahit anong emosyon.
“Sumabay ka na sa akin, pauwi na rin ako” Agad itong tumayo at kinuha ang coat niya. Tumaas ang kilay ko.
“Thank you po pero nakakahiya naman!” Hindi naman talaga nakakahiya. Nakakatakot! Bakit ako sasama sa kanya? Ayoko sa tingin niya. Ganon ako tingnan ng ibang mga lalaki sa bar kung saan ako kumakanta.
“It’s okay. Don’t be shy. Para na rin makatipid ka.” Parang ang seryoso naman niya masyado kung minamanyak nga ako nito?
Sunod-sunod itong umubo. Nasamid pa ata sa sariling laway.
“Okay lang talaga kahit hindi na.” Itong si mayor talaga feeling close!
“Aalis na po ako. Salamat po!” Hindi ko na ito hinintay pang makasagot.
Nag mamadaling ako tumakbo para makahabol pa sa huling jeep. Baka mamaya wala na talaga akong masakyan! Masyadong mahal ang mag motor.
“Kuya meron pa?!” Halos maputol na ang ugat sa leeg ko dahil sa sigaw ko.
“Wala na ho at aalis na!” Ayan na nga nga ang sinasabi ko... wala na naman akong masasakyan.
Pahamak talaga ang mga lalaki na iyan!
Nakasimangot akong nag lalakad. Masakit na ang paa ko pero kailangan kong tiisin. Hinding hindi ako sasakay sa motor dahil ayokong mabawasan ang pera ko. Kung makasingil naman kasi ang mga ito parang binayaran ko lahat ng sakay sa jeep.
Iyong pera ibabayad ko gagamitin ko na lang para makapag pahinga ako bukas at hindi mag trabaho.
“Okay lang iyan, heart... Mag bubunga rin ang hirap mo. Makakapag aral ka ulit at magiging successful...” Mahinang bulong ko sa sarili...
Wala lang ito... Mamaya nasa bahay ka na... Sunod-sunod na pumatak ang luha ko kaya mas inalo ko ang sarili.
“Huwag ka na umiyak, bukas mag papahinga ka at hindi ka mag t-trabaho...” Pero kahit anong sabihin ko mas lalo lamang itong pumatak. Na upo ako sa gilid ng kalsada.
“Pagod na ako...” Pinilit kong hinaan ang iyak ko pero hindi ko na iyon napigilan. Malakas akong umiyak. Bahala na wala naman sigurong tao. Walang makakarinig.
“Tulong!” Agad akong napatayo at nag punas ng luha sa narinig. Panira ng moment...
“Tulongan mo ako!” Takot na takot ito habang tumatakbo palapit sa banda ko. Hawak nito ang leeg niyang umaagos ang dugo.
Kahit nanghihina ay pinilit kong mag lakad palapit sa kanya pero agad akong natigil nang bigla itong tumigil.
Nasa likod niya ang isang lalaking hindi ko gaano maaninag. Kinagat nito ang leeg ng lalaki hanggang sa mamutla ito.
Napahiyaw ako sa gulat. Kitang kita ko kung paano dinukot ang puso nito. Bumagsak ito sa sahig. Naka tayo ang isang lalaking naka labas ang pangil at pulang pula ang mga mata.
Itinapon nito ang puso saka ibinaling ang tingin sa kanya.
“Mukhang hindi lang iisa ang hapunan ko” Ngumisi at kitang kita ang pangil.
Mamaya ko na lang iisipin ko kung totoo ba ang nakikita ko! Kailangan kong tumakbo...
Agad akong tumalikod dito at mabilis na tumakbo. Narinig ko ang halakhak nito.
Halos hindi ko na maramdaman ang kaninang masakit na paa ko.