bc

SALAWAHAN KONG PUSO: SSPG

book_age18+
117
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
forbidden
family
HE
badboy
stepfather
single mother
bxg
gxg
witty
campus
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

"Kung dumating ba ako sa tamang panahon mamahalin mo ba ako?

"Hindi ko alam, Amber. Sa madaling salita ginamit lang kita para panandaliang aliw. Kaya umalis ka na't 'wag mong sirain ang buhay mo dahil alam mo kung anong kayang gawin ng asawa ko.

” Mga huling salita na tila punyal na tumatak sa puso ni Amber bago nilisan ang lugar kung saan naramdaman niya ang maling pag–ibig sa isang tao. Amber Rose Dollares, isang Half British– half filipina na lumaki sa Oslob Cebu. Sa likod ng maamong mukha'y may nakatagong hinanakit. At dahil single mom ang kanyang inang si Dina ay hirap sila sa buhay, kaya naman lumuwas siya ng Maynila upang maging working student kahit mahirap ay lumaban siya para sa kanyang pag–aaral.Namasukan siya bilang yaya ng apat na taong gulang na si Kristine Mae, anak ng amo niyang si Hunter Yap, isang business tycoon at Isang instructor sa criminology school.Sa paglipas ng panahon ay unti–unting nahuhulog ang loob niya kay Hunter at ganoon din ito sa kanya dahilan upang pagsaluhan nila ang mainit na gabi kahit alam niyang bawal ang kanilang pag–iibigan dahil may asawa si Hunter. Nilisan ni Amber ang lugar na 'yon at ginawa ang tama. Subalit sa kanyang pag–alis ay nagdadalang tao siya sa anak nila ni Hunter hanggang siya ay magsilang ng kambal. Mahirap man ay kinaya niyang mag–isang buhayin ang dalawang anak. Subalit pag lipas ng panahon naka tagpo siya ng lalaki na tumanggap sa kanya si Steven Cheng. Ngunit paano kong handa na siyang kalimutan ang nakaraan pero magpaglaro ang tadhana dahil konektado ito sa kanyang kasalukuyan.

chap-preview
Free preview
First Encounter
18+ only. Content may be inappropriate for younger readers. Reader discretion is advised due to mature themes and content. Prologue: " Maawa?" hilingin mo sa akin na maawa ako sa iyo?" Are you insane? Amber , isang tulad mong kabit ay dapat magdusa!" dapat sa tulad mo ay ubusin sa mundong ito. Hahaha!" Humalakhak na tawa ni Yette habang may hawak na baril. Nandito sa dalampasigan ng Sumilon Island sa Oslob kung saan ginanap ang pagdiriwang sa birthday ng kambal na anak ni Amber at Hunter, na sina Athena Lhovel at Harvey. "Please, Yette, maawa ka kahit sa mga anak ko na lang. Maliliit pa sila at ayaw kong mawalan sila ng ina," humahagulgul na iyak ni Amber habang nakaluhod sa buhanginan. "Sana inisip mo 'yan bago ka pumatol sa asawa ko!" Iniisip mo ba ang maramdaman ko? Ang maramdaman ng anak ko, huh!" Bullshit, Amber! Dapat kang mamatay ," galit na sigaw ni Yette sabay kalabit-biglang may sumingaw. " Ibaba mo 'yan, Yette. Pag -usapan natin ito ng maayos ," mahinahon na wika ni Hunter na lumalapit sa kanila ni Amber.. "Pag-usapan? Don't you dare na lapitan ang babae na 'yan! Kung magmatigas ka, puputok ang bungo ng malandi mong kabit! Ang kakapal ng mga mukha niyo, talagang nagkaanak ka pa sa putang babae na 'to!" tila d*monyong wika ni Yette. " Mommy, please, itigil mo na 'yan. Maawa ka kay Yaya Rose," umiiyak na wika ng anak ni Yette na Kerstin na nakatingin sa kanyang ina . " No! Umalis ka dito, Kerstin!" sigaw ni Yette nang makita niyang may mga parating na pulis. "Mommy , put that, gun away please," muling pakiusap ni Kerstin. "No! Hindi niyo alam ang naramdaman ko! Ang mag- isa sa buhay sa loob ng rehas. Habang ang babaeng ito ay nagpapakasaya . Dapat kang mamat- " hindi natapos ang sinabi ni Yette kasabay ng pag -alingaw-ngaw ng putok ng baril . "Amber!" sabay sigaw ni Steven at Hunter nang makita nilang bumulagta sa buhangin si Amber. "Mommy!" sigaw rin ni Kerstin nang umalingaw-ngaw din ang ikalawang putok bumulagta rin si Yette pagkatapos niyang binaril ang kanyang sarili . "No! Mommy , please, why did you do that? Please wake up," umiiyak na wika ni Kerstin habang yakap ang mommy niya. Nilapitan siya ng rescue team para dalhin sa ospital ang kanyang ina . Sa kabilang side, umiyak si Hunter habang karga si Amber patungo sa ambulance . "Honey, please, lumaban ka! Isipin mo ang mga anak natin, kailangan ka pa namin, pleassss!" Chapter:(1) Amber Rose: POV " Lola! Lola! Hindi pa po ba dumating si Mama?" tawag ko kay Lola Anne habang binababa ko ang batya na dala mula sa bayan na nagtitinda ng gulay na pananim ni Lola. " Ohh apo, nandiyan ka na pala," sabi ni Lola na kakalabas lang mula sa kusina na may dalang Tupperware na may laman na adobong talong. " Ano nga ulit ang tanong mo, apo? Diba sabi ko sa'yo, wag magsalita pag nasa malayo pa . Alam mo naman itong Lola mo , medyo bingi na." " Sabi ko po, hindi pa ba dumating si Mama? Magpaalam sana ako sa kanya , eh." " Bakit, magpa alam-saan ka pupunta?" tanong ni Mama mula sa likuran ko. " Mama, nandiyan na po pala kayo ," sabi ko sabay mano kay Mama. " Ano 'yung sinabi mong magpaalam, nak? May manliligaw ba sa'yo? Naku, big no ako diyan. Mag-iipon pa si Mama para makapag- aral ka sa college mo." "Mama naman, eh. Wala pong manliligaw sa akin. Tumawag kasi si Daisy Lhen kanina. Yung amo niya raw naghanap ng working student para maging yaya sa apat na taong gulang na batang babae at may allowance din po. Mama. Payagan niyo naman po ako, sayang din kasi. Mabait naman daw 'yung amo namin." " Pero anak, ang layo ng Manila. Hindi ka ba makapaghintay na makaipon si Mama? Bakit kailangan mo pang lumayo? Malungkot na, sabi ni Mama. Nilapitan ko si Mama at niyakap. "Hindi naman sa ganun, Mama, pero gusto ko na kasi makapag-aral na.Gusto ko na makatulong sa inyo ni Lola. Payagan niyo na ako, mag-iingat naman ako doon Mama, at saka naka Oo na po, kay Lhen. May ticket na po ako, Mama, please," malambing kong saad. Napa-buntong hininga si Mama at tumingin kay Lola. "Ano pa nga bang magawa ko? Kailan ang alis mo?" " Bukas ng umaga po, Mama, sunduin naman po ako ni Lhen sa airport." "O siya, sige. Ihatid kita sa airport bukas, basta ipangako mo sa akin anak ha, na mag-ingat ka lagi doon." " Salamat po, Mama," sabi ko sabay yakap kay Mama at kay Lola. " Amber Rose, apo, isa lang masabi ko sa'yo, magdasal ka lagi, apondahil ang tukso ay nasa paligid lang. Sa ganda mong iyan, alam kong maraming lalaki ang mahuhumaling sa 'yo. Kaya pag- ingatan mo ang bandira diyan sa baba na hindi mataniman ng muhon. Alam mo kung gaano kahirap maging ina," mahabang paalala sa akin ni Lola. " Okay po, Lola. Wag po kayo mag-alala. Wala pong makapasok dito , didikitan ko po ng Mighty Bond," natatawa kong saad kaya kurot ni Lola ang singit ko. " Aray ko naman po, Lola! Sakit non!" reklamo ko pa. " Hali na kayo, kumain na tayo at magka-empake na kayo. Sabi ni Lola at nagtungo sa kusina para maghain ng kanin. Pagkatapos naming kumain , agad kaming nag -empake ni Mama. Yung mga damit ko lang na pwede pang mailakad ang dinala. Pagkatapos non, agad din kaming natulog ni Mama. Kinabukasan , alas tres palang ng umaga, gising na kami ni Mama, nagha-handa para sa aming pag-alis. " Tao po! Tiyang Dina!" tawag ng pinsan kong si Jason na kinausap ni Mama kagabi para maghatid sa amin sa bayan. " Ohh Jason, tamang-tama ang dating mo. Naka- handa na kami, halika, pasok ka muna, magkape ka para hindi malamigan 'yang tiyan mo ," yaya ni Mama kay Jason. " Wag na po, Tiyang. Nakapagkape na po ako sa bahay. Hali na po kayo at baka maiwan po kayo ng bus, malayo po ang byahe niyo." Agad kaming nagpaalam ni Lola at sumakay agad sa motor. Forty minutes lang ay nakarating na kami sa bayan. "Bound to Cebu City, dalawa na lang po kulang," sigaw ng isang dispatcher ng bus. Kaya dali-dali kaming lumapit ni Mama . " Kuya, kami po!" sigaw ko. "Sige na, eneng, sakay na kayo at makaalis na tayo. Umakyat kami ni Mama sa bus at tamang-tama, magkatabi kami ni Mama . Hindi nagtagal, nagsimula nang umusad ang bus . Habang nasa biyahe kami ni Mama, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakahilig ako sa balikat niya. Lumipas ang apat na oras ay nagising ako sa mahinang. pag tapik ni Mama sa aking balikat. " Anak, gumising ka na. Bababa na tayo ," wika ni Mama kaya napa-dilat ako. Sumalubong sa akin ang halo- halong amoy. May diesel ng mga bus, pawis ng mga tao, at ang init ng sikat ng araw na nagpapalala sa lahat. Tapos may mga nagtitinda ng pagkain na nagpapakalat ng amoy ng balot at iba pang street food. At siyempre, may mga bahagi na parang hindi masyadong malinis, kaya may mga amoy na hindi ko naman talaga gusto. Pero sa kabila ng lahat, excited na akong makasakay ng eroplano. " Mama, nagugutom na po ako! Pwede po bang kumain muna tayo?" "Sige, nak . May dalang baon si Mama, dito na lang tayo kumain sa waiting area. Mahal kasi ang pagkain dito, nak. 'Yung pera ko , pamasahe na lang natin. Pasensya ka na, anak, ha." " Si Mama talaga! Hihingi pa ng pasensya. Okay lang 'yan, Mama. Promise ko po, pagbalik ko dito sa Cebu , hindi na natin kailangan magbaon. Kakain na po tayo diyan. Kita mo 'yan, Mama?"Papasok tayo sa Chinese restaurant at kakainin natin ang lahat ng masarap na pagkain diyan ," sabi ko kay Mama . "Ikaw, talagang bata ka. O siya, sige na. Baka maiwan ka pa ng eroplano traffic pa pa puntang Lapu -Lapu. Malayo pa ' yon." Kumain na kami ni Mama at hindi namin inintindi ang mga taong nakatingin sa amin. Ang importante, makaraos kami sa gutom. Pagkatapos naming kumain ni Mama, agad kaming sumakay ng taxi papuntang airport. Isang oras lang ng biyahe, nakarating agad kami ni Mama. Sinamahan niya muna ako hanggang sa tawagin na ang flight details ko. "Good morning, ladies and gentlemen. This is the pre-departure announcement for Philippine Airlines flight PR 1234 from Cebu to Manila. We are now boarding all passengers on this flight. Please proceed to Gate 17, where our friendly crew will assist you with the boarding process. Make sure to have your boarding pass and identification ready. We will be departing shortly, and we appreciate your promptness in boarding the aircraft. Thank you for choosing Philippine Airlines, and we look forward to serving you on board." Rinig kong wika sa speaker kaya napa-tingin ako sa flight details ko. Mama , pumasok na daw sa boarding. "Sige na , anak. Mag- ingat ka doon ha. Huwag mong pabayaan ang sarili mo,. Umiyak na wika ni Mama sabay yakap sa akin. "Ikaw rin , Mama. Mag-ingat kayo," sabi ko sabay kalas sa pagyakap mula kay Mama. Nagpunta na ako sa boarding area, naglalakad ako na parang naka-lutang. Hindi ko alam ang naramdaman ko; kinakabahan ako at the same time excited. Nagpatuloy ako sa pag lakad. Pagkatapos kong ibigay lahat ng flight details ko sa isang crew, pinapasok na ako sa eroplano . Namangha ako sa ganda ng loob kaya panay ang paglingon -lingon ko. Ng biglang-Aray ko!" daing ko ng may na bangga akong matigas na bagay at may yogurt na tumapon pa sa dibdib ko. "O s**t!" "Miss, tumingin ka naman sa dina-anan mo!" Tila galit na sabi ni kuya. Pero wait , bakit ang gwapo niya? Yung balat niya ang kinis, parang si Peppa pig nag-pink-pink at ang taas ng elong niya. " Hoy, miss, okay ka lang ba?" wika nito sabay tapik sa balikat ko kaya napa-balik ako sa tamang pag-iisip. " O-okay lang po ako, kuya, pero yong damit ko na basa po ng yogurt niyo. Ang careless niyo naman po humawak." At ako pa talaga ang may kasalanan! " Ikaw tong bumangga sa akin, magpalit ka ng damit mo!" "Miss, samahan mo ito magpalit ng damit ," tawag nito sa isang flight attendant. "Ang sungit naman non," irap ko. " Ma'am, dito po tayo," yaya sa akin ng isang magandang babae kaya sumunod agad ako para makabihis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook