Chapter 6

1139 Words
KARI's POV "See, it was just a waste of time, puros bolahan lang ang nangyari." sabi nito sa akin. Katatapos lang kasi ng meeting niya kay Ms. Arnie, obvious naman kasi na may pagkaflirt yung babaeng yon habang nakikipagusap. Kahit ako naiirita sa mga pinagsasasabi... Pero ang galing ni bakulaw ha, akala ko talaga kanina ay natutuwa ito sa ginagawa ni Ms. Arnie. Hmmm.... what if asarin ko din kaya sya? "Ows? Eh parang saya mo nga eh." sabi ko dito sabay smirk. Tinapunan lang ako ng tingin nito at nagpatuloy sa pagdadrive. Papunta naman kami ngayon sa BGC para imeet yung sa Wedding expo. Wow, himala hindi ako pinatulan.. "Well... Madali naman akong kausap, she can just simply ask me to go on a date with her.... I don't mix business with pleasure." sabi nito with matching pagkindat pa. Tsk! So type niya rin pala... playgirl! "I'm sure naman na you won't tell it to Stef, just in case." sabi pa nito. Aba, at mukhang gagawin pa akong accessory to the crime nito ah! Tinaasan ko lang ito ng kilay at tumingin sa labas.... "tsk! Playgirl!" "Hahaha! I heard you. " narinig kong tumawa ito kaya napatingin ako bigla. "You really think type ko yun?" tanong nito. "Bakit, pretty naman si Ms. Arnie ah." sagot ko dito. "Well,  yeah...pero really not my type...ikaw? type mo?" tanong nito habang nakangiti ng nakakaloko. Tinaasan ko ulit ito ng kilay.... may gaydar ba ito at  naramdaman na bisexual ako?? "What? I'm just asking?" sabi nito. "May boyfriend ako." tipid na sagot ko. "And So?type lang naman eh... unless you want something  more... hahaha!" pangaasar nito. "No, hindi ko siya type...ayoko sa mga babaeng maarte." sabi ko dito. "Hmmm... so tama pala ako, you're also into girls?" "Noon yun, hindi na ngayon," sagot ko dito habang nakatingin sa daan. FLYNN's POV Inaasar ko lang naman talaga si Kari, pero I never thought na aamin ito. So,  she's a bisexual na ngayon ay nagpapakastraight na dahil sa bf niya. Hmmm... i don't know pero parang natuwa pa ako sa nalaman ko? Nangingiti pa nga ako habang nagdadrive, na napansin naman nito. "Anong nginingiti ngiti mo dyan?" mataray na tanong nito. Sinulyapan ko lang ito at ngumisi ng nakakaloko. "Wala naman, masama ba?" "Oo, mukha ka kasing ewan." sagot nito sabay irap. "Hahaha... lagi ka nalang galit, sige ka magmumukha kang matanda, baka hiwalayan ka pa ng bf mo.. hahaha!" "Napaka asar mo kasi, kung di lang kita boss, naku!"sabi nito at naiiling pa. "Saka FYI lang po, we've been together for 6 long years, kaya parang impossible yang sinasabi mo." mataray na sagot nito. "Hahaha! Kung hindi,  ano gagawin mo?You'll kiss me? Hahaha!" patuloy na pangiinis ko dito. Hahaha! I'm really enjoying teasing this girl. "Kiss? hahaha! Syempre hindi... hindi mo ko katulad no." "I didn't kiss you as far as I remember...so, akala mo pala I will kiss you that time?Ikaw ha! Type mo ko no? Hahaha!" "Ikaw? Type ko? Hahaha! Never! ayoko sa mga babaeng bakulaw kung kumain, at higit sa lahat, bully! And please lang, kuntento na ko sa boyfriend ko." Hmmm... we'll see...hahaha! "Talaga?" at unti unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya. "Yes." sagot nito, pero  nakaiwas ang mukha. "Are you sure?" at iniharap ko ang mukha nito sa akin at pinakatitigan sa kanyang mga mata. Hindi naman ito nagpatalo at sinalubong ang aking tingin... Naagaw naman ng kanyang mapupulang labi ang aking pansin.... unti unting naglapit ang aming mga mukha. Bigla naman  akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa aking dibdib... Beep! Beep! Beep! Beep! Naghiwalay kami bigla dahil sa bumusina.. F*ck  GO signal na pala ang traffic light. "Sh*t!" nasabi ko nalang at pinaandar ang sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin ay walang naglakas ng loob na magsasalita. Tsk! Di ko alam ano pumasok sa isip ko at muntik ko ng  ituloy  yung paghalik ko sa kanya. "Ahmm... we're here." sabi ko dito at nauna na akong lumabas ng sasakyan at naglakad papunta ng restaurant. Paglingon ko ay nakita ko naman itong nakasunod sa akin pero medyo malayo pa kaya hinintay ko na. "Wala na bang ibibilis yang lakad mo?" tanong ko dito. . Inirapan lang ako nito at nagpatiuna na sa paglakad. "Hahaha! Wow ha, ikaw na hinintay, ikaw pa nangiwan... hanep!" sabi ko dito at sinabayan sa paglalakad. Pero hindi ito nagsalita man lamang. "Napipi ka na? hindi mo naman siguro nalunok yung dila mo right? Hahaha!" sabi ko dito at nauna  ng pumasok sa restaurant, narinig ko pang tinawag ako nitong "manyak na bakulaw". Hahaha! Natatawa  nalang ako sa sinabi nito. Saglit lang naman ang naging paguusap namin ng Head ng Wedding expo., maayos at walang paligoy ligoy kausap ito kaya nagclosed deal agad kami at ang sales and marketing na ang bahala sa mga susunod na process. 3pm palang at ayoko ng bumalik sa opisina kaya naisipan kong yayain lumabas si Stef. Nandito pa kami sa parking area... "Hon, sige na, I miss you so much, please."paglalambing ko dito habang kausap ko sa cellphone. Samantalang si  Kari naman ay busy sa pagpindot sa kanyang cellphone. "Ok, ok... I understand Hon, sige. bye, love you too."  paalam ko dito. Tsk! Mukhang this past few days busy busyhan si Stef ah. Narinig ko naman na napabuntonghininga itong katabi ko. "Any problem?" "Ha?" "Ang lalim kasi ng hugot mo eh, so I guess baka may problem." sagot ko dito at inistart ko na ang sasakyan saka tumingin ulit dito. "I'm okay, wala akong problema, aside sa pagiging manyak mo." sabi nito at inirapan na naman ako. "Hahaha! still not over with that? Di naman natuloy diba? disappointed? Hahaha!" Sinamaan lang ako ng tingin nito. "Hahaha, ok ok, im sorry about that." sabi ko nalang dito dahil mukhang galit na talaga. "Can you come with me sa coffee shop ko? Ichecheck ko lang then I can drop you off to your house " "Paano kung ayoko?" "Hmmm... ok lang pero half day lang rate mo, it's only 3pm." poker face kong sagot dito. Kitang kita ko naman na gigil na gigil na ito at nagtitimpi lang... gustong kong matawa sana kaso hindi magmunukhabg seryoso ang sinasabi ko, kaya pilit ko itong pinigilan. "Fine! Wala naman po pala akong choice, Ms. Flynn." sabi nito at binigyan diin pa ang pangalan ko. Nagkibit balikat lang ako, pero talagang tawang tawa na ko sa reaksyon nito. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD