Chapter 7

1184 Words
FLYNN's POV Along BGC lang din naman ang coffee shop ko kaya saglit lang ay nakarating na kami. "Lets go" yaya ko dito sa katabi ko na mula pa kanina ay busy masyado sa pagpindot sa cellphone niya. "Good afternoon Ma'am" bati ni Mang Roger, 'yung security guard. Tinanguan at nginitian ko ito. Pagpasok namin ay sinalubong agad ako ni Cliff. "Hey! Long time no see Dude!" at inakbayan ako pero ang mga mata ay kay Kari nakatingin. "Back off Dude! Secretary ko yan" babala ko dito sa chickboy na 'to. "Kari, this is Cliff my best friend, Dude this is Kari." "Pleasure to meet you Kari" nakipag shake hands pa itong mokong na 'to. "Same here" nakangiting sagot naman nitong isa. Tsk! Bakit ba para pa kong naiinis? Pakielam ko sa inyo. "Coffee or frappe?" baling ko kay Kari. "Frappe nalang" sagot nito. "Okay, Dude , one caramel macchiato and one mocha frappe, paki padala sa office ko, thanks." "Sure Dude!" sagot ni Cliff at nakita ko pang kinindatan nito si Kari. Pagtingin ko naman dito ay nakangiti. Aba, at mukhang type din si Cliff ah. "Lets go to my office" yaya ko dito...Pagpasok namin sa loob ay binuksan ko agad ang computer ko para icheck ang sales at ng makaalis na agad."Have a seat, may gagawin lang ako." Naupo naman ito sa may couch na nasa gilid ng table ko at nagpipindot nanaman sa celfone niya. Seriously? Ang tiyaga niyang mag-text, eh ako nga tawag lang ang alam kong gawin sa cellphone Hindi ko maiwasan hindi mapasulyap dito sa pagitan ng aking ginagawa, pano ba naman ay panay ang buntonghininga nito. Sakto naman na napatingin din ito.. "Are you really ok?" tanong ko dito. "Yes, bakit po ba kanina pa kayo nagtatanong Ms. Flynn?" Aba't may pagkasarcastic pa ang dating ng nitong babaeng to... siya na nga inaalala! Tsk! "I heard you sighed many times, kaya kita tinatanong if may problem ba." Umiwas ito ng tingin... at umiling. "Come on, you can try me, I will listen" sabi ko dito, at sincere ako dun ha. Mayamaya lang ay ipinasok na ng waiter yung pinagawa kong coffee and frappe. Tumayo ako para iabot dito yung frappe... "Here, it might help you to feel better." "Thanks" mahinang sagot nito. Tingin ko ay may problema talaga ito kaya panay ang buntong hininga. "Saglit nalang 'to, I can drive you home after this" sabi ko dito. " 'Wag nalang po, puwede naman akong magtaxi" sagot nito. "I insist, hindi kita puwedeng hayaan na umuwing magisa, lalo na you seems to have a problem, baka anga-anga ka nanaman" sabi ko dito sabay smirk. "Wala nga po akong problema at higit sa lahat hindi ako tanga" sabi nito sabay irap. "Whatever!" at nagkibit balikat nalang ako. KARI's POV Infairness sa coffee shop ni Ms. Flynn, maganda ito, at talagang may pagkasosyal ang pagkakagawa mukhang medyo malayo sa personality niya.... tingin ko kasi dito ay cowboy... walang kaartehan... bully nga lang.. tsk! And that guy Cliff is really good looking, chic magnet, but not my type, natutuwa lang ako sa lakas ng dating nito. I wonder hindi kaya ito nagkagusto kay Ms. Flynn ever? Kasi kami ni Nico, we're best friends since highschool then turned lovers nung college, nagka-developan lang.I used to have a girl friend nung high school. Speaking of Nico, kaya kanina pa panay ang buntong hininga ko dahil dito... It's our 6th year anniversary, pero hindi daw kami makakapagcelebrate dahil may mga deadlines daw sila na kailangan tapusin... isang IT specialist ito. Next week nalang daw kami mag-celebrate, kapag wala na siyang gaanong trabaho. Hay... naiintindihan ko naman siya, pero not the typical Nico na nakilala ko, at first time nangyari ito. Dati kasi kahit gaano siya ka busy, he make sure na lagi siyang may time sa akin, tapos ngayon anniversary pa namin saka niya sasabihin na busy siya? At napabuntonghininga na naman ako...na napansin na naman nitong bakulaw na to. "Yaan ba ang walang problema? Yan ba ang walang iniisip? Come on tell me, what's bothering you? Maybe I could be of help" sunod sunod na tanong nito. I can see sincerity in her eyes, at na-touch ako dun, hindi lang pala pangbubully ang alam gawin nito. "Thank you, pero I dont think you can help me" mahinahong sagot ko dito. "Oh yeah, maybe its about your boyfriend kaya I really can't help you." "Actually, yes" sagot ko dito. "I see" at tumango tango ito. . Pero sa kagustuhan kong gumaan ang pakiramdam ko at may masabihan manlang ng dinadala ko, Naisipan ko na rin ikwento. "6th year anniversary kasi namin ngayon, kaso he texted me na, we can't celebrate it today dahil busy siya masyado sa work, naiintindhan ko naman, kaso ngayon lang nangyari to sa 6 na taon namin na relasyon namin" kwento ko dito. "Hmmm... I see... kaya pala panay ang hugot mo... anyway... nakakapagtampo nga, pero there's nothing you can do about it, trabaho 'yon." "Yeah, kaya nga mas nakakalungkot eh." "Hey , come on, cheer up, wag ka ng magemote dyan, celebrate it with me instead"natatawang sabi nito. Nagtataka naman akong tumingin dito. "Anniversary kasi ng bar ng cousin ko tonight, baka gusto mo kong samahan.. malibang ka manlang" seryosong sabi nito. Hmmmm... is this a date?Assumera ng taon lang ang peg ko... pero bakit nga ba hindi ko i-try, kesa naman magmukmok ako mamyang gabi. "Are you sure ok lang na sumama ako?" tanong ko dito. "Duh! Kaya nga kita ini-invite diba? Ano? natanga nanaman?" Pinaningkitan ko ito ng mata... Lecheng 'to, bipolar, kanina ang bait ngayon walanghiya nanaman! "Hahaha.. sorry, sorry kasi naman nagtatanong pa... so pano, it's a date... sunduin kita sa inyo ng 8pm." "Oo na, bakulaw! Hahaha!" natatawa kong sagot dito. "Isa pang beses na marinig ko na tawagin mo ko niyan, I'll punish you I swear hindi mo magugustuhan" sabi nito at nagsmirk pa. Nagpeace sign nalang ako dito.... at nginitian siya. Ng matapos yung ginagawa niya ay inihatid na ko nito sa bahay namin. "Thanks, gusto mong pumasok muna. Water, juice?" alok ko dito. "Nah! Thanks, next time nalang, para makapagrest ka pa... Basta, 8pm sharp, Don't be late, or else you're dead" sabi nito sabay smirk. "Oo na Bak...Ms. Flynn" muntik na ah. "Hahaha! Call me Flynn, wala naman tayo sa work... here, save your no." at iniabot nito yung fone niya. "Para san?" "Duh! You're my secretary, I should really have your no. in the first place, para mabilis kitang macontact just in case na may iuutos ako sayo" "Oh, ok." at iniligay ko yung no. ko at ibinalik na sa kanya. Nagmissed call ito sa akin. "Save my no. and please, I hate texting so better call me nalang if ever." Aba! Demanding ka pang bakulaw ka! Nagpaalam na ko dito saka kumabas ng sasakyan. Beep! Beep! Tsk! Anu naman nakalimutan nito!? Nagbaba ito ng window sa passengers side.. "Wear something sexy!" sabay kindat at lip bite pa. "Bakulaw na manyak!" sigaw ko dito. "Hahaha! See you later." at umalis na ito. Hmmmm... Infairness, ang hot niya dun. ***********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD