Hindi ko na mahanap si kuya na bumangga sa akin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Basta ang alam ko lang ay matangkad s'ya, hindi naman ganoon kaputi at 'yung pabango n'ya familiar. Hindi ko matukoy kung naamoy ko na ba iyon dati. Pero parang oo? Naamoy ko na 'yon eh. Hindi ko la'ng maisip kung saan.
Hindi na lang ako tumuloy na pumunta sa tabing dagat. Masyado rin madaming tao. Baka nandoon na ang mga Beasif University. Madami dami rin sila ah? Ang Boracay talaga ang pinakasikat na puntahan dito sa amin.
Bumalik na ako kung nasaan kami. Tapos na rin kumuha ng larawan sina Jam at Iana. Gising na rin si Dave at Nicki kaya sila naman ang nag picture. Matapos iyon ay kumuha kami ng larawan naming pito para raw masaya.
11:56 AM na nang matapos ang lahat. Magtatanghalian na at medyo masakit na rin ang sikat ng araw sa pagdampi nito sa aming mga balat. Kailangan ko na atang maglagay ng sunblock para hindi ako mangitim.
"Stacy can you put some sunblock on my back? Baka kasi mangitim ako sa likod eh. Don't worry ako na maglalagay dito sa harap. 'yung likod talaga ang problema ko sa paglalagay." With explanation na favor ko kay Stacy. Lagi na lang na likod ang problema ko pag nag lalagay ako ng sunblock.
"Yea, sure no problem. Can you put some on my back too?" Sabi n'ya.
"Oo naman, ikaw pa?" Sagot ko pabalik.
Nilagyan n'ya na ng sunblock ko. Matapos niyon ay nilagyan ko rin ang libkod nya, para parehas kaming may sunblock sa likod. Naglagay na rin ako sa harap ko, para hindi la'ng yung likod ang may proteksyon, syempre pati dapat 'yung harap. Para fair.
It's already 12:30 PM nang matapos akong maglagay ng lotion or sunblock sa katawan ko ganon na rin si Stacy, si Cath naman ay hindi ko alam kung saang lupalop ng Boracay napunta, pero ang alam ko narito la'ng 'yon. Siguro uuwi 'yon dito maya maya.
Bago ko makalimutan itong Boracay ay isang resort lamang, hindi ang Boracay na tinutukoy n'yo or iniisip n'yo. Meron 'tong madaming swimming pool depende sa nirentahan nyo. Ang amin or sa 'yung sa mga taga school namin ay mayroong tatlong pool. Dahil medyo madami dami kami. Mayroon dito na apat na pwedeng rentahan. Meron din ditong isang dagat. At maganda ang tanawin syempre. Ang mga rentahan dito ay may 20 metro ang layo sa dagat. 20-50 metro. 'di ba malayo, para raw hindi masyadong exposed sa dagat.
12:40 PM na nang bumalik sa Cath sa tent namin. Saktong kakain na kami. Siguro may chicka na naman itong dala kaya ayon panay ang ngiti habang naglalakad. Hindi ko alam kung saang lupalop 'to galing at grabehan ang ngiti mga dzai.
"Hi, saan ka galing Cathkitkat?" Tanong ko. Syempre gusto ko rin ng chicka. HAHAHAHAHA.
"Sa kabilang rentahan. At may chicka ako." Ayts, 'di ba tama ang hula ko? May chicka na naman 'tong girl na 'to.
"Spill it babes." Sabi naman ni stacy, habang nag aabot ng maiinom kay Cath.
"So, ayon. 'di ba sabi ko sa inyo kahapon na may mga taga Beasif University dito. Sa kabilang rentahan nandoon sila. Most of them ay boys, pero may mga girls din. At ang gagwapo mga girls! Aaaargh, may mga naging friends nga ako doon kaso mga girls. 'yon la'ng naman kaya natagalan ako." Medyo mahabang kwento ni Cath. Alam ko na nandito ang mga taga Beasif, Kasi sila ata 'yung nakabunggo sa akin kanina noong papunta ako sa may tabing dagat.