DECEPTION ENTRY # 10 " Sigurado ka bang nandito siya ngayon Lean? Maghiwa-hiwalay kaya tayo para mas mabilis nating siyang mahanap. Sa takbo ng utak niya ngayon at sa batang dinadala niya maaari siyang mapahamak. " punu ng pagkatarantang sabi sa akin ni Chesca. Nilingon ko siya sa aking likuran kung saan nakaakbay ang kanyang kapatid na inaalo alo siya. Napadako ang mga mata ko kay Kuya Xander na kanina pa tahimik. Sa totoo lang dapat hindi siya kasama dahil sa kalagayan ni Jas na nasa ospital pero pinasama siya ng babaeng iyon. And her reason dahil nag aalala din siyang baka mapaano si Emilie.. I cant believe that woman.. talagang imbis na magalit pa siya dahil sa kasinungalingan na inimbento ni Em para magkasira sila ni Kuya.. inunawa pa niya.. naunawaan pa niya ang kalokohan

