DECEPTION ENTRY # 11 Wala sa sariling pinunasan ko ang aking mga luha na kitang kita ko sa harap ng salamin. Mugtong mugto na iyon at magang maga ng dahil sa walang tigil kong pag iyak o mas tamang sabihin na pag iinarte ko sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, nilunok ko na ang lahat ng pride at hiya ko sa katawan.. nagmakaawa na ako, at lumuhod sa kanya pero tila balewala pa rin ang aking mga ginawa.. Kulang pa rin ba? Kulang pa ba ang mga arte ko, ang mga luhang inilabas ko at mga hikbi at iyak ko para kahit papaano mapansin naman niya ako?.. Shet!! Lahat ng mga alam ko sa kanya, lahat lahat ng mga bagay na naikwento niya sa akin tungkol sa kanyang asawa at anak nailabas at nagamit ko na pero wala pa rin.. dahil sa tuwing magtatama ang mga mata namin

