DECEPTION ENTRY # 12 Hindi ako makahinga. Yung buong katawan ko nanginginig sa takot.. Ipinikit ko ng pagkadiin diin ang aking mga mata, padiin na rin ng padiin ang pagsasalikop ng aking dalawang kamay habang nakaupo ako sa isa sa mga upuan dito sa labas ng Emergency Room. Hindi ko maalis sa aking isipan ang tagpong dinatnan ko sa loob ng banyo ng aking condo.. paulit ulit na lang na nangyayari sa akin ang ganito.. yung una si Jas.. nung magtangka siyang magpakamatay.. ngayon naman si Emilie.. Natatakot ako.. dahil pakiramdam ko ng buhatin ko siya kanina.. hindi na maililigtas ni Chesca ang bata.. ang anak ni Emilie.. ang daming dugo.. ang dami daming dugo.. Hindi ko na alam ang mga nangyari kanina.. para akong nasa isang limbo pero hindi maalis sa aking isipan ang itsura niya n

