Stela Gomes Kabado ang pakiramdam ko ngayon. Sabagay sa tuwing kasama ko naman ang lalaking to'y nagkakaganito ako. Habang nandito ako sa kotse at nakatingin siya sa akin, hinihintay niya ang pakikiusap kong hindi ko naman alam kung paano sisimulan. “Magsalita ka na dahil bibigyan lang kita ng oras na kumbinsihin akong mapalaya si Andreza sa parusa ko hanggang sa makarating tayo sa bahay n’yo. Hindi ako tanga at alam kong kinausap ka na niya’t hinilingan na gawin ito,” walang paligoy-ligoy niyang saad sa malamig at seryoso na paraan. “Walang hiniling sa akin si Andreza, nagkwento lang siya tungkol sa ginawa mo, I felt bad about it. Alam kong nasa ganitong sitwasyon ang kaibigan ko dahil hindi mo nagustuhan na dinala niya ako sa club na iyon.” “Huwag mo akong tangkaing lokohin, darli

