Stela Gomes Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nasa likod ko si Ivan at hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Naglalakad ako papunta sa gitna ng kwarto, ganap na namangha. Ang malaking kama ay puno ng mga rose petals, sa katunayan, ang buong silid ay may mga petals na nakakalat sa sahig. Not to mention the rose arrangements sa ibabaw ng furniture. Napakaganda talaga ng lahat. Pagbalik ko para tawagan si Ivan, nakita ko siyang nakaluhod, nakatingin sa akin at may hawak na itim na velvet box na may magandang diamond ring sa loob. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at itinakip ko ang aking mga kamay sa aking bibig, pilit pinipigilan ang mga luha. “Sa pagkakataong ito ay hindi mo na ito maalis sa iyong daliri. Patawarin mo ako sa lahat, mahal ko.” "Gusto kong magsimulang

