Ivan Smith Papasok na sana ako sa meeting ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong isa sa mga security guard ni Stela ang tumatawag at agad akong kinutuban ng masama. Sa sandaling sumagot ako ay sinabi niya, “Boss, may problema kami, nawawala si Miss Stela.” Nang marinig ko ang sinabi niya ay napaupo ako sa sobrang bigat ng balitang natanggap ko. “Ano ang ibig mong sabihin na nawala siya? Walang nawawala ng ganun-ganun lang. Binayaran kita na tumayo sa likod na parang anino niya!” sabi ko, puno ng galit. “Sorry boss, umalis siya kaninang umaga patungong mall at nagpunta sa women’s bathroom. Hindi naman na ho kami pwedeng pumasok doon. Pero nang magtagal siya ay pumasok kami sa loob pero wala na ho siya doon at ang nakita lang namin ay ang bag na pinaglagyan niya ng mga damit

