Angela (Three years ago) Wala na ngang nakapigil kila Mommy at Daddy na dalhin ako sa Maynila. Ito ay para mailayo nila ako kay Mico at upang maalagaan din namin ang pinsan ko na lalo lamang lumalala ang kalagayan. Tumira kami sa katabing bahay nila Tita Aileen. Maliit ito kumpara sa malamansyong bahay namin sa Bacolod. Malungkot kong inaayos ang mga damit ko sa lumang cabinet sa aking kwarto. Pakiramdam ko ay habang buhay na akong nakakulong dito! Hindi ako makahinga! Hindi ako masaya! "Bilisan mo na ang pagaayos. Dadalawin natin si Angel sa ospital." Di ko namalayang pumasok si Mommy sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako. Hindi ko sya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng aking mga gamit. "Sana naman ay kalimutan mo na ang lalaking iyon. Maghanda ka lang, dahil masa

