Angela Hindi ko na nga pinansin pa si Migz nang habulin nya kami ni Iggy. Dere derecho kaming sumakay ng taxi. Binanggit pa nya sa akin kung saan sya nag-aaral dito sa Iceland. Feeling naman nya ay pupuntahan ko pa sya? Naiinis ako sa mga nangyari kanina! Tss! Naiinis ako sa kanya! Pinaniwala nya ang anak ko na sya ang Daddy nya. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Iggy at hinahanap ang Daddy nya. Hinahanap sya ng anak -- namin! "D-Daddy?" Iyak nito Pinatahan ko ang anak ko at inihilig ko ang kanyang ulo sa aking dibdib. Hinimas himas ko ang kanyang ulo at inalayan ko pa sya ng mumunting halik sa noo. Hanggang sa nakatulog sya habang pauwe kami ng bahay. Pagdating sa bahay... Napabuntong hininga ako. Nagsinungaling muli ako kay Migz. Pinaniwala ko sya na may asawa ako. Inila

