Migz Nagtungo ang buong pamilya namin sa isang beach resort sa Batanggas para sa isang masayang bakasyon. "Kuya Jordan, isasama ko ang girlfriend ko ha." Pagpapaalam ko sa kanya "Oh sure! Welcome naman palagi si Angel sa atin. Este si Angela pala. Ano ba yan nalilito na ako. My ghad!" Wika nya Napahagikgik ako sa mga sinabi nya. Masayang masaya ako dahil tanggap ng buong pamilya ko ang relasyon namin ni Angela. Si kuya Jordan ang sumagot lahat ng gastos para sa bakasyon na ito. Treat nya daw kahit hindi sya nanalo sa sinalihan nyang contest. Syempre isang masayang bakasyon ito dahil kumpleto kami. Maingay! Magulo at puno ng harutan ang eksena sa loob ng mini bus na sponsor naman ni Kuya Brent na boyfriend ni Ate Liza. Magkatabi kami ni Angela at masaya lang namin na pinapano

