Migz Wala na nga siguro akong hihilingin pa sa aking buhay. Mula pagkabata ay diniligan ako ng pagmamahal ng aking pamilya. Mayroon kaming isang ina na lubos ang pag-aalaga at pagmamahal sa aming lahat kahit pa siguro magkaroon na rin kami ng sarili naming pamilya. Mayroon din kaming isang ama na hindi man namin kadugo ay labis din ang pagmamahal ang ibinigay sa amin. Itinuring nya kaming mga tunay na anak at nagbibigay sya parati ng payo para sa amin na mistula bang sya ang tunay naming ama. Naalala ko noon na hinahangaan ko si Papa Edz dahil sa walang kapantay nyang pagmamahal para sa amin. Sabi ko sa aking sarili ay sya ang tutularan ko kapag nagkaroon na rin ako ng sarili kong pamilya. Naging maswerte din ako dahil mayroon akong mga kapatid na syang nagbigay kulay sa mundo ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


