Migz After the night na marinig ko ang mga sinabi ng misteryosong lalaki sa cellphone ni Angela ay ang dami nang pumasok sa utak ko. Ang daming tanong na gusto ko agad bigyan ng kasagutan pero napakahirap. Ako ba ang tinutukoy ng lalaki na iyon na sinasabi nyang mukhang nag-eenjoy na si Angela habang kasama nya? Pero bakit? Sino ba sya? At ano ang sinasabi nyang maghihiganti lang dapat si Angela? Gulong gulo na ako! Minabuti kong mag-obserba muna kay Angela. Ayoko munang ipaalam sa kanya ang mga nalaman ko kagabi. Mahal ko sya ngunit may mga bagay na nagpapagulo ng tahimik kong utak. Malalaman ko din ang itinatago sa akin ni Angela. Alam kong malalaman ko din ito balang araw, at kapag dumating ang araw na iyon ay sana matanggap ko ang lahat ng kanyang mga inililihim. Habang nak

