Migz Maraming nangyari sa buhay ko nitong mga nakalipas na taon. Maraming pagsubok ang pinagdaanan ng aming pamilya at dahil sa tulong ng Diyos ay napagtagumpayan namin ang lahat ng ito. Maraming masasakit na pangyayari ang nagbigay sa akin ng aral at tapang na magpatuloy sa aking buhay. Nag-aral muli ako ng Medisina upang maging isang ganap na Doctor. Pinagsasabay ko ang hilig ko sa pagpipinta habang ako ay nag-aaral. Pinagkakakitaan ko ang aking mga gawa para kahit paano ay may pangtustos ako sa aking pag-aaral. Pinopost ko sa iba't-ibang social media accounts ang aking mga nagawang painting at lubos na nakakataba ng puso sa tuwing makakatanggap ako ng magagandang komento tungkol sa aking mga ipinipinta. Minsan nga ay para akong baliw na nag-isip na may isang Michael Angelo ulit

