Angela Muling bumalik si Mico sa bahay ko. Ngunit sa pagbabalik nya ay marami na ang nagbago. Hindi na sya nagpatuloy ng pag-aaral mula nung masuspinde sya dati sa school namin. Halos iasa nya ang buhay nya sa kanyang lola. Noon, ayos lang sa akin kahit na tumambay sya, basta nasa tabi ko sya at masaya kaming dalawa ay ayos na. Ako na lang ang maghahanap buhay para sa aming dalawa, tutal ako naman ang may pinag-aralan. Ngunit habang nagmamatured ang isip ko ay ang daming pumapasok dito. Sa tuwing uuwe ako galing sa eskwela ay nakahilata sya sa kama. Buong araw daw syang tulog at bababa lamang kapag kakain na pagkukwento ni Manang Ester. Buhay tamad? Nasa ikaapat na taon na ako sa kolehiyo sa kurso kong Bachelor of Fine Arts. At ito ang taon na sobrang daming projects, thesis a

