"Thank you po Ma'am Martha. God bless you po!" Sabay-sabay na sigaw ng mga bata dito sa bahay-ampunan. Abot-tenga naman ang ngiti ko at parang mababanat na ang mga labi ko sa sobrang ngiti ko ngayon. I can't describe the joy I have inside because words aren't enough to describe it. Nagdonate ako ng mga libro rito at marami 'yon kaya naman sobrang tuwa ng mga bata na andito. Parang hinihimas ang puso ko sa tuwing nakikita kong napapasaya ko sila pero ang hindi nila alam ay ako ang napapasaya nila. Dahil tulad nila, naging isa rin akong batang hindi lumaki sa piling ng mga magulang bagkus ako'y nagkamuwang sa piling ng mga madre at mga bata na tulad ko noon. Kaya laking tuwa ko sa tuwing nakakatanggap ng kahit anong bagay. "Mabuti naman at napasyal ka. Sobrang natuwa ang mga bata sa mga

