Masasabi kong naging payapa ang kompanya ko simula nang nawala ako. Tama nga naman, ako lang naman ang dahilan bakit may mga empleyado akong umiiyak at dahil 'yon sa ugali ko. Pero ngayon, maayos na ang trato ko sakanila. May mga iba na hindi pa rin makapaniwala pero siguro kailangan ko lang talagang makuha ulit ang tiwala nila sa panibagong paraan. Sunday ngayon pero naisipan kong magtrabaho. Maaga akong pumasok sa opisina para agad matapos ang kailangan matapos tulad ng mga appointment ng meetings at para na rin maayos ko ang mga gamit ko sa mansyon. Hindi ko na rin kase nagagalaw ang mga gamit ko ro'n at puro nalang mga katulong ang gumagalaw at naisip ko na baka may mga mahahalagang gamit do'n na kailangan kong ayusin kaya napagdesisyunan kong tapusin agad ang mga trabaho sa opisina

