KABANATA 1

2405 Words
"Vergel," Napaangat ang kanyang tingin sa guro matapos niyang ilagay ang notebook sa loob ng kanyang bag. Nakadungaw sa kanya ang ginang habang inaayos nito ang salamin sa mata. "Po?" “Makikisuyo sana ako, anak.” Napipilaan siya. Hindi niya alam kung tatanggi o hindi. Kung mayroon itong iuutos sa kanya ngayon ay baka mahuli na siya sa kanilang next subject lalo kung malayo ang pupuntahan. “Ano po ‘yon, Ma'am?” aniyang pilit na hindi pinahahalata sa tinig ang pag-aalinlangan. “Pasuyo naman ako nakong na kung p‘wede ay pakiabot naman itong libro ng anak ko sa kanya,” sabay pakita ng ipinasusuyo. "Hindi ko napansin na nahalo pala sa mga gamit ko. Eh, baka kasi gamitin nila ngayon. Ang batang ‘yon talaga,” napapalatak na umiling-iling ang ginang. Alanganin pa rin na tumayo si Noreen upang abutin ang aklat. Nakakahiya rin naman kung tatanggi siya. “Hindi bale, malapit lang naman dito ang lab high,” ngiti nito. Tumatangong napasulyap siya sa librong hawak. Napakagat-labi. “Sige po, Ma’am.” Sa pagkakaalam niya ay isang third year high school student ang anak nitong lalaki. Muli sa kanyang nagpasalamat ang guro bago siya pumihit patalikod at lihim na bumuntong-hininga habang dama niya sa kanyang mga kamay ang pag-aalinlangan mula sa pakiusap nito. Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas nang silid at gawin ang iniuutos ng ginang nang sa gayon ay hindi rin masayang ang oras. Dumungaw na muna siya sa loob ng tahimik na silid matapos niyang basahin sa pintuan ang year and section na nakalagay sa ibaba ng salitang welcome. At pagkatapos ay marahan siyang kumatok doon. Natigil ang klase nang makuha niya ang buong atensyon ng mga nasa loob. Sabay-sabay na nagsipaglingunan din sa kanya ang mga estudyante at maging ang guro na nakatayo sa gitna ng klase habang nag-le-lecture kanina bago siya dumating. “Ma’am, good morning po.” Nakangiti itong humakbang paalis sa pagitan ng upuan ng mga mag-aaral nito. “Yes?” “Ma’am, estudyante mo po ba ang anak ni ma’am Bautista?” “Oo, anak. Bakit?” Napasulyap siya sa hawak na aklat kaya napatingin din doon ang kausap. “Nautusan po ako ni ma’am na ibigay sa anak niya itong libro. Nahalo raw po sa mga gamit ng mama niya at baka raw po kailanganin ng anak niya mamaya.” Tumango ang guro at hinarap ang klase. Tinawag nito ang binatilyo at narinig niya ang umpisa ng kantiyawan. Napadungaw tuloy si Noreen para lang makita na ngingiti-ngiti ang binata na tumayo at lumakad palapit sa kanilang puwesto. Naipilig ni Noreen ang ulo habang hinihintay na lumapit ito sa kanya lalo na nang mapansin na para itong nahihiya at nagba-blush. “Thank you, Ate.” anito na higit pang tumingkad ang pamumula ng mga pisngi nang abutin ang libro. Mas lumakas din ang hiyawan na agad din namang sinaway ng guro pero may mga mumunting ingay pa rin na maririnig. Tinanguan ni Vergel ang binatilyo bilang tugon sa pasasalamat nito. Nagpaalam at nagpasalamat na rin siya sa teacher nito bago niya nilisan ang lugar. Pagdating niya sa room na ginagamit ng kanilang block sa CoEd building ay wala na roon ang kanyang mga kaklase. At bukod tanging ang kanilang Algebra instructor na lang ang naiwan. Nagmamdaling isinukbit ni Noreen ang shoulder bag sa balikat bago humahangos na lumabas ng silid-aralan. Tipid na ngitian din niya ang maestra ng muli itong magpasalamat sa kanya bago siya umalis. Ramdam niya ang tensyon sa katawan ng eksaktong palabas na siya ng pinto ay siya namang pagpasok ng mga susunod na magkaklase sa room na iiwan. Lalo na sa isiping ang kanilang sunod na klase ay nasa building ng College of Nursing—na nasa dulong parte na ng unibersidad! Dios mio, Marimar! Late na siya ng ilang minuto! Kung hindi lang namamahiya ang instructor niya sa kanilang kasunod na subject ay hindi niya kakailanganing matensyon ngayon! Malalim na napahugot siya nang hininga. Binaybay ng dalaga ang exit pababa ng College of Education building bitbit ang dalawang libro at requirements para sa gagawing pag-a-apply mamaya sa ROTC. Kung hindi siya nautusan ng kanilang instructor ay hindi niya kailangang magmadali ngayon. Disin sana rin ay nasa room na siya para sa kanilang next subject! Nagtitimpi na napabuntong-hininga siyang muli habang nagmamadaling lumalakad-takbo. Tahimik ang buong unang palapag ng building ng makababa siya. Halos walang mga nagkaklase sa baba niyon at bakanteng-bakante ang mga silid. Pero may ilang estudyante sa may waiting shed sa tapat at may apat na lalaki namang nakatambay sa barandilya na malapit sa entrance paakyat ng second floor. Malamang ay naghihintay ang mga ito ng kanilang susunod na subject. Nilampasan niya ang apat at lumabas ng building. Hindi na rin niya napansin ang paparating na lalaking bahagyang humahangos ng takbo dala ng kanyang pagmamadali. Nakatulong pa roon ang mayabong na halaman na tumatakip sa kanang bahagi niya kaya hindi niya pansin ang paparating. Idagdag pang maliit lang din ang espasyo sa daanang iyon. Napaigik siya at napahiga sa magaspang na sahig matapos makabanggaan ang kasalubong. Dama rin ni Noreen ang mamasa-masang sahig dahil nahaluan iyon ng putik dulot ng pag-ulan kagabi at kanina. Pakiwari ng dalaga ay tumilapon siya sa sobrang lakas ng impact na tinamo. Hindi maiwasang magaw niya ang pansin ng apat na binata na masayang nagkukuwentuhan sa ibaba ng nilisang building dala nang pangyayari iyon na siyang ikinaputol din ng masayang kuwentuhan ng mga ito. Nagkalat ang ilan sa kanyang mga dalahin ng hindi sinasadyang mabitawan niya ang mga iyon. Ang mga laman ng bitbit na white folder kanina ay nagkahiwa-hiwalay dahil hindi pa rin niya na-pastener ang lahat ng mga document na ipapasa mamaya. Sumambulat sa maputik na daan ang kanyang bio-data, class schedule na kanyang pinaghirapan na isulat nang maayos at malinis sa coupon bond kagabi matapos ang ginawang pagsagot sa sunud-sunod na assignment sa apat na subject. Pinagpuyatan pa naman niya ang class schedule na iyon. Pinagpuyatan dahil ilang beses niyang isinulat dala ng ilang beses din na pagkakamali. Kabilin-bilinan pa naman ng kanilang mga ROTC instructor na dapat malinis at walang bura ang mga requirements na kailangang nakasulat-kamay. Kabilang na rin sa mga nagkalat ay ang table of contents, xerox copy ng kanyang birth certificate, medical certificate at ilan pa sa mga hinihinging requirements ng R.O.T.C sa kanila. “Ba’t kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?” angil sa kanya ng lalaki. Hindi mapigilan ng isa sa apat na binatang nakatambay sa ibaba ng College of Education na hindi magsalubong ang mga kilay dahil sa paratang na iyon ng mayabang lalaki sa dalaga. Akma rin sanang lalapit siya kanina sa babae upang tulungan itong makatayo nang pigilan siya ng tatlong kasama. “Huwag na,” ang wika ni Alex. “Baka madamay ka pa,” mahinang sabi nito. “Kilalang barumbado ‘yan at saka nangti-trip ‘yan eh.” Hindi umimik ang binata. Maang lang siyang tumingin sa eksenang nangyayari sa kanilang harapan. “Sa susunod kasi Miss. . .” sambitla nito habang pinanonood ang pagbangon ni Noreen na kinapitan na ng dumi ang buong katawan dulot ng medyo basang semento. “Tignan mo ang dinaraanan mo at huwag kang tatanga-tanga!” Nagmartsa na ang lalaki palayo na hindi man lang nag-abalang tulungan si Noreen na makatayo. Sa lagay nitong iyon ay mas ito pa ang badtrip kaysa sa dalaga. Mula sa sinabi ng lalaki ay natigilan si Noreen at hindi niya mapigilang hindi mairita lalo na sa huli nitong sinabi. At kahit ramdam niya ang kirot na sumigid sa kanyang tagiliran ay tumayo siya upang harapin ang lalaking mayabang. Pagpapasensyahan na sana niya ang lalaki kahit wala siyang kasalanan at kahit hindi siya nito tinulungang makatayo dahil una salahat, halata namang wala itong modo! Pero ang sabihan siyang tanga, aba! Iba nang usapan iyon! Wala itong karapatan na sabihan siya ng ganoon! “At kasalanan ko pa!” sabi niya sa nangangalit na ngipin. Napalingon tuloy sa kanya hindi lang ito kundi maging ang ilang estudyanteng nakatambay sa may waiting shed at mukhang naghihintay ng klase. “Napakayabang mo! Ikaw na nga ang itong umagrabyado ikaw pa itong galit! B’wisit!” Nagtatagis ang kanyang mga ngipin sa gigil dito habang pinapagpag niya ang narumihang damit. Ang mga mata ay matalim habang nakasulyap sa lalaki. Nagtitimpi na muli pang sumambulat sa matinding inis. Samantalang ang isa naman sa apat na binata na nanonood sa eksena ay hindi maitago ang ngiti. Ang tapang kasi ng babae. Nakikita niya iyon sa anyo nito at hindi lang sa boses. Mukhang palaban at walang inaatrasan. Ngayon lang din siya nakakita ng kagaya nito. At kung ibang babae marahil iyon ay hindi na iimik. Napatigil sa paghakbang ang mayabang na lalaki at nilinga si Noreen. Nagtatagis ang bagang nito na binalikan ang dalaga na may mayabang ding asta. Napakagat-labi pa ito habang nanggigigil sa inis na nakatitig sa dalaga. Mayabang na tumango-tango pa. At nang muling magsalita’y pabulong at pasigaw na ngunit may halong gigil. “Puta! Sino’ng b’wisit ha!” “Huwag mo akong mamura-mura! Gago!” bawi niya. “At sino ba sa ating dalawa ang sa palagay mo ang b’wisit, ha! Hindi ba’t ikaw?” Sarkastikong nginisihan ni Noreen ang lalaki. Bumuka ang bibig nito upang sana ay magsalita pero naunahan na ng dalaga. “Sa susunod kasi huwag n’yong gagawing play ground ang daan!” Saglit niyang sinulyapan ang mga kasama nito na nakamasid sa kanila buhat sa malayo. Hindi man siya sigurado sa kanyang paratang pero mukhang tama siya. Dahil hindi naman siguro tatakbo ito kung walang humahabol. "Ang tatanda n'yo na pero para kayong mga bata! Ano ba 'yan! College student ka na hoy! At ipapaalala ko lang din sa iyo na paaralan ito at hindi palaruan!" nanggagalaiti niyang sumbat habang kumukuyom ang mga kamao at umiigting ang panga. Hindi naman malakas ang boses niya ng sabihin ang mga binitawang salita. Ayaw rin naman niyang makakuha at makalikha nang mas malaking eskandalo. Iyon nga lang ay hindi pa rin maiwasan ang pagtingin-tingin at pagbubulungan sa kanila ng ilang estudyante na nakatambay sa may waiting shed. Nababatid niya na ramdam ng mga ito ang tensyon dahil nakikita rin iyon sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha ng lalaking mayabang. Kahit nakikita na ni Noreen ang matinding galit sa mukha at pagtatagis ng mga bagang ng lalaki ay wala siyang takot at pangamba na nadarama nang mga sandaling iyon. Taas ang noo na sinasalubi g niya ang mga mata nitong nag-aapoy. Subalit ang morenong binata naman na kanina pa nanonood sa nagaganap sa harapan nito ay hindi na nagugustuhan ang nagiging takbo ng eksena. Hindi rin ba natatakot ang mga ito na may lumabas na professor mula sa faculty ng naturang building? Palibhasa rin yata kasi’y alam ng mga ito na hindi naririnig at nakikita sa loob ng faculty ang nangyayari sa labas kaya malakas ang loob na magsagutan. Mahihinang pabulong lang din kasi ang mga sigawan sa galit ng dalawa. At kung wala ring maglalakas ng loob na pumagitna sa mga ito’y baka mauwi pa iyon sa mas malaking gulo. “At isa pa,” pahabol ni Noreen. “Huwag mo ako matawag-tawag na tanga, lalaking mayabang! Ubod ng yabang!" “Putangina! Ang tapang mong babae ka!” Umangat ang kamao nito sa ere habang wala namang kakurap-kurap o takot na mababanaag sa mukha ni Noreen. Handa siyang salagin ang kuyom na palad nito. Alam niya na kaya niyang idepensa ang sarili. Para saan pa ba ang pag-aaral niya ng kuntaw kung hindi niya iyon magagamit? Ang kaso’y nabitin lang sa ere ang kamao nito sa mangha niya. Napigil ang hininga niya at awang ang labi na napatitig sa likod ng lalaking biglang sumulpot mula sa kung saan. “Pare, babae ‘yan.” ani baritono nitong tinig. Nagsinghapan ang ilang estudyante na nakatingin. Ang ilan doo’y naglaglagan ang panga dahil hindi nila akalaing may kayang pumagitna sa away na kahit na sino’y walang nagtangkang mangialam dahil sa takot. Matiim na tinitigan ni Kiefer ang lalaki habang salo ng kaliwang kamay ang kamao nito. “Baka pare nakalilimutan mong nasa loob tayo ng campus. Maaaring mapatawag ka ng OSA ano mang sandali kapag nakarating ito sa kanila.” Humigpit pa ang hawak ni Kiefer sa kamao nitong salu-salo niya. Tila nais din niyang pilipitin iyon. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay ang makakita ng babaeng pinagbubuhatan ng kamay. Umiinit ang ulo niya at kumukulo ang dugo. “Wala kang karapatang manakit ng babae at hindi ang p*******t sa kanila ang sukatan ng lakas mo.” mahinahon niyang sabi kahit sa loob-loob niya ay matindi na ang gigil para sa lalaki. “Puta! Ang dami mong satsat!” nababagot na sabi nito. “Pakialamero ang gago!” Sumalida ito ng suntok gamit ang malayang kamay pero mabilis ding napigilan iyon ni Kiefer. Nanglalaki ang mga mata nang mayabang na lalaki ng parehas na pilipitin ni Kiefer ang mga braso niya. Napadaing ito sa sakit at pagkatapos ay itinulak ito ni Kiefer. At kung hindi ito nakabalanse ay baka sumadsad na ito sa medyo basang lupa. “Back off, pare!” Napanganga na lang si Noreen sa mga eksenang natutunghayan ng mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at i-re-react ng mga sandaling iyon. Hindi rin niya lubos-maisip na may katulad nito na maglalakas-loob na tulungan siya sa gulong napasok niya ng wala sa oras. Nanglilisik ang mga matang tinignan ng mayabang na lalaki ang binatang tumulak at pumilipit sa braso niya. Nagtatagis ang mga bagang nito. Akma namang lalapit ang mga kabarkada nito ng sumenyas ito gamit lang ang peripheral vision. Lalapit na rin sana ang barkada ni Kiefer ng tignan niya ang mga ito ng ‘huwag-kayong-mangialam-look’. “Hah! Knight-in-shinning-armor?” asik nito. “Walangya! Puta!” Hindi ito mapigil-pigil sa pagmumura dahil sa katotohanag natalo ito sa away na iyon. “Hindi pa tayo tapos. Magkikita pa tayo!" Napakislot si Noreen mula sa kinatatayuan nang sumulyap sa kanya ang lalaking mayabang. At may kung ano'ng nakatatakot na kilabot ang gumapang sa buong katawan niya dahil sa uri nang tingin ng mga mata nito. Parang nagbabadya ng panganib. Napalingon si Kiefer kay Noreen na may pangamba. Alam niya, kasama rin siya sa pinagbantaan nito ngunit mas nag-aalala siya para sa kalagayan ng babae. Pagtingin muli ng binata sa mayabang na lalaki’y naglalakad na ito palayo kasama ng anim pang kalalakihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD