Today is a special non-working holiday kaya naman maagang gumising si Franz to prepare something. Katulad noong isang gabi ay sa tabi na naman nila ni Joymi natulog ang dalawang anak. At masasabi niya na iba talaga sa pakiramdam kapag gumigising siya sa umaga at ang mag-iina niya ang bumubungad sa kaniya pagmulat pa lamang ng kaniyang mga mata. Hinding-hindi talaga siya magsasawang makita ang ganoong tanawin sa umaga habangbuhay. Ilang saglit pa niyang tinitigan ang mga ito. Maya-maya ay ginawaran niya ng halik sa noo sina Aeriya at Eros. Samantala, marahang halik sa labi naman ang ginawad niya sa nahihimbing na asawa. "It's indeed a good morning, Franz," malawak ang ngiting sambit niya pa sa sarili bago magpasyang lumabas at magtungo sa kusina. Nadatnan niya naman sa may sala ang byenan

