"Good morning, Sir! Mukhang good mood ka ngayon, ah. Ang aga-aga ang lapad ng ngiti mo. Daig mo pa yata ang naka-jackpot nang isang bilyon. Anong meron, Sir?" usisa ni Ryan pagpasok niya sa opisina. "Ikaw ba naman magkaroon ng magandang asawa na bubungad saiyo pagmulat mo ng mata mo. Aba'y kahit siguro ako maganda rin parati ang gising ko kung ganoon naman ang mumulatan ko 'di ba?" "Good morning, Sir Gabriel," bati rito ni Ryan. Bigla na lang kasing sumulpot doon ito. Sumunod ito sakaniya hanggang sa loob ng opisina niya. "Anong kailangan mo?" "What did you do?" "What do you mean?" "Hindi tayo matatapos kung sasagutin mo rin ng tanong ang tanong ko," nakangiwing sambit naman nito bago umupo sa visitors chair na nasa harapan ng table niya. "Ikaw itong naunang sinagot ng tanong ang ta

