"Ilang araw na lang ay team building na. Pupunta ba tayo?" tanong ni Franz kay Joymi habang nagmamaneho papasok sa trabaho. "Sabi ni Sir Gabriel mandatory raw ang pag-attend sa team building kasi kaya nga raw team building iyon ay para ma-practice ang teamwork ng mga employees. At paano naman daw mangyayari iyon kung hindi naman pupunta ang lahat. So we don't have any choice but to come." "I don't attend team building before dahil sa tambak na backlogs sa accounting department so I always ask Gabriel to supervise and to lead kung sino man ang mga interesadong pumunta sa department." "To be honest, I feel bad for you after kong makita kung gaano karami ang inayos mong report noong bigla na lang nawala without proper turnover ang pinalitan mo na accounting manager. Yung ilang buwan ng bac

